Michelle Madrigal: "Alam kong maganda yung katawan ko right now, I’m in my best shape."

Kitang-kita ang kumpiyansa ni Michelle Madrigal nang rumampa siya sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World noong Miyerkules, July 10, sa World Trade Center.


Halos hindi makapaniwala si Michelle Madrigal sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga nanood ng victory party ng FHM 100 Sexiest Women of the World nong Miyerkules ng gabi, July 10, sa World Trade Center, Pasay City.
Ayon kay Michelle, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng programa, na hindi niya napansin ang palakpakan at hiyawan sa kanya ng mga tao.
“Kasi pag nasa stage ka, kabado ka palagi. Parang hindi ka nakikinig.
"Parang iniisip mo lang, mag-pose ka, lumakad kang pabalik.
“So... kasi yung ranking ko last year e nasa thirty-something yata ako or... I don’t know, I can’t remember.
“Pero ngayon, nasa 18 ako. So, happy ako.
“Siguro eto na, nagpi-pay off na yung pagdyi-gym ko. Napapansin na!” masaya niyang pahayag.
FULL OF CONFIDENCE. Kapansin-pansin na isa si Michelle sa pinaka-relaxed sa lahat ng models at celebrities na rumampa sa stage. Tila punung-puno siya ng kumpiyansa sa sarili.
Dala ba ito ng pagkakaroon niya ng magandang pangangatawan?
Sabi ng sexy actress, “Siguro yung confidence lumalabas dahil alam kong pinaghirapan ko yung katawan ko.
"I know for a fact... hindi na ako magpapa-ipokrito o magpapaka-humble na, you know...
"Alam kong maganda yung katawan ko right now, I’m in my best shape.
"So, confident ako.”
Hindi ba mahirap i-maintain yung ganyang klase ng figure?
“Hindi naman ako strict sa diet ko. Hindi naman ako gano’n.
"I also eat rice. Pero good carbs lang, like whole wheat, mga ganyan.”
Sinu-sino sa mga ibang rumampa noong gabing iyon ang masasabi niyang ka-level niya sa ganda ng katawan?
“Levelling talaga?" napangiting sagot ni Michelle.
“Maganda yung katawan ni Jacq [Yu].
"Maganda rin yung katawan ni Aubrey Miles. Napakaganda talaga ng katawan nun... hari ng gym yun, e. May abs talaga siya kahit saang anggulo.
“Si Daiana [Menezes] rin, maganda ang katawan. Magdamag kaming nagtsikahan.”
Kabilang din sa mga lumabas sa show ay ang kanyang kapatid na si Ehra Madrigal, na ginulat ang entertainment press dahil sa laki ng ipinayat nito.
Ayon naman kay Michelle, “Well, pinaghandaan talaga niya ito.
"And proud ako dahil she lost so much weight.
"Kasi medyo tumaba siya ng konti last year. At malaki yung na-lose niya.
“Very proud ako at lagi kong sinasabi sa kanya na, ’O, i-maintain mo na ’yan.’
"Kasi ang hirap naman talagang magpapayat. So, mini-maintain naman niya.”


NO BOYFRIEND. Hindi kasama ni Michelle ang kanyang boyfriend noong gabi ng show.
“Wala, ako lang talaga.”
Itinanggi niya agad na break na sila ng boyfriend niya ngayon.
“Hindi, magulo lang talaga,” na ang tinutukoy niya ay ang dami ng taong naglipana sa backstage at sa venue.
“Ayoko kasi yung parang iintindihin ko pa pag nagmamadali ako. So, okey na yun.”
Hindi ba siya nanghinayang na sana ay nasaksihan ng kanyang boyfriend yung scenario na pinalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa kaseksihan niya?
“Hindi naman,” mabilis niyang sagot.
“Parang pag ganyan kasi, pag gusto niyang manood, sumasama naman yun.
"Pero pag ayaw niya, hindi ko naman na pinipilit.
“Parang sa ganito, like interviews, lakad dito, lakad dun... ayoko yung, ’Oy, bantayan mo si ganyan baka maano. Baka ma-out of place.”
Pero umiwas na si Michelle nang usisain namin tungkol sa kanyang lovelife.
Aniya, “Lovelife talaga? Ayoko nang pag-usapan ang lovelife ko.”
MICHELLE’S CAREER. Kumusta naman ang kanyang acting career? May bago ba siyang pelikula o TV show?
“Okey naman, pa-guesting-guesting lang.
"After kasi nung last teleserye ko, yung Love & Lies, eto, pahinga muna konti-konti.
"Siguro few months lang.”
Tumanggi namang magkomento si Michelle nang tanungin namin kung naapektuhan silang ibang mga alaga ni Annabelle Rama sa hindi pagre-renew ng kontrata ng anak nitong si Richard Gutierrez sa GMA-7.
“Ay, no comment” mabilis na iwas ng sexy actress.
Paglilinaw niya, “I mean, kung ano yung problema nila, problema nila.
"Ang sa akin wala naman yun. Basta kung ano ang ibinibigay ng GMA with us, ginagawa naman namin.”
Tungkol naman sa planong pagkuha ng culinary course ni Michelle, sinabi niyang gusto niyang ituloy ang pangarap na kunin ito sa New York.
“Matutuloy pa rin yun.
“Pero may contract pa ako. I don’t know if I can leave.
"Even wala akong kontrata sa GMA, I still have a contract with Tita [Annabelle] ng matagal pa.
"So, baka hindi pa niya ako payagang umalis.
“If mag-aaral ako, itutuloy ko pa rin yung culinary here kung papayagan ng schedule, pag sumabay siya sa taping.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN