La Diva member Aicelle Santos on going solo: “Naniniwala naman kasi ako na bawat isa sa amin may talent—we can really sing.”

Gusto ring subukan ni Aicelle Santos ang pag-arte bukod sa pagkanta. Sabi niya, “I can sing, pero yung pag-arte, hindi ako sure doon noon. Pero nang makuha nga ako sa Katy, marami akong natutunan at doon ko nalaman na nakakaarte pala ako.”


Kung si Aicelle Santos ang masusunod, gusto pa rin nitong magsama-sama silang tatlo nina Jonalyn Viray at Maricris Garcia bilang grupong La Diva.

Pero sa ngayon na may ginagawa silang solo-solong projects, okay na rin sa kanya dahil mahalaga raw ay may kanya-kanya silang trabaho.

Sabi ni Aicelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakalungkot, kasi we don’t get to have a number together sa SAS [Sunday All Stars] kasi hiwa-hiwalay na kami ng group.

So, talagang solo-solo muna silang tatlo?

“Ako, I’m open.

"I mean, okay naman ako, kami, separately to have solo careers.

“Kasi, para na rin sa growth namin sa bawat sa isa.

"Pero masaya rin naman kung, alam mo yun, may mga projects kami together.

“Like recording another album or shows sa labas or guestings sa iba`t ibang shows sa GMA-7.

“Basta ako, happy pa naman ako to work with them.”

So, handa na talaga silang tatlo na magkaroon ng solo career?

Sagot ni Aicelle, “Siguro. Kasi, iyon naman yung nangyayari sa amin ngayon.

“Naniniwala naman kasi ako na bawat isa sa amin may talent—we can really sing.

“Kung yun ang magiging baon mo, yun ang ihain mo sa tao, yung galing mo sa pag-awit.

“I`m sure na tatanggapin at tatanggapin ng mga tagahanga namin yun.

“But not throwing away La Diva, kasi proud ako na kami lang talaga yun.

"So, if ever given a project to record again na kaming tatlo, I’m in."

Pero right now, kanya-kanya muna raw sila.

“Sa ngayon, yeah, okay na mag-solo, okay din na mag-La Diva.

"Aas long as this works—mahal namin kasi ang pagkanta.

“So kahit ilagay mo kami sa La Diva or solo, okay lang dahil kakanta’t kakanta kami.”



SOLO ALBUM. How about another solo album?

Sabi ni Aicelle, “May plans na magkaroon ako ng solo album, and I love to have it within the year or early next year, basta magkaroon lang ng album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Katulad ngayon, meron akong mga sinusulat-sulat na original kong composition na sana mabuo.

“Siguro in time, kasi nami-miss ko ring mag-recording.

“Pero right now, I have to finish all my compositions bago ko i-present sa record label.

“Gusto ko, hindi lang siya original, gusto ko, written by me para maiba naman.”



SEPARATE PROJECTS. Anu-ano ang solo projects ni Aicelle ngayon?

“Eto, bukod sa SAS [Sunday All Stars], may rerun ako ng Katy The Musical sa Meralco Theater sa July 26 na yun to August 4.

“And then minsan... kasi meron akong mga soaps for the past few months.

"Nakatatlong soap ako—Love & Lies, Forever, tsaka Kakambal Ni Eliana—pero mga incidental character, not really part of the big, big cast.

“Pero okay naman yung role na ibinibigay nila sa akin at natsa-challenge ako, kasi bago sa akin.

“Pero nae-enjoy ko naman siya, yung mga tapings kahit puyat—masaya.”

Mas gusto na ba niyang mag-concentrate sa musical plays?

“Kung mabigyan ng magandang project like Katy, why not?

“Maganda kasi yung training sa teatro, ibang klase din yung training sa theater.

“Tsaka ang sarap noong nagpe-perform kang live and may immediate response ka.

"Kasi, pag nagustuhan nila, papalakpak talaga sila.

“Right away, pag nararamdaman nila yung acting mo on stage, mararamdaman mong tahimik sila, so yung ganoon... masaya siya.

“Although very tiring siyempre yung rehearsal, pero pag nagra-run na kayo, wala na, e, talagang masaya na siya.”



MUSICALS. Part ba ng training niya ang Katy The Musical para makuha siya sa Miss Saigon, kunsaan nakaabot siya hanggang final callback?

Sabi ni Aicelle, “Basta ako, I’m very happy and thankful na nakuha ko yung role for Katy.

“Napakalaking tulong po talaga na ma-discover ko yung mga bagay na hindi ko kayang gawin na ngayon nagagawa ko na.

“Like acting on stage at kumakanta din, ibang-iba kasi siya sa ginagawa ko as a singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know kasi I can sing, pero yung pag-arte, hindi ako sure doon noon.

“Pero nang makuha nga ako sa Katy, marami akong natutunan at doon ko nalaman na nakakaarte pala ako!” sabay tawa niya.

Dagdag ng Pinoy Pop Superstar alumna, “Alam kong marami pa akong dapat i-improve and I’m willing to learn.

“Alam kong marami pa akong kakaining bigas, pero I think I’m going there, positive lang.

“Siguro yung tanong about kung preparation ko ba ito for Miss Saigon? Siguro puwedeng sabihing ganoon, kasi like Miss Saigon, musical play din ang Katy.

“Kaya naman ito na nga siguro ang training ground ko bago sumalang sa Miss Saigon—if susuwertehing makuha at matawagan.”

Hindi pa ba nila alam ang result ng auditions sa Miss Saigon?

“Wala pa, we’re just waiting.

"Sabi nila 2014, merong late 2013, iba-iba… hindi namin alam.

“Sabi, i-email kami... puwede rin naman silang tumawag, may Viber naman,” pagbibiro pa ni Aicelle.



ACTING. Pero gusto rin ba niyang maka-penetrate sa acting?

Sagot ni Aicelle, “Alam mo, sa totoo lang, noon ayaw ko niyan.

“Lagi kong sinasabi na, ‘Ano ba ‘yan?’

"Sabi ko nga, parang matatawa ako pag nakita ko ang sarili ko sa TV na umaarte or umiiyak-iyak.

“E, hindi naman pala.

"Siguro, dahil natututo ka from your mentor, sa mga kasamahan mong artista sa trabaho.

“Tapos, mababati ka o mapupuri ka sa ginagawa mo, doon ko na-realize na puwede pala.

“So, kumbaga, noong nakuha ko na, e, di paghusayan mo na lang, pag- aralan mong maigi yung character na ibibigay sa iyo.”

Paano siya napilit na umarte?

“Paano nga ba? Nag-audition ako for Katy 2012 last year.

“Hindi… kasi yung time na yun, may pinagdadaanan yung family ko.

“My sister was diagnosed with cancer noon and magki-chemo [therapy] siya, so I felt that I have to do something to help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siyempre, magastos yun, kasi sabi ko sa sarili, dapat may gawin na ako para makatulong.

“Tapos, meron lang friend who told me about the audition for Katy.

“Ako naman, wala namang expectation, as in try ko lang baka sakali, so nag-audition ako.

“Tapos, mga last quarter ng 2012, na-cast ako.

"Habang nagre-rehearsal ako for Katy, yung Miss Saigon naman, nag-audition ako last minute, the day before lang ako nag-decide.

“Na-try ko lang din. Nagulat lang ako na nagdire-diretso ako.

"Sabi ko nga, baka nga suwertehin.

“Pero ayaw kong mag-expect na ako na ang makukuha.

“Kumbaga, come what may—pag nakuha, salamat; pag hindi naman, baka naman sa next time, makuha ko na.”



SINGING VS. ACTING. Saan ba niya mas gustong makilala—sa pagkanta o sa pag-arte?

“Both, kasi passion ko ang pagkanta, pero gusto ko rin namang umarte. Kasi ibang mundo para sa akin yun,” sabi niya.

Mas gusto ba niyang mag-bida o kontrabida?

“It doesn’t matter kung bida or kontrabida roles, as long as may trabaho.

“Maganda kasi kung mae-explore mo lahat-lahat ng anggulo, kasi doon ka matututo.

“Kasi ang pangit kung puro ganito ka lang, ito lang ang role na ginagampanan mo, paulit-ulit na lang.

"Wala nang challenge at hindi ka naggo-grow.

“Mas maganda yung lahat masusubukan mo—bida ka, sidekick, kontrabida or action, kasi gusto ko din yun.”



LEADING MAN. Sino naman ang gusto niyang makapareha if ever na mabibigyan siya ng bida role?

“Sino nga bang bagay sa akin? Siguro, hindi naman ka-loveteam, sabihin na lang natin na katrabaho.

“Siguro si Dennis Trillo, kasi I’m a big fan of him, kasi magaling siyang umarte.

"Bow ako… bow talaga ako sa galing niya.

“Kung magkakaroon talaga ng chance, siya ang gusto ko makatrabaho.

“Binati ko nga siya na ang galing-galing niya sa My Husband’s Lover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit bading ang role niya, alam mong lalaking-lalaki talaga siya.

“Biruin mo, ma-portray niya yung role niya na kapani-paniwala?

“Ang galing talaga niya, ako na ang fan!” bulalas ni Aicelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN