Colleagues pay tribute to late veteran actress Ama Quiambao

Isa si dating Miss Universe 1st runner-up Miriam Quiambao sa nag-alay ng tribute sa kanyang Tita Ama Quiambao. Aniya, “I was really praying for a spiritual miracle [for] Tita Amy. Inspite of what happened, I really, truly believe that God is sovereign, and that He knows what’s best.”


“She died with her boots on!” ang madamdaming sambit ni Racquel Villavicencio, premyadong manunulat at actress, sa huling gabi ng wake ni Amable “Ama” Quiambao sa Arlington Chapels, Quezon City.

Na-comatose si Ama noong June 28, matapos niyang mag-collapse sa entabladong pinagtatanghalan ng dulang Pamamanhikan sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Si Ama, fondly called by her friends and colleagues in the industry as "Tita Ama," died on July 5, 2013 at the Capitol Medical Center.

She was 66 years old.



TRIBUTES. Sa tribute kamakalawa ng gabi, July 9, si Ama ay binigyan ng standing ovation ng mga dumalo, kasabay ng masigabong palakpakan.

Nauna rito ang isinagawang misa, dakong ika-7 ng gabi, kasunod ang necrological services, at 8 p.m., sa pamumuno ni Adriana Agcaoili ng Gantimpala Theater Foundation, Inc.

Dumagsa ang mga artista, direktor, manunulat, taga-media, at iba pang may kaugnayan sa lokal na aliwan—teatro, telebisyon, at pelikula.

Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagbibigay ng eulogies at awitin ng mga nakasama at hindi nakasama ni Ama sa dulaan.

Banggit ni Nicholas Pichay, isang premyadong mandudula at direktor na naroon, “It is that rare occurrence, to expire in the line of duty.

“For this actress, it was on stage, under the kleig lights, before an audience, surrounded in the wings by the people who she considered family.

“I toast your life with us in the theater, Tita Ama. Yet gone too soon.

“I grieve your last curtain like a child orphaned. You leave Philippine theater richer than when you found it.”

Rodolfo Vera, movie screenwriter, actor, and former Festival Director of Virgin Labfest, kung saan kabilang this year ang huling ginampanang dula ni Ama, narrated:

“Ms. Ama Quiambao passed away at around the same time that the play she was performing, last Friday, was having its last show at the Virgin Labest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Beautifully performed by Carme Sanchez and Hermie Concepcion [Ama’s alternate]!

“Ama, I will always remember you for all your sterling performances at the Labfest: Maganda Pa Ang Daigdig by Rogelio Braga; Bagahe by Jose Dennis Teodosio; and Pamamanhikan by Det Neri.

“Salamat nang napakarami. Saludo sa iyo. Bravo!”

Nagbunyi rin kay Ama sina Felindo Obach, Beverly Salviejo, Angeli Bayani, at Stella Canete-Mendoza; at ang mga naging direktor at kaibigan ni Ama na sina Auraeus Solito at Joel Lamangan.

“We were together, as friend, partner... sometimes Ama as my mother, an old woman,” banggit ni Felindo.

Comedienne Beverly said, “I felt a certain connection with her, yung pagmamahal sa sining ang nagku-connect sa amin.

“Marami siyang pangarap, at nawa’y magkaroon ng katuparan ang pangarap ni Tita Ama, para sa ating sining.”

Madamdamin ang awitin nina Beverly at ng stage-indie actress na si Angeli, na nalulungkot dahil hindi raw sila nagkaroon ng eksena ni Ama sa acclaimed film na Ka Oryang ni Sari Dalena at Keith Sicat.

Si Direk Eman dela Cruz ang lumikha ng orihinal na awitin para kay Ama.

Nalugod naman ang aktres na si Stella Cañete dahil nakausap niya si Ama, ilang oras bago magsimula ang Pamamanhikan, mula sa pagdating nito sa CCP.

Dumating daw si Ama ng 10 a.m. on the dot, para sa paghahanda sa pagsisimula ng dula.

“That morning, she was so beautiful,” pagtukoy ni Stella kay Ama, that fatal morning of June 28.

“She was glowing... ang ganda-ganda pa rin niya! Told her, ‘I really mean it, you’re so beautiful today!’

“Sabi niya [Ama], ‘Uy, thank you... pinalalakas mo ang loob ko.’ Nahihiya siya.”

Later, she realized, “Napaka-transcendental ng buhay. But I feel lucky to have spent quality time with Tita Ama.

“I have been a witness to how professional she is... only if I could achieve half of what you’ve achieved!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy honeymoon in heaven [with Ama’s departed husband, baritone Gamaliel Viray]! Salamat po,” sambit pa ni Stella.




FAMILY’S LOVING TRIBUTE. Maliit lang kung tutuusin ang pamilya ni Ama Quiambao.

Sa huling sandali, naroon silang lahat—mula sa pagkaka-ospital hanggang sa cremation ng yumao, at 4 p.m. on Wednesday, July 10.

Ama’s mom, Adela Quiambao, is 94 years old, kaya nangamba ang pamilya na hindi nito makayanan ang unang pag-uulat ng pag-collapse sa stage ng kanyang 66-year-old actress-daughter.

Pero sa apat na gabing wake ay laging naroon ang ina nina Ama at dalawang kapatid na sina Med, ang ama ng beauty queen-actress na si Miriam Quiambao, at Lui Quiambao Manansala, isa ring aktres.

Med is married to Miriam’s mom, Len, a cancer survivor.

Lui’s husband is Chuck, who was with son Diego at the Taumbayan benefit show, Pagpupugay Sa Isang AMA, Ina at Kapatid.

Sa eulogy services kinabukasan, nagsalita at nag-offer ng Christian prayer ang former Miss Universe runner-up na si Miriam at ang kanyang pinsang si Ishmael Viray, only child nina Ama at Gamy.

Pagtatapat ni Miriam, “I was really praying for a spiritual miracle [for] Tita Amy.

“In spite of what happened, I really, truly believe that God is sovereign, and that He knows what’s best.”

Banggit naman ni Ishmael, mayroon siyang mataas na respeto sa mga nakatrabaho ni Ama, whom he calls "Mama," sometimes "Nanay."

“Amy, Tita Ama, she goes with a lot of names... nalilito na ako,” sabi ni Ishmael.

Pero ang isang vivid recollection ng 29-year-old son ni Ama was when he tagged along his mom to watch Ibong Adarna, a children’s play by GTF.

“There’s a kapre scene there, ang ganda ng props, pero kumakapit ako sa mama ko.

“Naalala ko yung mga direktor ng nanay ko sa mga plays—they’re all perfectionists!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super demanding sila, but you still go on with the rehearsals.

“Nakita ko yung pag-arte ng nanay ko sa mga plays at indie [films].

“Thank you for giving my mother the opportunity to shine in your movies.

“Hindi lang kayo colleagues, kundi kapamilya ng nanay ko.

“Ang mga direktor, ang turing ng nanay ko ay mga magulang niya, ang mga co-stars niya, kapatid.”



AMA’S EXTENDED FAMILY. Naroon ang karamihan sa kanila sa Taumbayan music bar ni Andoy Ranay noong Lunes ng gabi, July 8.

Ang informal benefit mini-show na Pagpupugay Sa Isang AMA, Ina at Kapatid: A Night of Music and Mayhem, ay in-organize ng Theater Actors Guild (TAG) sa pamumuno ni Kalila Aguilos.

Kalila said, “She was a great actress… Sad but we’re celebrating her life tonight.

“Maraming salamat kay Aiza Seguerra for spearheading this project!”

Kabilang sa mga nag-perform nang gabing iyon, bukod kay Aiza, ay sina Bayang Barrios, Mike Villegas, Ava Santos, Mike Salomon, Vince de Jesus, at Carla Guevarra-Laforteza.

Nasa venue rin sina Angeli Bayani and partner Arnold Reyes, Jay Gonzaga, Perry Escano, Kiki Baento, Juliene at Stella Canete-Mendoza, Nicco Manalo, Delphine Buencamino, Adriana Agcaoili, George de Jesus, Joel Saracho, Phillip Lazaro, Ella Guevarra, Carlo Maceda, Ed Murillo, Gilleth Sandico, Jelson Bay, Jim Pebanco, at Anton Juan.



TEACHER AMA. Si Roeder Camanag, tulad ni Ama, ay gumaganap sa iba’t ibang medyum, kadalasan sa entablado at indie films.

Pero malaking oras din ang ginugugol nila sa pagtuturo ng Communication Arts subjects at Literature, respectively, sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Sabi ni Roeder, “Sobrang inspired si Tita Ama sa pagtuturo, dahil ang mga estudyante daw niya ‘has hunger for knowledge.’”

“Public schools offer very little compensation, pero hindi mahalaga iyon kay Tita Ama.

“She taught World Drama and Theater History to dilligent students, once a week for three hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mga estudyante niya, naglalakad lang para makapasok, and Tita Ama valued it kaya she never stopped teaching.”

Dati ring guro si Ama sa St. Paul’s College, Quezon City.

Magtitipon ang mga naging estudyante niya sa Linggo, July 14, para sa benefit film showing ng kanyang mga pelikula sa Freedom Bar in Anonas, Quezon City.

Magiliw raw si Ama bilang teacher o kaya’y godparent, ayon kay Gian Yumul ng Ballet Philippines-Marketing.

Si Gian, na inaanak ni Ama, ay anak ng now inactive stage actress Aurora Yumul, na gumanap bilang Imelda Marcos to Ama’s Cory Aquino sa dulang Bongbong at Kris ng Bulwagang Gantimpala noong 1987.



DIRECTORS’ TRIBUTE. Peque Gallaga, whom Ama Quiambao worked with in Regal Films’ Virgin Forest (1985), was also at the CCP on certain days last week.

He remembered Ama who was in his film and in another ECP-produced classic, Abbo dela Cruz’s Misteryo SaTuwa (1983).

Sa necrological service, nagsalita rin sina Direk Joel Lamangan at ang indie-digital filmmaker na Auraeus Solito patungkol kay Ama.

Ayon kay Auraeus, who directed Ama in Tuli (2005) and Pisay (2006), katangian ng namayapa ang pagiging matapat sa kanyang sining.

“Ama had good reviews [as an actress] because she understood her craft,” ani Auraeus.

The celebrated filmmaker of Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005) said that Ama even went to the extent of experiencing a real trance in Tuli at makatotohanang pag-aalaga ng maysakit sa isang eksena ng Pisay.

“She does everything that’s real, she has a soul.

“Her voice is so gentle, at nandoon na siya sa isang lugar ngayon na pinapalakpakan siya ng mga anghel at ng mabubuting nilalang.”

Bukod sa totoong pakikipagkaibigan, maraming nakakatuwang karanasan si Joel sa naging samahan nila ni Ama.

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong 1982 sa paggawa ng Himala, penned by Ricky Lee and directed by National Artist Ishmael Bernal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ama, observe ‘yan nang observe sa set ng pelikula, tapos idi-discuss niya.

“Halos walang katapusang pagdi-discuss ng form at content. Naku, hanggang umaga!

“Noong ginawa ko ang Sipnget [play for Bulwagang Gantimpala], I did mixed cinema and theater, ayaw ni Ama!

“Bina-bastardize ko raw ang theater!

“Hanggang sa point na, noong direktor na ako, minsan nagkita kami, ‘Direk!’ sabi niya, pero sabi ko, ‘stop na ang discussion…’

“Pero bago siya namatay, pag nagkikita kami, nagdi-discuss pa rin kami.

“This time, tungkol naman sa katuturan ng kabuhayan ng mga tao sa teatro, mga ganoong topics.

“Tuwang-tuwa siya sa mga organisasyong nagbibigay ng pagkakataon sa mga artista sa teatro.

“At bukas ang isip niya sa lahat ng bagay, dahil mahal niya ang dulaang Pilipino.”

Hindi man nagsatinig ng kani-kaniyang eulogy, naroon sina Soxy Topacio, Law Fajardo, Dennis Marasigan, Bodjie Pascua, Rolly Inocencio, Hermie Concepcion, Angie Ferro, Pen Medina, Ronnie Lazaro, Jeremy Benjamin Domingo, Sue Prado, Althea Vega.

Nagpunta rin sina Michael Dagnalan, nagdirek ng Layang Bilanggo (2010) with Ama, her sister Lui, and niece Miriam Quiambao as co-actors.

Dumating din sina Joel Saracho, Madeleine Nicolas, Hai Balbuena, Herlyn Alegre, Rae Red, Manny Valera, at Paul Alexander Morales.

Kabilang din sa punong-abala ang stage-indie actor na si Perry Escano na puspusang tinatapos ang isang documentary film on Ama.

Nagkasama sina Perry at Ama, bilang mag-ina, sa dulang Ang Tahanan ni Bernarda Alba, ang isa sa pinaka-memorable plays na nagbida si Ama at nanalong Best Stage Actress sa Aliw Awards.

Dumalaw rin sa wake ang huling nakatrabahong indie directors ni Ama na sina Cesar M. Evangelista, at Mes De Guzman and wife Rhea.

Hindi nakadalaw sa wake ni Ama si Nora Aunor pero nagpaabot ito ng taus-pusong pakikiramay sa mga naulila.

Unang nakasama ng yumao si Nora sa Himala, at sa huli niyang tinampukang obrang Ang Kwento Ni Mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN