Alessandra de Rossi stars in Korean rom-com The Mango Tree; pinch-hits for Jolina Magdangal in Personalan

Alex on her recent contract renewal with GMA-7: “Ever since naman na nag-work ako with GMA-7, puro magaganda ang mga projects na binigay nila sa akin. Nawala man ako noon, pero noong bumalik ako, open arms nila akong tinanggap with matching kontrata pa. Sino ba naman ang hindi matutuwa, di ba?”


Matapos niyang manalo ng magkakasunod na acting awards sa unang bahagi ng taong ito (Best Actress in the Asian International Film Festival and Best Supporting Actress in the Gawad Urian both for the indie film Sta. Niña), isang international film naman ngayon ang ginagawa ni Alessandra de Rossi.

Katatapos lang gawin ng award-winning actress ang isang Korean film titled The Mango Tree. Sa Cebu ginanap ang shooting para sa naturang Korean romantic-comedy.

DIRECTOR’S CHOICE. Pinili raw si Alessandra ng mismong director nito na si Lee Soo-Sung para sa role na Maria dahil sa recommendation ng director na si Adolfo Alix, Jr. na nakatrabaho si Alex sa mga pelikulang Romeo at Juliet and Mater Dolorosa.

Nakilala ang South Korean director na si Lee Soo-Sung dahil sa mga pelikula nitong House with A Nice View and Mr. Zombie. Ang The Mango Tree ay ang kanyang third film na tungkol sa isang Korean boy na na-in love sa isang Pinay.

Makaka-partner ni Alex sa The Mango Tree ang Korean actor na si Seo Ji-Seok na lumabas na sa mga Koreanovelas na Pure In Heart, Mr. Goodbye, Manny at Ireland. Ginawa rin niya ang mga pelikulang The Etudes of Love and The Bow.

Hindi ito ang first time na gumawa ng isang foreign film si Alex dahil noong 2005 ay ginawa niya ang isang horror film na The Maid sa Singapore na idinirihe ni Kelvin Tong.

Kahit daw hindi masyadong bihasa sa Ingles ang Korean film crew, may interpreter naman daw sila sa set kaya walang problema ito para kay Alex.

“Nakatrabaho na kasi ako before sa Korea noong ginagawa ko ang Green Rose for ABS-CBN.

“Nine days kaming nag-shoot doon nila Jake Cuenca at Anne Curtis.

“Kaya alam ko na kung gaano sila ka-professional pagdating sa trabaho.

“’Tsaka may oras talaga sila. Kapag sinabing eight hours lang ang trabaho, eksaktong eight hours lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero marami na kaming na-shoot na mga eksena. At napakametikuloso nila,” kuwento ni Alex nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media event ng Cinemalaya Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines.

CINEMALAYA ENTRY. Kasama rin si Alex sa isang entry sa Cinemalaya titled Liars na mula naman sa direksyon ni Gil Portes.

“Sanay na akong makipagtrabaho with Direk Gil. Nagkatrabaho na kami before pa sa mga pelikulang Mga Munting Tinig, Homecoming at Barcelona.

“Bale reunion namin ito ni Direk Gil dahil matagal din kaming hindi nagkatrabaho sa movie,” ngiti pa ni Alex.

Ang kuwento ng The Liars na sinulat ni Senedy Que ay tungkol sa isang real-life sports scandal na kinabilangan ng isang Filipino baseball team na lumaban sa isang international baseball competition noong ’90s.

Entry ito sa Directors Showcase category at kasama rin sa cast sina Arnold Reyes, Cris Villanueva, Richard Quan, Jan Harley Hicana, John Michael Bonapos, Jim Rocky Tangco, Sue Prado and Dax Alejandro.

HAPPY WORKING WITH GMA-7. Kelan lang ay pumirma ulit ng exclusive network contract si Alex sa GMA-7.

Ana pinakahuling drama series na kinabilangan niya ay ang Pahiram Ng Sandali at nagkaroon din siya ng guest role sa Home Sweet Home.

“Siyempre, happy ako na muling nagtiwala ang Kapuso network sa atin.

“Ang GMA-7 nga lang ang nagbigay sa akin ng kauna-unahang kontrata ko kaya hindi ko sila makakalimutan.

“Ever since naman na nag-work ako with GMA-7, puro magaganda ang mga projects na binigay nila sa akin.

“Nawala man ako noon, pero noong bumalik ako, open arms nila akong tinanggap with matching kontrata pa. Sino ba naman ang hindi matutuwa, di ba?

“Kaya thank you ulit at Kapuso pa rin tayo,” pagmamalaki niya.

Wala pa raw siyang sisimulan na series kaya puro movies ang ginagawa niya. Pero siya ang pansamantalang pumalit muna kay Jolina Magdangal-Escueta bilang host ng Personalan sa GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN