Heart Evangelista says she is “okay” with her dad; “good to have time away” from her mom

Kumpiyansa si Heart Evangelista sa pagsasabing maayos sila ng kanyang ama dahil alam niyang mas malalim ang kanilang pagkakaunawaan.


Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart Evangelista sa isang pictorial.

Dito ay diretso naming tinanong ang Kapuso actress kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na makausap niya o kaya ay nakipagbati na siya sa kanyang mga magulang na sina Rey at Cecilia Ongpauco.

“No, I’m not, but I’m sort of okay with my dad already,” tugon ni Heart.

Matatandaang may tatlong buwan na ang di pagkakaunawaan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang.

(Read: Heart Evangelista on her long-standing rift with parents: “Eventually, time will heal everything na maayos din lahat. Everything will just fall into place.”)

Nang itanong ng PEP kay Heart kung ano ang ibig sabihin ng sagot niyang "okay" sila ng kanilang ama, nagpaliwanag agad ang actress-TV host.

Pahayag niya, “Actually, we’re okay. It’s a process.

“My dad and I have always been okay.

“My dad and I have always had that deeper understanding, but it’s something I don’t want to talk so much about kasi ayoko masyadong mausog.

“I wanna just let everything fall into place.”

Dagdag ng 28-year-old actress, “Kasi when they came out and had a presscon, I was always against it na parang you put it out first before we deal with it internally.

"So [it’s] something that I… a lot of prayers but, you know, a day at a time.”

Ang tinutukoy ng Kapuso actress ay nang magpatawag ang kanyang mga magulang ng press conference noong Marso 19 upang ipahayag nila ang kanilang pagkadismaya kay Senator Francis “Chiz” Escudero bilang kasintahan ni Heart.

“I think we all need the space to be away from each other first to get our lives [in place]… we get used to first be on our own,” sabi ni Heart.

Kumusta naman ang relasyon niya sa kanyang ina, na siya ring tumatayong manager niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t plan to…” naputol na paliwanag ni Heart.

“With my mom, it’s good to have our time away first from each other."

Kailan naman kaya niya balak makipag-usap sa kanyang ina?

“When’s that, I’m not sure,” sagot ni Heart.

Hindi ba mabigat sa loob niya na hindi sila nag-uusap ng ina?

“No, hindi,” mabilis niyang sagot at idinagdag na, “I miss my dad.”



MATTERS OF THE HEART. Hindi rin nagkaroon ng alinlangan si Heart nang tanungin siya tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero.

“Oh, I’m very good.

“I enjoy being with somebody that’s older than me, but who allows me to be independent.

“I’m in this stage where parang naghahabol ako ng mga gusto kong matutunan sa buhay.

“He allows me, hindi niya ako hinu-hold back, hindi niya ako pinagbabawalan—‘Kung ano’ng gusto mong desisyon, gawin mo.’”

Pinalad na manalo muli si Chiz noong nakaraang May 2013 elections, gayunpaman sinabi ni Heart na mayroon pa rin silang panahon sa isa’t isa.

Kumusta naman sila kapag nagkakaroon ng di pagkakasunduan?

“We are good, we are very good,” sagot ni Heart.

“Of course, I have my moments where kunwari bratty, pagod ako or something.”

Pero hindi raw sila nagkakaroon ng seryoso o malaking away.

“Kasi I think that’s the difference when you’re dating somebody who’s older than you.

“They find you cute na lang, [unlike kung] pareho kayong bata, parang iba yung isa, iba [rin] yung isa.

“Parang he just looks at you, smiles and, you know, it’s nice,” pagtatapos ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN