Glaiza de Castro makes surprise appearance at FHM 100 Sexiest Women victory party

Madalas sabihin noon ni Glaiza de Castro na hindi pa siya handang mag-pictorial para sa FHM, kaya naman marami ang nagulat nang rumampa at mag-perform siya sa victory party para sa FHM 100 Sexiest Women in the World kagabi, July 10.


Marami ang nagulat nang ipakilala ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women sa World Trade Center kagabi, July 10.

Bago rumampa ay nag-perform muna si Glaiza ng isang song number.

Madalas sabihin noon ng aktres na hindi niya kayang mag-pictorial para sa FHM, kaya nakapagtataka kung bakit siya rumampa at mag-perform sa yearly event ng naturang men’s magazine.

“Hindi ko nga alam!” natatawang sagot ni Glaiza nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang ginagawa niya sa event ng FHM.

Pero dugtong niya, “Noong sinabi kasi ni Kuya Chino [Sarenas, Glaiza’s handler from DMV] na, ‘Magpe-perform ka sa FHM, hindi naman required na mag-pose ka.’”

Sa ngayon?

“Sa ngayon!” natatawang pagsang-ayon ni Glaiza.

“Hindi, nasa sa akin pa rin naman yun.

“Basta ako, masaya ako na naging parte ako ng ganitong event at alam naman natin na pinupuntahan ng mga tao.

“At saka, parang celebration ito ng beauty, ng fierceness, mga babae.”

Kung pagbabasehan ang performance at pagrampa ni Glaiza kagabi, sa kabila ng hindi pa siya nakakapag-cover sa FHM, masasabing may kumpiyansa ang aktres sa sarili.

Pero pag-amin niya, “Sobrang ninenerbiyos ako dahil first time ko rito.

“Unang-una, first time ko rito. Tapos, first time kong mag-perform sa harap ng maraming boys na alam mo yung nag-aabang talaga.

“Siyempre, ayokong magkamali.

“Kahit na anong hassle, okay naman.”

Anong paghahanda ang ginawa niya?

“Practice lang ako nang practice ko ng prod ko.

“Pero yung sa katawan kasi, kain ako nang kain. Ang sarap kumain!

“Ayoko namang palampasin ang opportunity na nasa ibang bansa, tapos ide-deprive mo ang sarili mo.

“Pero, mukha namang okay.”



IS GLAIZA READY? Sa ginawa niyang pag-perform at pagrampa sa unang pagkakataon sa FHM thanksgiving victory party, nangangahulugan kaya na sa mga susunod na buwan o sa isang taon ay makikita na rin siya sa cover ng FHM?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tingnan natin!” natatawang sabi ni Glaiza.

“Ako, sa ngayon, hindi ko pa talaga nae-envision ang sarili ko sa pagko-cover.

“Sa ngayon, okay na ako na nakapag-perform ako, naging parte ako ng ganitong event.

“Okay na muna ako dun.”

Nararamdaman ba ni Glaiza na posible na niyang gawin ang bagay na yun?

Sagot ng aktres, “Actually, ang tagal na nila akong sinasabihan, bata pa lang…

“’Yang sila Xander [Angeles, photographer], friends ko na silang talaga, yung ibang mga taga-FHM.

“Matagal na nila akong sinasabihan, pero hindi pa ako ready.

“At saka yung path ko sa trabaho ko, hindi ganun ang nakikita kong path.

“So, mag-iibang image kasi. Kumbaga, ano ‘yan, total repackaging talaga.

“So, sa ngayon, ito muna. Okay muna ako dito.”



DIFFERENT FEELING. Ano naman ang naging pakiramdam niya habang rumarampa, at maraming lalaki ang nakatingin sa kanya at kumukuha ng larawan niya?

“Parang feeling ko, ang ganda ko!” tawa ni Glaiza.

“Pakiramdam ko, officially, girl na girl.

“Parang nailabas ko ang femininity ko sa pagrampa ko.

“Kasi dati, hindi pa ako at ease sa katawan ko. May insecurities pa rin ako.

“Which is, lahat naman tayo meron, di ba?

“Pero yung time na rumampa ako dun, let go of negativity, of forever negative vibes na nararamdaman mo.

“Just enjoy, just feel the stage, just feel the audience.

“Tapos, maging kumportable ka sa sarili mo, kasi yun naman talaga ang importante.

“Kahit na hindi ka super-maganda, super sexy, just feel confident about yourself, you feel good about yourself—yun na yun.”



TEAM LEADER. Sa ngayon, wala pa raw bagong soap opera na gagawin si Glaiza pagkatapos ng Temptation of Wife, pero regular naman siya sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

At simula sa Linggo, July 14, siya ang magiging team leader ng Insta Gang team sa Sunday All Stars. Papalitan ni Glaiza ang unang leader ng grupo nila na si Christian Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa apat na grupo ay sila pa lang ang hindi nananalo.

Sabi naman ni Glaiza, “Medyo mahirap mag-conceptualize. Ganoon pala yun.

“Naglatag ka na ng concept mo, tapos biglang last minute, aalisin nila, so magbabago na naman ako.

“Lahat ng mga binuo ko, burado, so medyo confusing.

“Pero masaya naman, challenging.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN