Hiro Peralta on dropping Magalona from his screen name: “At least ngayon, yung real surname ko na yung ginagamit ko at hindi yung middle initial ko.”

Madalas pa ring nalilito si Hiro Peralta sa pagpalit ng kanyang bagong screen name. Kuwento niya: “Pag may nagpapa-autograph sa akin, nasusulat ko pa rin ang Hiro Magalona. Pero bigla ko na lang nare-realize na Hiro Peralta na pala ako!”


Hiro Peralta na ngayon ang dating si Hiro Magalona buhat nang magpalit siya ng screen name.

Kuwento ni Hiro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapag may mga tumatawag pa rin sa kanya ng Hiro Magalona, kinu-correct na lang daw niya.

Aniya, “Noong una, medyo nalilito pa ako. Pag may nagpapa-authograph sa akin, nasusulat ko pa rin ang Hiro Magalona.

“Pero bigla ko na lang nare-realize na Hiro Peralta na pala ako!” sabay niyang tawa.

“Kaya ang gagawin ko, uulitin ko na lang yung pirma ko.

Kahit papaano, unti-unti nang nakakasanayan ni Hiro ang kanyang bagong screen name.

“Medyo nahirapan ako noong una kasi nasanay na akong Hiro Magalona, ilang taon ding ginamit ko yun.

“Pero ngayon, medyo nasasanay na rin ako. Yun nga lang, marami pa ring tao ang mas kilala ako bilang Hiro Magalona.

“Pag show nga namin or nasa mall ako, may mga tumatawag pa rin sa akin na Hiro Magalona, pero sinasabi ko sa kanila, ‘Hiro Peralta na po ako, pinalitan na.’

“Kahit mga press, ganoon din, natatawag nila ako sa dati kong screen name. Kinu-correct ko na lang by saying my new screen name.

“Sabi noong iba, sayang daw, kasi mas kilala na daw yung Hiro Magalona.

“Para daw akong bumalik sa simula at parang nagsisimula na naman ako.”

CAREER MOVE. Ano naman ang sagot niya?

“Sabi ko na lang, career move at GMA ang may gusto na palitan ko na yung ginagamit kong apelyido at pumayag kami.

“At least ngayon, yung real surname ko na yung ginagamit ko at hindi yung middle initial ko.

“Alam ko naman na pagtagal-tagal makakasanayan na rin ng lahat na tawagin ako sa bago kong apelyido.

“Ganoon din naman noong nagsisimula ako na mine-memorize nila yung una kong ginamit na surname,” dagdag niyang kuwento.

SATISFIED. Happy ba si Hiro sa takbo ng career niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman po—mas maganda naman yung slowly but surely.

“Hindi naman ako pinababayaan ng GMA-7 at binibigyan nila ako ng lead role katulad ng ipinangako nila.

“Like ngayon, isa ako sa leading men sa Anna KareNina, at doon sa mga dati kong mga projects, maganda rin yung mga roles ko,” banggit niya.

Hindi ba siya nababagalan?

“Hindi naman po, katulad ng sabi ko mas maganda yung slowly but surely.

“Maganda yung pinaghihirapan mo yung career mo hanggang sa makuha mo yung gusto mong abutin.

“Aaaminin ko po na gusto ko rin pong sumikat katulad ng ibang artista, pero hindi naman sa isang iglap sikat na sikat ka na.

“Sabi nga ni Ate Guy [Nora Aunor] noong naka-kuwentuhan namin sa dressing room dati sa taping ng Walang Tulugan with the Mastershowman na kailangan maging matiyaga at pagbutihin ang trabaho para sumikat.

“At kailangan daw, may respeto sa kapwa artista at sa lahat ng taong makakatrabaho mo mula sa mataas ang posisyon hanggang sa pinakamababang posisyon sa industriya.

“Mas maganda daw kasi na mahal at gusto ka ng mga tao kaysa sa kinaiinisan ka.

“Kaya nga naging inspirasyon sa akin yung sinabi ni Ate Guy para pagbutihin ang trabaho ko, makisama ng maayos sa lahat at maging professional sa lahat ng bagay .

“Kasi, kung sisikat ka, sisikat ka. Kung hindi, magpasalamat ka na lang kasi nakapasok ka sa showbiz at nabigyan ng chance.

“Pero honestly speaking, po masaya po ako sa career ko,” patuloy pa ng binata.

UNCOMFORTABLE. Totoo bang naiilang pa rin si Hiro sa kapareha niyang si Joyce Ching dahil alam niyang boyfriend nito si Kristoffer Martin?

“Hindi na po, dati lang yun, pero ngayon, okay na kami.

“Simula nang kinausap ako ni Kristoffer, at sinabi niya na ‘wag akong mailang kay Joyce at gawin ko kung ano yung pinagagawa ng director at kung ano yung nakalagay sa script, nawala na lahat ng ilang at hiya ko kay Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Trabaho lang naman ang ginagawa namin at alam ko naman sa totoong buhay, silang dalawa ang mag-girlfriend/boyfriend.

“Kapag nasa set kami, iniisip ko na lang na hindi kami yung role na ginagampanan namin, kung hindi yung character doon sa show namin na kailangan naming gampanan.

“Kumbaga, walang personalan, trabaho lang,” tawa siya ulit.

Nagbabantay o bumubisita ba si Kristoffer sa set ng Anna KareNina?

“Bumibisita, oo, pero tumatambay, hindi naman.

“Minsan, may taping kami na malapit sa kanila diyan sa Sta. Mesa, dumaan lang siya, tapos, umalis din kaagad.”

If ever ba na walang boyfriend si Joyce liligawan ba siya ni Hiro?

“Oo naman po, kasi, bukod sa mabait at maganda si Joyce, magaling pang artista.

“Pero taken na po siya, hahanap na lang ako ng single,” natatawang pag-amin niya.

SHOWBIZ CRUSHES. Sino naman ba ang showbiz crush niya?

“Si Krystal Reyes, kasi maganda at mabait siya.

“Bukod sa tahimik, parang misteryosa siya, tapos, crush ko rin si Marian Rivera, kasi ang ganda-ganda niya.

“Sino pa ba? Si Heart Evangelista, maganda din, ang dami, ’no? Pero sila po talaga ang crush ko sa showbiz.”

Bukod kay Joyce, may iba pa bang artistang babae na gustong makapareha ni Hiro?

“Ultimate dream ko na makatrabaho si Marian Rivera, kasi ang ganda-ganda niya.

“Alam ko naman na halos lahat ng lalaki sa GMA-7 nangangarap din na makatambal siya.

“Wala naman masamang mangarap, di ba? Kaya naman pangarap ko na makatrabaho siya.

“Pero gusto ko rin namang makatrabaho sina Barbie Forteza, Bea Binene, Rhen Escano na nakasama ko sa Tweenhearts.

“Sila yung gusto ko makatambal sa soap or pelikula.”

MOVIE CONTRACT. Speaking of pelikula, ano ang susunod na movie ni Hiro?

“Naku, hindi ko po alam kay Mother Lily [Monteverde], kasi naka- kontrata ako sa Regal Films ng 16 movies pero tatlo palang yata ang nagagawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakalungkot nga po, e, kasi, medyo matagal na yung last movie na ginawa ko sa Regal Films—hindi ko na nga matandaan yung title.

“Pero until now, wala pa ring kasunod.

“Di naman ako makagawa ng pelikula sa iba kasi nakatali ako sa Regal Films.

“Hopefully baka this year, maalala ako ni Mother Lily, bigla akong ipatawag at bigyan ako ng pelikula,” pagtatapos na pahayag ni Hiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN