Charice on singing a duet with Sarah Geronimo: “Puwede naman po.”

Tuloy pa rin ang ugnayan ni Charice sa kanyang mentor sa Amerika na si David Foster. Aniya: “Iba na kasi ngayon ang ano ko, pero, siyempre, hindi naman po nawawala ang aming relasyon.”


Hindi mapigilan ang tawa ng international singing sensation na si Charice sa kanyang guesting sa “Ihaw Na!” nitong nakaraang Miyerkules, July 10.

Ang “Ihaw Na!” ay spoof ng “Ikaw Na!” interview segment ni Boy Abunda sa late night news program na Bandila ng ABS-CBN.

Ang nasabing spoof version ay napapanood naman sa late-night gag show na Banana Nite hosted by Jason Gainza bilang si Boy Abunda.

Sa unang tanong pa lang ni “Tito Boy” kung sino si Charice ay natawa na agad siya.

Sagot naman sa magaling na singer, “Charice is Charice.”

FIRST NAME ONLY. Sinegundahan kaagad ito ng tanong ni “Tito Boy” kung bakit tinanggal niya ang apelyidong Pempengco sa kanyang pangalan.

Pagbabalik-tanaw ni Charice, “Actually po, ang nakaisip niyan ay si ‘Ninang’ Oprah [Winfrey] before.

“Nahihirapan nga raw silang i-pronounce ang Pempengco.

“At parang uso naman doon [sa America] ang first name lang.”

Tulad nga raw ng international singers na sina Beyonce, Lady Gaga, Sharika, Pink, at Usher.

Kung sakali ngang mapag-isipan niyang ibalik muli ang apelyido niya para hindi na rin mahirapang i-pronounce, ano ang pipiliin niya?

Kaswal na sagot ni Charice, “ Ah... Timberlake.”

“Charice Timberlake... bagay,” nakangising sundot ni “Tito Boy.”

Buwelta naman ng international artist, “Ah, oo!”

CHOICE JUDGE. Napunta ang tanong ni “Tito Boy” sa mga coach ng The Voice of the Philippines na sina Lea Salonga, Apl de Ap, Bamboo at Sarah Geronimo.

Kung sakaling si Charice ang contestant, sino sa apat ang pipiliin niya na siyang hahawak sa kanya?

Mabilis na tugon niya, “Apl de Ap po.”

Bakit ito ang kanyang napili? Muling tanong ng “Ihaw Na!” host.

“Yung mga genre kasi na kinakanta niya ay yun din ang genre na kinakanta ko.

“And yun nga po, I think alam niya kung ano ang dapat na ibigay sa akin [na mga songs].

Sino naman sa apat ang gusto niyang maka-duet?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis nitong sagot, “Actually, nagka-duet na kami noon, pero si Ate Sarah, puwede naman po.

“Nag-collaborate na kami minsan ni Ms. Lea Salonga... siyempre, si Apl de Ap.

“Sa ngayon kasi, di ba, paiba-iba na rin ang usong kanta?

“Kaya hindi mo maiwasang hindi marinig ang... so, again, I think nakikiuso lang.”

CAREER PLANS. Dati ay isang belter si Charice hanggang magdesisyon siyang magpalit ng klase ng songs na mga kinakanta niya ngayon.

Paano ba niya natutunan ang pagiging isang belter?

“Natutunan ko ’yan dati kay Celine Dion, at siyempre, yun din ang training sa akin ni Mommy [Raquel Pempengco].

“At kapag sumasali ako sa singing contests before, hindi puwedeng hindi kami bumirit tulad ng “One Moment In Time.”

At this point, inalam ni “Tito Boy” kung ano pa ang plans niya sa kanyang career sa mga susunod na araw.

Ani Charice, “Naimbitahan ako na kumanta ng National Anthem ng America.

“Tapos, merong photo shoots and then babalik ako dito [sa Pilipinas] para i-release ang album.

“Nagta-trabaho pa din ako dito sa atin.”

Tapos tinanong siya ni Jason Gainza kung kasama pa rin daw siya sa concert ni David Foster na David Foster and Friends.

Natatawang sagot ni Charice, “Hindi na po.

“Siyempre, yung mga isinasama ni Sir David sa mga concert niya, usually ang mga kinakanta nila ay more on ballads.

“Iba na kasi ngayon ang ano ko, pero, siyempre, hindi naman po nawawala ang aming relasyon.

“Kasi, siyempre, ninong ko po kasi siya.”

May plano din ba siyag mag-Broadway? Nangingiting biro uli ni “Tito Boy.”

“Siguro ay hindi po,” pasubali niya.

“It’s something I wanna try pero hindi talaga siya ang magiging career kasi parang ang layo—pero, it’s something I wanna try.”

PERSONAL SONG. Kung meron nga raw na kanta ang sikat na singer para sa sarili at sa buhay niya simula nang mag-out ito bilang isang tomboy, ano ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iwas niyang sagot, “Meron akong isang kanta na ilalagay sa album ko, siguro abangan na lang nila.

“Sige... yung “Just Give Me A Reason.”

Sabay nilang dalawang kinanta ang original song na ito ni Pink.

Nakatakdang mag-release si Charice ng kanyang third album entitled Uncovered.

Dahil sa pinasikat niya ang kanyang “Pyramid” with rapper Iyaz, biniro siya ni “Tito Boy” kung takot ba siya sa pyramid scam?

Bumulanghit ng tawa ang Little Big Star alumna, “Kasi, doon kasi, sa kanta kong “Pyramid,” isa siyang love song.

“Kasi, dahil love song nga siya parang ibig sabihin, e, ‘Tara, mag-pyramid tayo, tara kaibigan, mag-pyramid tayo,’” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN