Zsa Zsa Padilla wants to move out from Dolphy’s house

Kahapon, July 10, ay ginunita ng pamilya ng Comedy King na si Dolphy ang unang anibersaryo ng kamatayan nito sa pamamagitan ng isang pribadong salu-salo.


May biruan at kaunting tawanan sa pribadong misa na idinaos sa unang anibersaryo ng kamatayan ng King of Comedy na si Dolphy kahapon, July 10.

Dumalo ang longtime partner ni Mang Dolphy na si Zsa Zsa Padilla, lahat ng mga anak ng komedyante, at ang anak-anakan nito sa showbiz na si Maricel Soriano.

Sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, sinabi ni Epi Quizon na sobra niyang nami-miss ang ama.

Aniya, “I just really missed the guy, I missed his voice. That’s actually… isa sa mga pillars ng decision-making ko—yung boses ng tatay ko.”

Kuwento naman ni Eric Quizon, “Very strong yung bond naming magkakapatid na we feel na that’s the one really binding us, e.

"I mean, ang common denominator talaga ay yung daddy namin.”

Pag-amin naman ni Zsa Zsa, may kurot pa rin sa puso niya ang pagpanaw ni Dolphy, lalo na tuwing nagliligpit siya ng gamit nito sa kanilang kuwarto.

Sabi ng Divine Diva, “Realistically, we have to move out from there [the house] one of these years because it’s becoming too big for us, it’s hard for us to maintain.

"Tsaka andun ang lahat ng damit namin kaya sobrang ang hirap-hirap, parang hindi ako maka-move forward.”

Dagdag pa niya, sa ngayon ay nahihirapan pa silang magdesisyon kung kailan nila lilisanin ang bahay na kanilang tinitirhan.

“Mahirap kasing iwan kasi parang siyempre, biro mo, parang lahat na lang ba mawawala sa ’yo?” sabi ni Zsa Zsa.



VANDOLPH AND BOY2 QUIZON. Kahit na ang ibang mga anak ni Mang Dolphy ay nakapag-move on na sa pagpanaw ng ama, parang nahihirapan pa raw ang anak nitong si Vandolph at apong si Boy2 Quizon na tanggapin ang lahat.

Kuwento ni Vandolph, gusto pa rin niyang magparamdam ang ama sa kanya.

Aniya, “Last night I was here, bago pa [ngayon], inunahan ko na sila lahat, nauna ako dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, walang tao, e, madilim, sabi ko, ’Magparamdam ka naman.’”

Si Boy2 naman ay sa tattoo na lang daw idinaan ang pangungulila sa lolo.

Sabi niya, “May mga time pala na hahanapin mo then you just think about na, ’Ay, wala na pala talaga.’ Alam mo yung ganun?

"So may mga ganun na nangyayari. But he’s always with us, the tattoo is there.”



HELPING THE LESS FORTUNATE. Naging abala rin ang buong angkan ng Quizon sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na at kilalang mapagkawanggawa ang Hari ng Komedya noong nabubuhay pa ito.

Ilan daw sa mga pagtulong na ginawa nila in honor of Dolphy ay ang silid-aralan ng isang eskuwelahan sa Tondo, at ang pag-donate ng dugo sa Red Cross at Eye Bank.

Pinaplano na rin ng pamilya ang pagkakaroon ng fun run para makalikom pa ng pondo para sa kanilang mga kawanggawa. Gaganapin daw ito sa July 21.

Pagbibiro pa ni Eric, kung buhay pa ang ama ay baka sabihin nito sa kanila na kulang pa ang mga ginawa nilang pagtulong sa mga nangangailangan.

Sabi niya, “He will be happy, of course, matutuwa yun.”

Sabi naman ni Zsa Zsa, “Parang hindi mo iisipin na one year na pala ang nakalipas, kasi we do the same things pa rin, e.”

Sa July 25 ang 85thbirthday ng yumaong Hari ng Komedya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN