BB Gandanghari on brother Robin Padilla’s "gesture of acceptance": “Parang bigla akong gumaling knowing that Robin has finally accepted me.”

When Robin found out about BB’s urinary tract infection, he teasingly remarked, “Pati sakit mo, pambabae na talaga, ha!”

In one of his text messages to BB, Robin also said: “Your joy is our happiness.”


Kung hindi daw agad nagpa-ospital si BB Gandanghari ay maaring may naka-kabit na sa kanyang dialysis machine.

Yan ang ikinuwento ni BB sa veteran entertainment columnist na si Ricky Lo sa Funfare column nito sa Philippine Star kahapon, July 12.

Aniya, “I dread the thought. I was already peeing blood when I summoned my mom [Eva Cariño] to my condo unit. I couldn’t even walk straight from my bed to the bathroom. I was that serious!”

Dahil daw ito sa labis na pagbabad ni BB sa gym at sa hindi nito madalas na pag-inom ng tubig. Nagkaroon daw siya ng ‘acute case of urinary tract infection that led to severe dehydration that almost destroyed her kidney and bladder.’

Pinagpawisan daw siya ng labi at nilagnat na umabot ng 40 degrees centigrade at umabot na daw ito sa pagkakaroon niya ng ‘hallucination.’

Dagdag pa niya, “I was delirious and kept calling, ‘Mama, Mama!’ At dito na raw siya nagpaabot ng SOS message sa inang si Mommy Eva.

“My white blood cells were more than 20,000, way above the maximum normal,” recalled BB, “and my vital organs were almost collapsing.

“Kung na-delay pa raw ang pagdala sa akin sa ospital, I would have been a goner by now.”

DEPRESSION WORSENS ‘HER’ ILLNESS. Dagdag pa sa ulat, nadagdag pa raw sa mga nagpasama ng kanyang kondisyon ang depresyong bunga ng hindi pagtanggap sa kanyang bagong katauhan ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki na si Robin Padilla.

Pag-alala pa ni BB, “When we were younger Robin and I were really close. Nagba-boxing kami at naglalaro ng games na panlalaki.

“His son Ali, whom I took care of when he was small, grew up knowing me to be a macho guy. I used to watch wrestling on TV with the boy.”

Dahil daw sa kanyang depresyon, nagiging irritable daw ang kanyang pakiramdam, at nakakaapekto raw ito sa kanyang pakikitungo sa mga taong nakapaligid sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin pa niya, “Lagi akong galit. I kept on making my mom kulit to act as bridge between Robin and me.

“Kasi naman, all the other members of my family have accepted me for what I have become at si Robin lang ang hindi makatanggap. It stayed at the back of my mind, in my subconscious.”

“Magkasunod kami ni Robin and he was the one I would run to when I had problems, so even if my family was okay na with me, I felt sad that Robin was in denial.

“I got sick na before but when I got well, but after only a few days I returned to my old ways [not taking enough water] so nung nag-relapse, matindi na talaga.

“My depression worsened my condition.”

LONG-DELAYED RECONCILIATION. Ang kanyang naging karamdaman daw ang siyang naging susi sa matagal na niyang inaasam na ‘pagtanggap’ ng kanyang kapatid. At dito na rin naganap ang hindi pinlanong reunion ng kanilang pamilya.

Nang madala na raw siya ng ina sa ospital, ipinaalam daw agad niya ito sa kanyang mga kapatid para agad-agad na pumunta sa ospital para ipakita ang suportang kinakailangan nito. Pero kinabukasan pa daw pumunta si Robin kasama ang anak na si Ali.

Ang una raw na tanong ni Robin sa kanya, habang naalimpungatan pa, ay, “O, ‘tol, anong nangyari?”

Nang malaman daw ng kapatid kung ano ang kanyang sakit at ayon pa sa mga doctor ay sakit daw ito na common sa mga babae, ang tanging nasabi na lang daw ni Robin ay, “Pati sakit mo, pambabae na talaga, ha!”

Natawa na lang daw sila dito.

Dito na nagpost si Robin sa kanyang account sa Instagram kung saan tinawag na niya si BB na ‘sister.’

ROBIN TELLS ALI TO CALL BB ‘AUNT.’ Dumagsa daw ang iba pa nilang kamag-anak at kapag umaalis na ang mga ito, nagpapasalamat daw siya sa kanilang pagdalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito rin daw niya narinig ang mga sinabi ni Robin kay Ali na, “Mula ngayon, Aunt BB na ang itawag mo sa kanya, ha!”

Natatawa pang dugtong ni BB, “I think Ali is still a bit confused because he grew up nga seeing me so macho.

“At first, sila ni Robin parang hindi malaman kung ano ang itatawag sa akin… kung tito pa ba o kung tita na. Until before they said goodbye and I heard Robin telling Ali how to call me.”

Daglian daw gumanda ang pakiramdam ng androgenous model.

Saad pa niya, “Parang bigla akong gumaling knowing that Robin has finally accepted me. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.”

Sa ngayon, textmate na daw sila ng kapatid. Napaiyak daw si BB sa huling mensahe daw ni Robin sa text.

Sabi pa niyang naluluha, “He said, ‘Your joy is our happiness.’ Bongga, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN