Bianca Gonzalez willing to talk with pro-poor party list after her tweet about informal settlers

Bianca Gonzalez received different reactions for her Twitter post earlier this week: “Ang dami nating nagtatrabaho para makaipon para sa prime lot at bahay plus buwis pa. Bakit nga ba bine-baby ang mga informal settlers?”


Lumikha ng ingay ang naging pahayag ng TV host na si Bianca Gonzalez sa Twitter tungkol sa informal settlers.

Sa kanyang tweet noong July 2, sinabi ni Bianca: “Ang dami nating nagtatrabaho para makaipon para sa prime lot at bahay plus buwis pa. Bakit nga ba bine-baby ang mga informal settlers?”

Ito ay nai-post niya isang araw matapos lumabas ang balitang riot sa pagitan ng mga pulis at informal settlers dahil sa planong demolisyon sa Sitio San Roque, Barangay Pag-asa, North Triangle, Quezon City.

Bagamat may ilang sumang-ayon sa opinyon ni Bianca, mayroon ding nadismaya sa kanyang pahayag.

Isa na rito ang pro-poor party list na Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay.

Sa panayam ni Nadezhda Tanola, na lumabas sa tabloid na Remate noong Linggo, July 7, sinabi ng chairperson ng Kadamay na si Gloria Arellano na hindi nila inaasahan ang nasabing komento mula kay Bianca, na isang UNICEF ambassador.

Aniya, “Kailangan maunawaan ni Bianca ang tunay na ugat ang urban poverty at squatting problem sa bansa. Ito ay isang social responsibility ni Bianca at ng iba pang journalist na tagapag-timon ng public opinion sa bansa.”

Umalma rin si Arellano tungkol sa "pambi-baby" umano ng gobyerno sa informal settlers.

Sabi niya, “Pambi-baby bang maituturing ang libu-libong maralitang pamilya na itinaboy ng gubyernong Aquino sa panahon ng kanyang panunungkulan at pagdanas nila ng pandarahas ng estado mula sa sapilitang paggiba ng kanilang tahanan, pagkakakulong, pagsasampa ng gawa-gawang kaso, at pamamaslang sa 13 maralitang tumututol sa demolisyon?”

Dahil dito, inanyayahan ng Kadamay chairperson ang aktres na sumama sa isang komunidad ng maralita upang mas maipalawanag ang tungkol sa urban poverty.

Tila bukas naman sa ideyang ito ang Umagang Kay Ganda host.

Sa panayam ni Michael Delizo, na lumabas sa Manila Bulletin noong Martes, July 9, sinabi ni KADAMAY secretary general Carlito Badio na ipinaabot ni Bianca ang kanyang interes na makipag-usap sa kanilang grupo sa pamamagitan ni Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Delizo, “Nagpahatid po siya [Bianca] ng kagustuhan na makipag-usap sa amin upang higit na maunawaan ang kalagayan ng mga maralita.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin ito mismo kay Bianca subalit tumanggi muna ang TV host na magsalita tungkol sa isyu.


Gayunman, nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais ipaabot ni Bianca o ng Kadamay tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN