Zsa Zsa Padilla says Dolphy’s image still appears in recent photographs

Naniniwala si Zsa Zsa Padilla na ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay ay nagpapatibay ng samahan ng isang pamilya. Sabi niya, “Minsan, pag may mga trahedya na nangyayari sa pamilya, it only brings you closer and even to other people, ganoon talaga.”


Ginunita noong July 10 ang unang taong anibesaryo ng pagpanaw ng Comedy King na si Rodolfo Vera Quizon—o mas kilala bilang Dolphy.

Nagdaos ng misa sa Heritage Memorial Park at isang simpleng salu-salo para sa pamilya at malalapit na kaibigan ng Hari ng Komedya.

Sa kabila ng pagsasabing paunti-unti nang natatanggap ng pamilya ang pagpanaw ni Dolphy, ramdam pa rin ang lungkot at pangungulila nila sa namayapang komedyante.

Para kay Zsa Zsa Padilla, ang longtimr partner ng Comedy King, may pagkakataon pa rin na nananariwa sa kanya ang alaala ni Dolphy kahit isang taon na ang nakalilipas.

Saad niya, “I’m trying to be okay, pero siyempre sa mga okasyong ganito, di mo ma-avoid.

“Di ako makatulog, siyempre iyakan na naman, lahat, maga ang mata.

“Pero ang bilis ng panahon, yun ang naisip ko this morning.

“Di mo iisipin na one year na pala ang nakalipas, kasi we do the same things pa rin, e, since he left us.

“Every morning I still have coffee with him, I talk to him, I say, ‘Good morning.’ I say, ‘Goodnight.’

“Kanina bago ako umalis, ‘Lika na, lovey, tara na.’

“There are times that are easy, there are times that are hard.”



MEMORIES. Nananatiling sariwa kay Zsa Zsa ang alaala ni Dolphy.

Sabi pa niya, “Siyempre, pag ganito na maaalala mo uli, masakit talaga, kasi parang iniisip mo kahapon lang nangyari, naaalala mo.

“Parang nagiging fresh sa memory mo ‘yan.”

Nagkuwento ang Divine Diva na nagparamdam sa kanila ang Comedy King sa pagpapakita ng imahe nito tulad ng nangyari dati.

“Na naman… yung medical staff niya nagpunta sa bahay last weekend, alam nila kasi na taped ASAP, so I said I might not be home.

“Nagpunta nga kami ng mga girls ko sa Hidden Springs, nag-picture sila.

"Tapos ang nakakita na parang may image ni Dolphy sa cupboard namin, yung isang anak niya sa States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Oy, si Papang, o, nandoon na naman—naka-suit.’

“Noong titingnan namin, ‘Oo nga, medyo na naman.’”



MOVING OUT. Kinumusta rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Zsa Zsa ang mga anak nila ni Dolphy na sina Nicole at Zia, kung nakapag-adjust na ba ang mga ito pagkatapos ng isang taon nang pagpanaw ng Comedy King.

Aniya, “Depende, sometimes it’s not really easy for them especially with our home, which we love so much.

“Kasi, pag dumarating yung usapan namin na realistically we have to move out din one of these years.

“Kasi, it’s becoming too big for us and hard to maintain. Siyempre malaking bahay, malaki ang aming mga bills.

“Pag iniisip namin, ‘Paano natin iiwan yung bahay?’ E, buong buhay talaga ng mga bata, doon sila nakatira?

“Sana ma-bless tayo we can keep it even if we continue to move in our new condo or whatever.

“However, it will be in the future—yun ang prayer namin.

“Siyempre ang feeling mo, lahat na lang ba mawawala sa iyo?

“In every corner of that house, we see him, it comforts us.”

Sa mga nakaraang interviews kay Zsa Zsa ay nabanggit nito na hindi pa rin niya magalaw-galaw ang mga gamit ni Dolphy.

Ayon sa singer-actress, sa ngayon ay nailagay na niya ito sa kahon dahil gusto na rin naman niyang maka-move on.

“Oo, pina-box ko na, kasi tuwing pupunta ako sa attic, kasi nandoon yung mga damit namin, ang hirap-hirap, parang di ako maka-move forward.

“Pero siyempre, lahat ng mga sapatos niya nandoon pa, yung mga suits niya, di naman puwede ikahon yun, nandoon pa talaga.

“Isa yun sa prinoproblema ko na hanggang di nagagawa yung museum, nasa akin lahat ng mga gamit niya, saan ko ilalagay, di ba?”



CLOSER TIES. Sa mga interviews sa magkapatid na Eric at Epi Quizon, nabanggit ng mga ito na ang pagkawala ng kanilang ama ang lalong nagpabuklod sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon naman ni Zsa Zsa, “Oo naman.

“Siyempre, minsan pag may mga trahedya na nangyayari sa pamilya, it only brings you closer and even to other people, ganoon talaga.”

Sa isang taong pagkawala ni Dolphy, sariwa pa rin sa isip ng halos lahat ang alaala na iniwan nito.

Para kay Zsa-Zsa, ilang taon man ang lumipas ay alam niyang nakabaon na sa puso at isip ng mga manonood ang mga iniwang alaala ni Dolphy.

“Oo, nakakataba ng puso na isa siyang tao na talagang pag naalala, natutuwa ang mga tao sa kaniya.

“Sa palagay ko, kahit dumaan yung tenth year anniversary ng pagkamatay niya, ganoon pa rin ang mararamdaman ng tao.

“Kasi siyempre, naging parte siya ng buhay natin, he’s inside our home in the television, di ba?

“Sa TV mismo, feeling natin, parte siya ng pamilya natin.

“So, maganda naman na naalala natin in a very positive way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN