Ritz Azul on her first time to walk the ramp during FHM's 100 Sexiest Victory Party: "Feeling ko prinsesa ako."

IMAGE Noel Orsal

Ritz on not feeling any first-time jitters during her appearance in FHM's 100 Sexiest Women in the World Victory Party: "Siguro kasi 'eto yung day na iniiwasan kong kabahan kasi ang daming tao, ayokong magkamali. Pero para sa akin medyo mali yung hindi ako kinabahan. Weird sa akin yung feeling na yun kasi lagi akong kinakabahan. Ngayon lang hindi. Na-excite kasi talaga ako. Instead na maging kaba, naging excitement yung naramdaman ko. Kasi na-miss ko nga y


First time ni Ritz Azul na lumahok sa kakatapos na FHM 100 Sexiest Women of the World Victory Party na ginanap sa World Trade Center noong Miyerkules ng gabi, July 10, kaya na-excite raw siya ng husto.

Saad ng TV5 Princess sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang programa, “Sobrang saya and it was great!"

Dugtong niyang pagsasalarawan sa naramdaman noong mga oras ng pagrampa niya, “Nakakatuwa kasi ang daming tao, naririnig mo yung sigawan nila, yung palakpakan nila, yun ang na-miss kong gawin sa pagpa-pageant, yung rumampa.”

November noong nakaraang taon nang maging cover sa FHM ang tinaguriang sexy virgin ng Kapatid network. At dahil sa positive feedback ng kanyang pagpu-pose, napasama naman siya sa listahan ng mga pinakaseksing babae ng bansa sa taong ito.

NO JITTERS. Bagamat first-timer, wala raw naramdamang kaba si Ritz sa pagrampa niya sa entablado.

Paliwanag niya, “Yun nga, natakot nga ako hindi ako nagkaroon ng kaba. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nararamdaman yung kaba.

“Excitement kasi yung na-feel ko,” sabi niya.

Ibig ba nitong sabihin na confident na confident siya sa pagrampa niya?

“Siguro nakatulong rin yung Misibis Bay [currently airing na series niya sa TV5] kaya na-feel kong sexy ako.

“Kailangan ding maging confident kasi ang si-sexy ng mga kasama ko. So, ayun!

“Feeling ko kanina prinsesa ako. Ang daming taong nanonood.”

Paliwanag pa niya sa hindi pagkakaramdam ng kaba, “Siguro kasi 'eto yung day na iniiwasan kong kabahan kasi ang daming tao, ayokong magkamali.

“Pero para sa akin medyo mali yung hindi ako kinabahan. Weird sa akin yung feeling na yun kasi lagi akong kinakabahan. Ngayon lang hindi.

“Na-excite kasi talaga ako.

“Instead na maging kaba, naging excitement yung naramdaman ko. Kasi na-miss ko nga yung pagpa-pageant.”

Kung ibabase sa Misibis Bay at sa pagpu-pose mo ng sexy sa FHM pati na ang pagtanggap sa iyo ng audience sa FHM party, talagang sa sexy genre ka nakalinya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman... siguro, part yung pagiging sexy, yung pagtanggap sa akin ng tao. Masaya ako for that. Pero gusto ko talagang makilala na sexy na natural and versatile actress.

“For now, ini-enjoy ko lang yung pagiging sexy. Kasi kailan pa ako magga-ganito, pag 40 na ako?

“Habang meron pa, di ba?”

Natawa si Ritz sa mga natatanggap na reaksyon sa malaki niyang dibdib. Sa suot kasi nitong revealing plunging neckline halos lumawa ang cleavage ng dalaga.

Proud naman niyang sabi na, “Natural yan! Walang anong iba yan…well, mana-mana lang siguro sa lahi.”

Nakatulong ba sa pagka-develop ng kanyang boobs ang pagtaba niya noon at bigla rin niyang pagpayat?

“Oo naman, nakatulong rin yung pagpapayat ko. At least, na-emphasize yung dapat na i-emphasize. Nagkaroon ako ng confidence nung pumayat ako.”

THANKFUL FOR DAD'S PUSH. Ang kasa-kasama lang ni Ritz sa FHM event ay ang kanyang ama. Kinuwento niya na mas kinakabahan pa raw ang Papa niya kaysa sa kanya.

“Lagi niyang sinasabi na, 'O, ready ka na ba? Ready na?'

“Sabi ko, 'opo Papa. Relax ka lang!' Sinasabi niya, alalahanin mo yung mga ginagawa mo sa pageant? Yung mga gano'ng bagay.

“Siya yung nagpu-push sa akin. Kaya ang lakas ng loob kong rumampa at na-excite ako dahil rin sa kanya.”

DEREK RAMSAY. Hindi alam ni Ritz kung natuloy sa abroad si Derek Ramsay kaya wala siyang alam kung aware ba ang kaibigan sa ginawa niyang pagrampa.

Nakausap ba kayo bago ka nag-show?

“Ang huling usap namin nung taping ng Undercover [series ni Derek sa TV5]. Nag-usap lang kami about our shows. Kinungratulate namin ang isa’t isa. Parehas namang doing great. Wala naman siyang sinabi tungkol sa pag-FHM ko.”

Naniniwala si Ritz na nakita na ni Derek kopya ng pagpu-pose niya sa FHM last year.

“Nakita niya. Pero noong una talaga ayaw niyang buksan. As in nasa airport kami papunta kami ng out of town, may FHM doon sa booth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May nagpa-pirma. Hiniram niya doon sa girl na nagpa-autograph. Tina-try niyang buksan pero hindi talaga niya mabuksan.

“Pero sabi niya nabuksan na raw niya ngayon... okay naman,” saad niya.

DANIEL MATSUNAGA. Noong kumustahin naming ang pagkaka-link niya sa isa sa mga leading men niya sa Misibis Bay, itinanggi ni Ritz na may namumuong relasyon sa kanila ni Daniel Matsunaga.

Paglilinaw niya, “Kami ni Daniel friends lang talaga kami. Nakakatuwa dahil nakiki-ride siya dahil kamukha ko raw si Heart Evangelista.”.

Kung walang magiging problema, masusundan raw agad ng panibagong serye ang magtatapos nang drama soap niyang Misibis Bay. Pero hindi pa niya alam kung kailan ito magsisimula pero tiniyak niyang iba namang project ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN