Karylle on relationship with Yael Yuzon: “Hindi pa rin umaamin, yun lang!”

Bagamat alam na ng publiko ang tunay na namamagitan kina Karylle at Yael Yuzon, hindi pa rin mapaamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon. Paliwanag ni Karylle, “Kasi before, nag-overshare ako sa buhay ko and alam natin kung gaano ka-disaster yun."


Kabilang si Karylle sa mag-i-interpret ng mga komposisyon ng finalists sa PhilPop Musicfest na gaganapin sa July 20, Sabado, sa Meralco Theater.
Ang natokang awitin sa kanya ay nilikha ni Lara Maige, ang “Sa ’Yo Na Lang Ako.”
Nakakaramdam daw ng takot si Karylle sa unang salang niya sa isang singing competition, lalo’t hindi pa niya naranasan ang makipagtunggali sa pag-awit sa kahit na anong contest.
Pero dahil mahilig siyang tumakbo at lumahok sa mga fun run, nababawasan daw ang kaba sa kanyang dibdib.
Sabi ni Karylle, “Siyempre, as a singer, nakakatakot sumali sa competition.
"Pero since mahilig na akong tumakbo, mahilig na ako sa kumpetisyon, meron na akong lakas ng loob.
"Alam mo yun? If you put yourself out there... kasi siyempre, nakakatakot, di ba?
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa presscon ng PhilPop 2013 kahapon, Huwebes, July 11, na ginanap sa Wil’s Events Place sa Quezon City.
Sa kabila ng takot at kaba, excited daw si Karylle sa magiging partisipasyon niya sa contest.
Saad niya, “More on nag-e-enjoy.
"Kasi I’ve always been saying na inaantay ko itong time na ito—maraming OPM songs.
"And nararamdaman ko talaga ngayon na maganda yung takbo ng OPM songs, madaming original new songs and eto na yung example doon.
“Nandito lahat ng mga songwriters, sumusuporta, kumpleto lahat, at masaya kami.
“So, ayun, OPM is in a good place.”
Kailan niya naman isasali ang kanyang sariling compositions?
“Oo nga, e... ewan ko. Hindi ko pa naiisip," sagot ni Karylle.
Pag-amin pa niya, "Dati sumali ako sa Cinemalaya. Nagpasa ako ng script.
"Sobrang pangit, so hindi siya pumasa. Pero at least, trinay [tried] ko.
“I guess, composition should be in my bucket list na rin dahil sinabi mo.”
YAEL YUZON. Ang tungkol sa boyfriend ni Karylle na si Yael Yuzon ang sunod naming kinumusta sa singer-actress-TV host.
Ngumiti muna si Karylle at saka sinabing, “Hindi pa rin umaamin, yun lang!”
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin direktang inaamin nina Karylle at Yael na sila na, bagamat alam naman ng karamihan ang tunay na namamagitan sa kanila.
Nakatakdang "magsabong" sa PhilPop sina Karylle at Yael dahil interpreter din ang bokalista ng Spongecola ng isang song entry.
Ang natokang awitin kay Yael ay ang “Segundo” ni Paul Armesin.
Biro naman ni Karylle, “Matatalo ko siya for sure!”
Gaano siya kasigurado na matatalo niya si Yael?
Paliwanag ni Karylle, “Hindi, gano’n kami ka-competitive.
"Lalo na kunwari pag tumatakbo ako, gusto ko mas mauna ako sa kanya. Kahit sa training lang or whatever."
Ano ang sagot ni Yael kapag sinasabihan niyang matatalo ito?
“Matatalo rin daw niya ako sabi niya,” nakangiting sagot ni Karylle.
Napangiti naman ang singer-actress sa deskripsyon ng press sa kanila ni Yael—masaya raw ang kanilang relasyon.
“Dahil hindi umaamin!” natatawang reaksiyon naman ng It’s Showtime co-host.
Pero ang ina raw ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla ang umaamin para sa kanilang dalawa?
“Hindi siya puwedeng umamin, hindi siya counted!
"Not counted yung votes niya, flying voter siya,” biro naman ni Karylle.
THE ADMISSION. Maganda ba sa relasyon nila ang hindi pag-amin kahit alam naman ng lahat kung ano ang totoo sa kanila?
“See, di ba? Kayo nararamdaman naman ninyo yung sagot, di ba?” aniya.
Mayroon bang takot kaya hindi sila umaamin?
Tugon ni Karylle, “Walang fear.
"We don’t deny anything. We just don’t talk anything.
"So, yun. I guess, a nice balance with how life goes...
“Siguro we talk about things in our music. Hindi naman kami nagdadamot din ng feelings.”
Kamakailan lang ay in-interview ni Boy Abunda si Yael at nabanggit nga rito ang tungkol sa kanila ni Karylle.
Pero ayon sa dalaga, hindi niya natapos panoorin ang panayam dahil hindi ito nag-play sa Internet.
Ngunit umayon si Karylle sa hindi pagsagot ni Yael sa tanong kung bibigyan niya ng singsing si Karylle.
“Good answer... ngumiti lang siya," komento ni Karylle.
Mula pa nang mabalita ang tungkol sa kakaibang closeness nina Karylle at Yael, hindi nagbigay ng kahit na anong detalye ang dalawa na makapagkukumpirma ng estado ng relasyon nila.
Mas gusto ba nila yung nasasabik ang mga tao sa paghihintay kung kailan sila aamin?
Sagot ni Karylle, “Kasi before, nag-overshare ako sa buhay ko and alam natin kung gaano ka-disaster yun."
Ang tinutukoy niya ay ang past relastionship niya with Dingdong Dantes.
Patuloy niya, "And sabi ko nga, saan pa ako naging sobrang tsismosang tao kung hindi ako magiging observant sa mga buhay ng mga Hollywood celebrities?
“Like si Beyonce, umamin na lang siya nong may anak na siya, di ba?"
Ibig sabihin, aaminin lang si Karylle kapag may anak na siya?
“Abangan na lang natin,” nangingiti niyang sagot.
Paano siya napapasaya ng relasyon nila ni Yael?
“Basta masaya ako in general. I think when you’re happy with yourself, good things come your way.”
Sinang-ayunan ni Karylle ang pahayag dati ni Yael na kaya masaya ang mga taong nakakasama niya dahil masayahin siyang tao.
“Madaldal, magaling mag-basketball...” deskripsyon ni Karylle sa katangian ng boyfriend niya.


MOVING OUT. Tungkol naman sa pahayag ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla na plano na nitong iwan ang bahay nila ng yumaong Comedy King na si Dolphy, sinabi ni Karylle na alam niya ang tungkol dito.
Saad niya, “Si Mama kasi, tina-try niyang isipin yun, pero wala pa siya sa place na yun na ready na siyang lumipat.”
Napag-uusapan ba nila ang tungkol dito?
“Oo naman," sambit niya.
"Siyempre, minsan dadating ka rin sa point na usapang pera na talaga and you’re saving money for the future.
"Darating din yun pag ready na siya. Hindi rin namin siya minamadali.”
Abala raw ngayon ang kanyang ina sa teleserye nito sa ABS-CBN, ang Juan dela Cruz, kung saan gumaganap ang Divine Diva bilang reyna ng mga aswang.
Puwede na bang iwan ang kanyang ina, hindi gaya noong mga unang buwan matapos ilibing si Dolphy na laging gusto ni Zsa Zsa na nakikita ang kanyang mga anak?
Sagot ni Karylle, “Once in a while, nag-a-out of town kami.
"Like last Sunday, day-off namin, nagpunta kami ng Hidden Valley, swimming-swimming.”
Papayagan na ba nila ang kanilang ina na magkaroon ng suitor o lovelife?
Pahayag ni Karylle, “For now, masaya na siya sa piling namin at mga aso niya. Doon na muna.
“Siguro for now, that’s enough.
"Masaya naman siya na marami ang mga nagmamahal sa kanya—and that’s us, with her family and her friends.
"Busy naman siya sa trabaho. Sapat na yun for now.”
Wala naman daw silang usapan ng mommy niya kung sino sa kanila ang unang mag-aasawa.
Bagamat nagsama na raw silang mag-iina sa isang Mother’s Day concert nila sa Australia, wish ni Karylle na maulit iyon at dito naman sa Pilipinas.
Posible bang siya mismo ang mag-produce ng concert na iyon?
“Ay naku, yun ang assignment sa akin ng lolo ko sa akin, pero hindi pa panahon.
"Siguro after ng Cinderella,” pagtukoy ni Karylle sa gagawing musical play.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN