Sheena Halili dreams about having giant billboard in front of GMA Network building

Isang bagay raw na ipinagdarasal ni Sheena Halili ay ang mabigyan siya ng lead role, at natupad na ito dahil sa papel niya sa upcoming GMA-7 soap na Binoy Henyo. Gaganap siya rito bilang ina ng bagong child star na si David Remo.


Pinapangarap pala ni Sheena Halili na isang araw ay makikita niya ang kanyang sarili sa pinakamalaking billboard ng mga programa ng GMA-7 na makikita sa harapan ng GMA Network building.

Kasama raw sa pangarap na iyon na maging big star din siya one day.

“Ay, naku, piniktyuran ko nga po itong GMA, yung big billboard diyan.

"Sabi ko, one day mailalagay rin yung mukha ko diyan. In-Instagram ko nga yun at ang caption, ‘One day…’

"Ang gusto ko po yung hindi lang ako makilala na sikat, gusto ko rin yung makilala ako na, ‘Ay, si Sheena, naging mabuting talent natin iyan.’

“Nagpe-pray naman po ako kay God.

"Pero ayoko lang ding i-pressure yung sarili ko and ayoko kasi baka may magawa akong hindi maganda kapag pinipilit ko. Kasi kung para sa iyo, para sa iyo naman iyan, e.

"Di ba, mas magandang ibinibigay sa iyo nang hindi mo namamalayan?” sabi ni Sheena.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena sa pocket presscon ng Binoy Henyo para sa kanya at sa bagong child discovery ng GMA-7 na si David Remo noong Hulyo 8 sa 17th floor ng GMA Network Center.



LEVEL UP. Puno nga ng kasiyahan si Sheena dahil unti-unti na raw natutupad ang pangarap niya, lalo na’t ramdam niya ang pag-level up ng roles na ibinibigay ng GMA-7 sa kanya.

Mula kasi sa pagiging "pambansang best friend" at support roles, isa na sa mga bida si Sheena ng upcoming Kapuso family drama, ang Binoy Henyo, kasama si David Remo.

Saad niya, “Pinag-pray ko po talaga ito na, ‘Lord, bigyan mo ako ng level up na role.’

"Dumating nga yung Indio, di ba? Tapos mas level up pa ito.

"Nag-pray din ako kay God ng award. Binigyan din ako noong January ng Enpress as Best Supporting Actress in a Comedy sa TV para sa Tweets For My Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag hiningi mo talaga kay God, ibibigay naman Niya, e.

“Ako, lagi kong pine-pray kay God na bigyan ako ng lead… dito lead naman ako, e.

"Pero sinasabi ko na, ‘Lord, huwag Mong ibibigay sa akin yung work o yung bagay na hindi ko kaya.’

"Yung mawawala ako sa Kanya, yung makakalimutan ko ang magulang ko, makakalimutan ko ano ang gusto ko.

"Kumbaga, yung sasama na ako sa agos ng showbiz, ayoko.

"Yun ang pinagpe-pray ko na sana kung ano pa rin si Sheena… kasi sa totoo lang, kuntento na ako sa soap na three times a week ang taping.

"At least meron akong me day, may family day ako, at may time pa akong mag-church.”



NO PROBLEM WITH MOTHER ROLE. Gagampanan ni Sheena ang role bilang nanay ni David sa Binoy Henyo. Ito ang kanyang first mother role.

Sa edad niyang 26, okay na sa kanya na tumanggap ng ganitong role.

Kung tutuusin, ang mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, at Yasmien Kurdi ay young moms na in real life.

Hindi ba siya nagwo-worry na baka ma-typecast na siya sa mother roles?

Sagot ni Sheena, “Hindi naman, kasi yung mga roles ko naman, palaging iba.

"Nabinyagan lang talaga ako na ’best friend ng bayan’ dahil doon ako nag-start.

"Pero kung titingnan natin, iba-iba yung roles ko, naging kontrabida na rin ako. Madami na akong roles na iba’t iba.

"So, why not maging mommy naman, di ba?

"Pero tinanong ko nga sila, ‘Sigurado ba kayo na gusto n’yo akong maging nanay?’

"Kasi ako, bilang artista, trabaho ko iyan. Kailangan kong magampanan iyan. Challenge sa akin iyan.”

Kailan naman niya nakikita ang sarili niya na magiging nanay sa totoong buhay?

Sagot niya, “Sana mga 30, early 30s ganyan. Basta mauuna siyempre si Mr. Right, yung right guy at the right time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HAPPINESS IN SHOWBIZ. Isa si Sheena sa graduates ng unang batch ng StarStruck na hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang career kaya malaki ang pasasalamat niya kay God at sa GMA-7.

Maganda rin kasi ang feedback mula sa kanyang mga nakatrabaho tungkol sa kanyang kabaitan, dedikasyon sa trabaho, pagiging professional, at never naging pasaway.

Sabi ni Sheena, “Maging totoo ka lang. Lalabas naman ang kabaitan mo.

"Siguro ako, pinipili ko lang na maghintay, na maniwala na may plano sa akin si God kung bakit ako nandito.

"Nakikinig po ako sa magulang ko at hanggang ngayon nagsi-seek ako ng advice sa kanila kung gagawin ko ba ito o hindi ko gagawin ito.

"Pinagpe-pray ko rin kay God kung right ba ito, and kapag alam kong ibinigay sa akin, alam kong right yun.

"Kaya nga sa mga roles, hindi po ako masyadong mapili, e—kailangan ganito ako, kailangan ganyan ako—kasi alam kong may path para sa akin si God.”

Ano bang happiness ang nakukuha niya sa showbiz kaya ipinagpapatuloy niya ang pagiging artista niya?

“Alam mo napag-usapan namin ito ni Tita Nova [Villa, co-star niya sa Binoy Henyo].

"Sinabi niya sa akin na tama daw iyan, ’Tama yung ginagawa mo… hindi mo kinakailangang magkumpromiso para mag-stay ka sa showbiz. Ang iisipin mo lang kung bakit ka nandidiyan sa TV.’

“Ako, komedyante ako.

"Hindi ko alam na nakakatawa ako, pero pag yung moment na pinapanood ka ng tao, nakakalimutan nila yung problema nila kahit thirty minutes lang yung show.

"So, yun ang nakakapagpasaya sa akin kaya nai-inspire ako dahil alam ko na mayroon akong purpose kung bakit ako nandito na marami akong nahihikayat, naiimpluwensiyahan na maganda, I hope, di ba?

"Marami akong napapasaya.”

Nakikita rin ba niya ang sarili niya na magtatagal sa showbiz katulad ng beteranang aktres na si Nova?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinagpe-pray ko naman," sambit ni Sheena.

"Siguro ang ipagpe-pray ko kay God yung staying power.

"But then siyempre, kapag nagkaroon ako ng family, siyempre priority ko ang family ko.

"Pero siyempre tatanggap pa rin naman ako ng work, ito yung work ko, e. Marami namang artista na nandiyan pa rin kahit may pamilya na, e.

"Siguro ang ipagpe-pray ko ay yung staying power.”

Sa ngayon, naka-focus nga si Sheena sa trabaho kaya wala muna siyang panahon para sa lovelife.

Aniya, “Ako kasi, gina-guard ko yung heart ko. Yung relationship pinagpe-pray ko pa iyan.

"Siguro, at the right time, ibibigay naman ni God yun. Ayokong magmadali.

"Sana lang yung guy na makakarelasyon ko will be a man of God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN