Nadine Samonte on her Cinemalaya indie film entry: “Sobrang dark at very intense yung kuwento ng Nuwebe.”

Nadine recalls her initial thoughts when she first read the script for Nuwebe: “Noong una kong binasa ang script, iba siya. Never pa akong nakakagawa ng ganitong klaseng pelikula. Feeling ko na nga, hindi ko kaya yung role kasi may mga scenes na sobrang mabibigat. Never ko pang ginawa sa buong career ko talaga. Naisip ko na kung pakakawalan ko ang pelikulang ito, hindi na ako makakatanggap ng ganitong project. Ayokong sayangin ang opportunity kaya I said &


For the first time ay magkakaroon ng film entry ang TV5 actress na si Nadine Samonte para sa 9th Cinemalaya Film Festival.

Ito ay ang indie film na Nuwebe.

Hango ang pelikulang ito sa isang documentary feature ng isang 9-year-old girl na nabuntis ng kanyang sariling ama.

First time raw gagawa si Nadine ng ganitong pelikulang maselan ang tema kaya medyo kinabahan daw siya noong magsimula na silang mag-shooting.

Ang director nilang si Joseph Israel Laban ay isang producer sa GMA News.

Kasama sa cast ng Nuwebe si Jake Cuenca bilang ang mapang-abusong ama, Anita Linda at Barbara Miguel bilang biktima ng incestuous rape.

“Noong una kong binasa ang script, iba siya. Never pa akong nakakagawa ng ganitong klaseng pelikula.

“Feeling ko na nga, hindi ko kaya yung role kasi may mga scenes na sobrang mabibigat. Never ko pang ginawa sa buong career ko talaga.

“Naisip ko na kung pakakawalan ko ang pelikulang ito, hindi na ako makakatanggap ng ganitong project.

“Ayokong sayangin ang opportunity kaya I said ‘yes’ sa pelikulang ito.

“Since it’s my very first indie for Cinemalaya, nakakatuwang makasama itong movie namin sa ganitong klaseng film festival,” panimulang kuwento ni Nadine nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media event ng Cinemalaya last July 4 sa Cultural Center of the Philippines.

Bukod nga sa mga eksenang ngayon lang gagawin ni Nadine, nagkaroon siya ng interes sa takbo ng istorya at ang pagkahabag niya sa isang inosenteng bata na inabuso ng ama nito.

“Sobrang dark at very intense yung kuwento ng Nuwebe.

“Magsisimula siya na masaya pero unti-unti ngang magkakaroon ng pagbabago sa aming lahat.

“Sa script pa lang, naiiyak na ako kasi parang ang hirap nang magiging situwasyon mo kung ikaw ang tunay na ina.

“Pareho mong mahal ang anak at asawa mo, pero wala kang magawa sa nangyayari sa pamamahay ninyo. Mahirap itago ang katotohanan pero ayaw mo ring may isa mang mawala sa kanila sa buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya malaking challenge ito for me sa role ng mother na hindi alam ang tamang gagawin,” diin niya.

LOW-BUDGET PRODUCTION. Sa Marinduque raw nag-shoot si Nadine para sa naturang indie film. Nakaranas din siya kung paano ang magtrabaho sa isang low-budget production.

“Nine days kaming nag-shoot doon. Na-experience ko rin ang kinukuwento ng ibang friends ko na nakagawa na ng mga indie films.

“Iba talaga kasi walang mga utility, walang mga P.A. Lahat kailangang gawin mo dahil iilan lang tao sa production.

“Nasanay kasi ako na gumawa ng movies sa mga major film outfits kaya provided ang mga kailangan ng mga artista.

“Pero nag-enjoy ako gawin ang Nuwebe kahit na iilan lang kami, masaya at nandoon yung nagtutulungan kayo. Kumbaga, pantay-pantay tayong lahat sa set.

“’Tsaka naging malaking tulong yung location namin para sa istorya.

“Makikita nila kung paano mag-build up yung kuwento sa pagiging simple at masayang pamilya na biglang masisira dahil sa isang pagkakasala,” dagdag niyang kuwento.

IMPRESSED WITH CO-STARS. Puring-puri nga ni Nadine ang dalawang co-stars niyang sila Jake Cuenca at Barbara Miguel na first time niyang nakatrabaho.

“Si Jake, kahit na magkasama kami before sa GMA-7, never pa kaming nagkasama sa isang project. Ngayon lang talaga at ang galing niya rito.

“Ang galing ng transformation niya rito. Hindi ako magugulat kung mabigyan man siya ng award para sa role niya rito.

“Si Barbara naman, ang husay-husay niya. Ang galing niyang magbitaw ng dialogues at tatama sa puso mo yung mga sinasabi niya,” pagmamalaki niya sa kanyang mga co-stars.

Nasa New Breed Category nga ng Cinemalaya ang Nuwebe. Magsisimula ito sa July 26 hanggang August 4 at mapapanood sa Cultural Center of the Philippines, Ayala Cinemas in Trinoma, Greenbelt 3 and Alabang Town Center.

Bukod nga sa Nuwebe, abala rin si Nadine sa taping ng bagong primetime series ng TV5 na When I Fall In Love kunsaan bida sila Nora Aunor at Tirso Cruz III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan at kasama rin sina Bodie Cruz, Felix Roco, Edgar Allan Guzman, Marc Abaya, Menggie Cobarrubias, Jerry O’Hara at Akihiro Blanco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN