Kean Cipriano joins Banana Split; maintains commitment to music and Callalily

Bukod sa musika, enjoy na rin si Kean Cipriano sa larangan ng pag-arte. Sabi niya, “It’s a different kind of art, acting is a different kind of thing to do. It needs physical, mental capabilities na hindi lahat makakagawa. And I’m given the opportunity, so I’m making the best out of it and I’m enjoying it.”


Kasama na ang singer-actor na si Kean Cipriano sa grupo ng Banana Split na nagpatawa sa Bida Kapamilya Caravan Day noong Sabado, July 6, sa Sky Dome.

Si Kean ang pinakabagong miyembro sa grupo nina John Prats, Zanjoe Marudo, Jason Gainza, at Ryan Bang na pangunahing bumubuo ng gag show ng ABS-CBN.

“Yes, yes, and I’m proud to say that I’m the one,” nakangiting sabi ni Kean nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ayon sa Callalily vocalist, nagkita lang daw sila ng direktor ng Banana Split at Banana Nite na si Edgar Mortiz at natanong siya kung interesado siyang makasama sa show.

“Sabi niya, ‘Gusto mong mag-Banana Nite? Parang ako, ‘Oo naman! Bakit hindi?’

“Kumbaga, ang sagot ko agad doon, ‘Oo naman!’

“Wala nang tsetse-buretse ‘yan, si Direk Bobot yun, e. And I’m a fan of his humor, I’m a fan of his work.”

Hindi ba siya nahirapang makasabay agad sa grupo ng Banana Split na matagal nang magkakasama, lalo na sa pagbibitiw ng jokes?

Ani Kean, “Actually, hindi ka naman sasabay sa joke. Once na nasa Banana Nite ka, kasama ka na sa joke.

“Sabi ko nga, we don’t work, we just have fun, we have a very good director, creative staff, wonderful staff.

“We have great cast and we have a good show and I’m proud to say, we have a good gag show.”



TV5 MAINSTAY. Bago siya mapanood sa Banana Nite ng ABS-CBN, si Kean ay matagal napanood sa Kapatid network o TV5.

Paglilinaw niya, “This is just for everybod to know, I’ve done shows for TV5 before, but I never had a contract with them—I never had any contract with any network.

“Natutuwa ako, I feel the respect.

“I think, the showbiz industry respects that I’ll always gonna be a musician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At the end of the day, although natutuwa ako na nabibigyan ako ng mga projects na pelikula, mga TV, kahit na anong station pa ‘yan.

“Alam mo yun? Masaya ako na kaya kong panindigan at nagiging invitational siya.

“Kung kailangan nila ako sa isang project na ito at maganda yung project at may proseso naman, I have my management that they can talk to or everybody, masaya lang.

“Hindi ako naka-lock, kasi nga, I’ll always gonna be a Callalily.”

Kahit may mga trabaho siya na walang kinalaman sa bandang Callalily, hindi raw nangangahulugan na wala na siyang oras para rito.

“Never, never,” diin ni Kean.

“I’m very blessed to have a really great superb team, my manager, Soupstar Entertainment.

“Sila ang nag-aayos ng schedule ko, sila yung, ‘O, bukas, may schedule ka, bukas may taping ka, bukas may pictorial ka.’

“Pupunta lang ako doon and they make my life easier. Pagdating ko doon, gagawin ko na lang ang craft.

"So, yun ang nangyayari kaya nag-e-enjoy lang ako.”



FREELANCER. Isa na ba siyang freelancer mula noon?

“I’m always a freeman, you know that,” sabi ni Kean.

“Pero alam ninyo, I’ve been getting that a lot na, ‘Uy, TV5 ka!’

“When they’re starting it out as a new network, I was there and I’m glad to be there.

“Kasi, ang dami kong nakatrabaho, ang dami kong natutunan, ang dami kong nakilala.

“My point is, nata-tag ako... hindi mo rin naman masisisi, I’ve done shows with them.

“I’ve done a couple of shows with them and I’m glad na binigyan nila ako ng shows and naniwala sila na, ‘Uy, I think, this guy can do a show.’”

Ang paggawa ba ni Kean ngayon sa Kapamilya network ay paraan niya para ma-erase ang naging impresyon ng karamihan na Kapatid talent siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Wala naman, wala namang ie-erase.

“Una sa lahat, wala naman akong nilipatan, wala naman akong naging kontrata sa kahit na anong network.

“Feeling ko, ang pinaka-main mission ko sa mundo is to play with Callalily—to produce songs and doing my storytelling through our songs.”



CONTRACT OFFER. Sinabi niya na mula’t sapul ay isa siyang “free man,” pero ngayong gumagawa na siya sa ABS-CBN, posible bang pumirma na siya ng kontrata kung alukin siya?

“With the question kung magiging Kapamilya ka ba?" sabi ni Kean.

“Well, I’m doing ASAP now, I’m doing Banana Nite regularly, so ano yun, okay yun.

“The contract actually doesn’t matter to me, ang laking ano noon… bigyan ka ng contract.

“But the thing is, bago dumating sa legalities, like contracts and all, siyempre mag-uusap muna kami ng management ko…

“Yung oras, kung kaya ba namin or what, and it’s not an easy process. So, pag-uusapan at pag-uusapan namin.

“Hindi ko puwedeng sabihin na, ‘O, do you wanna be a Kapamilya star?’ ’Oo naman!’

“Pero hindi naman ano… parang ako, masaya lang ako sa show na in-invite ako like Banana.

“Feeling siguro nila, puwede akong maging part ng team, game ako doon.

“Doon ako sa naniniwala sa kung ano ang kayang mangyari.”



ACTING INVITATION. Giit pa rin ni Kean na ang Callalily ang talagang prayoridad niya. At bigla na lang dumating ang acting job sa kanya na sabi niya ay wala naman talaga siyang alam noong umpisa.

Kuwento ni Kean, “Tinawagan ako ng manager ko na, ’Ini-invite tayo sa ganito, it’s a good invitation, it’s Binibining Joyce Bernal.’

“So, I’d rather give it a visit.

"So, sabi ko, pagdating ko doon, ‘Direk, you know that hindi ko alam ito, wala po akong alam sa gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit ako nandito,’ sinabi ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, sabi niya sa akin, ‘Okay lang, kung ayaw mo, mag-backout ka. Kung gusto mo, gawin natin.’

“Uy, win-win, wala akong talo doon, so sige, I gave it a try.

“Tapos, tinawagan ako ng manager ko na, ‘May taping na kayo next week, tuloy na ang show.’

Dagdag pa ni Kean, “Weird! Kasi noong una, hindi ako marunong umarte. Yun lang.

"Fact na makikipag-usap ka sa tao na alam mo na ang sasabihin niya, ang hirap noon, e, alam mo na ang script.

“Pero nakuha ko ang hang of it at nae-enjoy ko at naniwala ako sa kindness ng stranger na sila Direk Joyce, sila Alex [Gonzaga]...

“Pati ang buong staff at crew na nag-e-enjoy ako rito, ang saya lang, and it gave birth to other shows.

“Pero ang weird... hindi alam ng iba na nag-aartista ka and all that.

“Siyempre ako, ako mismo sa sarili ko, ’Mag-aartista ako?! How would I do this? How would other people react to this?’

“Pero ang inisip ko, bakit ko iisipin yun, e, masaya ang ginagawa ko?

“At saka, it’s a different kind of art, acting is a different kind of thing to do.

“It needs physical, mental capabilities na hindi lahat makakagawa.

“And I’m given the opportunity, so I’m making the best out of it and I’m enjoying it. Yun naman ang pinakaimportante.

“Tapos yun na, nagawa ko ang Babae Sa Septic Tank, Reunion, at iba pa. So, sabi ko, nag-e-enjoy ako rito.”



ALEX GONZAGA. Noong nasa TV5 pa si Kean ay na-link sa kanya ang dati niyang leading lady na si Alex Gonzaga.

Ngayon ay magkasama na naman silang muli sa Banana Nite ng ABS-CBN.

Kumusta na sila?

“Oo naman, okay naman,” sagot ni Kean.

Walang nagbago sa kanila?

“Well… oras, yung panahon.

"Nagbago yung panahon kasi ilang years kaming hindi nagkasama sa project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero we’re good, we’re really good, ilang years kaming nagkasama sa projects.

“Kaya noong malaman ko na nandoon siya,‘Talaga?’ Yun lang ang reaction ko.

“Noong makita ko si Cathy, si Alex rather, noong una ko siyang makita sa taping, niyakap ko lang siya, ‘Uy, kumusta ka na?’”

Pero si Alex ba, okay na rin sa kanya?

“That I do not know, siya ang tanungin ninyo!” natawang sabi niya.

Civil naman sila sa isa’t isa?

“Wala namang dapat ika-civil, we’re playing good, we’re really good, we joke around each other.”

Biro naman namin kay Kean, “joke” lang din ba ang mga lumabas na balitang "nasaktan" si Alex sa nangyari sa kanila?

“Well, some stories aren’t meant to be told na—you know, it’s a thing in the past, we don’t want that.

“Kumbaga, kung ano yung gusto mong mangyari ngayon that will lead to a good tomorrow, dapat maging maganda lang ang gagawin mo sa present.

“At yun ang nangyayari ngayon, lalo na sa amin ni Cathy na magkasama kami sa Banana Nite.

“Nakakapagbiruan kami at kilala namin ang isa’t isa and we’re very much in good terms.”



BAND ANNIVERSARY. Nalaman namin mula kay Kean na ang Callalily ay nag-eight anniversary na noong Linggo, July 7.

“Alam ninyo yun? May weird minsan na reaction from the people, na parang, ‘Uy, kumusta na ang banda mo?’

“But the thing is, baka hindi ninyo lang napapakinggan.

“It’s on the other side of the world, it’s music industry, and music and showbiz can intertwine.

“Ang Callalily naman is always there to put out music for other people.

“Nandiyan lang kami palagi and at the end of the day, wala kang ibang pipiliin.”

Ano ang naging selebrasyon ng banda nila sa ika-walong taon nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, nothing big, nothing big.

"Well, nakakahiya man sabihin, pero ayoko sana talaga siyang i-announce na solid.

“We’re doing a charity thing, sa Bahay Maria. It’s a way of thanksgiving, thanksgiving lang naman yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN