Jed Salang wants Ai-Ai delas Alas cited in contempt of court

Naghain ng petisyon si Jed Salang upang i-cite for contempt ang asawang si Ai-Ai delas Alas dahil sa patuloy pa rin daw nitong pagpapa-interview sa media sa kabila ng gag order na inisyu ng isang Quezon City judge.


Nais ng estranged husband ni Ai-Ai delas Alas na si Jed Salang na i-cite for contempt ang komedyana dahil sa pagpapa-interview nito sa media at paglabag diumano nito sa gag order na inisyu ng isang Quezon City judge.

Ayon sa report ng inquirer.net, inihain ni Jed ang petisyon kahapon, July 11, sa Quezon City Regional Trial Court at na-raffle ito sa Branch 216.

Bago ito ay sinampahan ni Ai-Ai si Jed ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, kasabay ng paghingi ng Permanent Protection Order (PPO) laban sa estranged husband.

Sa gag order na inisyu ni Judge Roslyn Rabara-Tria sa pre-trial conference noong June 19 kaugnay ng kasong isinampa ni Ai-Ai laban kay Jed, sinabihan nito ang magkabilang partido na iwasang pag-usapan ang kaso sa media at social networking sites.

Saad ni Judge Tria sa kanyang pre-trial order, “The parties, counsels and their privies are hereby directed to refrain from giving any interviews or comments about this case to the media, or social media networking under pain of contempt."

Pero ayon kay Jed, sa kabila ng pag-isyu ng gag order ay patuloy pa rin ang paglabas ni Ai-Ai sa iba’t ibang media outfits "while peddling the merits of her case."

Sa panayam naman ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, sa abugado ni Ai-Ai na si Atty. June Ambrosio ay ipinagtanggol nito ang komedyana.

Aniya, “Artista ’yan, e, wala tayong magagawa diyan.

"Pero maliwanag na wala siyang pinag-usapang…wala siyang sinabi tungkol dun sa kaso.

"So, walang violation on gag order.”

Sasagutin daw nila ang naturang petisyon kapag nakakuha na sila ng kopya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN