Ynna Asistio confirms breakup with Mark Herras; denies money issue

Kinumpirma na ni Ynna Asistio na break na nga sila ni Mark Herras, ngunit tumanggi itong isiwalat ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sabi ni Ynna, "I know a lot of people are waiting for our explanation but maybe it’s better if sa amin dalawa na lang and whatever I say I’m sure some will misinterpret or won’t believe so di na lang ako magsasalita.. I dont know paano i-put in words kasi eh..."


Ngayong linggo ay kumalat ang balitang break na sina Mark Herras at Ynna Asistio pagkatapos ng limang taong relasyon.
Iba-iba ang lumabas na haka-haka sa dahilan ng hiwalayan nila.
Mayroong nagsasabi na dahil daw sa selos.
Mayroon ding nagsabi na dahil daw sa ibang prayoridad ni Mark, tulad ng paglalaro ng mga computer games at pakikipagbarkada.
Mayroon ding nagsasabi na baka na kay Ynna raw ang diperensiya.
At isa rin sa isyung lumalabas ay may kinalaman daw ito sa pera.
Sa kabila ng mga usap-usapang ito, walang narinig mismo kina Mark o Ynna. O maging ang kumpirmasyon na break na nga sila.
SERIOUS. Noong July 9 ay lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam ni Gorgy Rula sa ina ni Ynna na si Nadia Montenegro.
Inamin ni Nadia na seryoso na ang breakup na ito nina Ynna at Mark.
Makikita naman sa Instagram account nina Mark at Ynna ang iba’t ibang posts kunsaan halatang mayroon silang parehong pinagdadaanan.
Sinubukan ni Gorgy na mag-iwan ng mensahe kay Mark sa kanyang Facebook account upang kumpirmahin ang balitang breakup nila ni Ynna, pero hindi ito sumagot o nagbigay ng anumang pahayag.
THE CONFIRMATION. Sa pamamagitan naman ng blog ni Darla Sauler, ang darlasauler.com, nagbigay ng kanyang pahayag si Ynna sa isyu ng breakup nila ni Mark.
Dito kinumpirma ni Ynna na break na nga sila.
Nagpadala ng text message si Ynna kay Darla bilang sagot sa mga tanong tungkol sa isyu ng breakup nila ni Mark.
Sinabi ni Ynna na walang kinalaman ang kanyang ina na si Nadia Montenegro sa hiwalayan nila ni Mark.
Hindi rin daw tungkol sa pera ang dahilan ng breakup nila.
Narito ang nilalaman ng text message ni Ynna:
"Gusto ko lang sana i-clear sana na wag na lang idamay Mama ko sa breakup namin... Wala naman siya kinalaman.. She found out through Mark, because I didnt want to tell anyone...
"There is no money involved in this issue.. It’s between me and Mark na lang..
"I know a lot of people are waiting for our explanation but maybe it’s better if sa amin dalawa na lang and whatever I say I’m sure some will misinterpret or won’t believe so di na lang ako magsasalita.. I dont know paano i-put in words kasi eh...
"Basta suportado ko pa din si Mark sa lahat ng ginagawa niya and maybe this time he will be able to concentrate on his career.. And even if I explain my side I have no bad words or bad things to say about Mark...
"Tinext na kta Darla kasi di ko na din kaya pinagsasabi ng mga tao... I’m doing great now and I hope Mark is doing well too :) and to everyone who supported us and is supporting us thank you..."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN