Ronnie Liang gears up for first movie; wishes to star in TV series

Ronnie on Christian Bautista’s revival of Ronnie’s hit song, "Ngiti": “Ang totoo po hindi ko pa po napakinggan pero siyempre Christian Bautista po yan, magaling na singer, and I believe na mahusay po ang pagkaka-revive niya. Yup, magkakilala po kami pero hindi kami nagkakausap ngayon, busy po pareho schedule namin.”


Masaya si Ronnie Liang sa latest album niya na Ronnie Liang: May Minamahal under Viva Records.

“Mayroon po siyang twelve tracks kasama na ang mga minus one nila, ang mga songs ay “Akala Mo,” “May Minamahal,” “Mangarap Ka,” “Beginning Today,” “Kaputol Ng Isang Awit” and bonus track of “Oh Holy Night,” mga revivals po sila,” umpisang kuwento ni Ronnie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Yung “Akala Mo” ang carrier single ko, and nag-release din po kami ng second single recently, yung “May Minamahal” naman na si Mr. Hajji Alejandro ang original na kumanta and si Aiza naman ang sa “Akala Mo.”

“Pareho na rin silang nagpe-play sa radio stations at music channels nationwide.”

Totoo ba na nag-number one daw sa isang record store ang album niya?

“Totoo po, nag-number one po siya recently sa Odyssey for OPM category and nagpapasalamat po ako sa mga bumili at sumuporta sa album ko.

“Nagpapasalamat po ako sa Viva sa opportunity na ibinigay nila sa akin.

“Patuloy ko pa rin po pinu-promote ang album ko dito sa atin sa Pilipinas at overseas at available pa rin po ang album ko sa mga record stores nationwide pati na rin sa iTunes,” saad niya.

ADVOCACY. Mayroon ding advocacy o charity work si Ronnie ngayon.

“May kina-campaign po ako na sa lahat ng magsu-subscribe ng ringback tone ko na RONNIE to 2910 and magda-download ng kanta ko sa iTunes, yung sales and proceeds po noon ay idu-donate po siya sa Philippine Children’s Medical Center especially sa mga batang may cancer na hindi po kayang magpagamot.”

Ano ang personal favorite niya sa kanyang album?

“Paborito ko po lahat ng kanta ko sa album and gusto ko po i-dedicate ang mga kanta ko sa mga supporters ko na nandiyan pa rin, naniniwala at sumusuporta sa akin,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Viva Artist Agency ang namamahala sa showbiz career ni Ronnie.

WORKING WITH SARAH G. Ano ang mga upcoming na plano or projects para sa kanya ng Viva?

“Nagpapasalamat po ako kina Ma’am Veronique and Boss Vic del Rosario sa pagtanggap nila sa akin.

“Regarding sa projects nagpapasalamat po ako na tinulungan po nila ako na magkaroon ng second album.

“I was informed din na may show ako na mga out-of-town and overseas at guestings, tulad sa concert ni Sarah Geronimo.

“Recently po ay nag-guest po ako sa concert ni Sarah sa Bacolod na 24SGBACOLOD ang title.”

Totoo ba na kinikilig siya habang nagdu-duet sila ni Sarah? At sabay pa silang lumabas para mag-dinner?

Alam ba ito ng nanay ni Sarah?

“Una po, nagpapasalamat ako sa Viva Concerts sa pag-guest nila sa akin.

“Regarding sa kinikilig, masayang-masaya lang po ako talaga na natupad ang pangarap ko na makapag-guest sa concet ni Sarah tapos nag-duet pa kami.

“And nagpapasalamat ako sa mga Popsters sa warm acceptance nila sa akin lalo na nung nag-duet po kami ni Sarah.

“Regarding sa sabay po lumabas, nagkaroon po kami ng thanksgiving dinner party dahil very successful po ang concert ni Sarah sa Bacolod.

“And hindi po kami sabay lumabas, doon na lang kami nagkita sa venue.

“Nakakataba nga po ng puso dahil nagpapasalamat po lagi si Sarah and ang mom niya, si Tita Divine, na nag-guest po ako sa concert.”

OPEN TO TV WORK. Hindi pa napanood si Ronnie in a TV series, at isa ito sa mga gusto niyang maranasan.

“Wala pa po akong offer na soap opera pero kung meron tatanggapin ko. Open po ako sa TV series, iyon po ang first dream ko, ang magkaroon ng TV series.

“Ngayon, may pinaghahandaan po akong film from a new company, na ito po ang magiging launching film ko at ako po ang lead.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan naman namin si Ronnie ng comment tungkol sa revival ni Christian Bautista ng hit song niyang “Ngiti.”

Nagustuhan ba ito ni Ronnie o hindi? Magkakilala ba sila ni Christian? Napag-usapan ba nila ang revival ni Christian ng kanta niya?

“Ang totoo po hindi ko pa po napakinggan pero siyempre Christian Bautista po yan, magaling na singer, and I believe na mahusay po ang pagkaka-revive niya.

“Yup, magkakilala po kami pero hindi kami nagkakausap ngayon, busy po pareho schedule namin,” pag-amin ni Ronnie.

ON CHRISTIAN BAUTISTA. Ginamit ang version ni Christian ng “Ngiti” sa morning serye ng GMA na With A Smile na bida si Christian along with Mikael Daez and Andrea Torres.

At ang naging feeling ni Ronnie ng gawing theme song ng GMA ang kanta niya? Mas ginusto ba niya na sana’y yung mismong kanta na lang niya ang ginamit nila?

“Masaya at napakasarap sa pakiramdam na yung kanta ko po ay ginawang theme song.

“Siyempre kung ako po ang tatanungin gusto ko po yung ako ang kumanta or boses ko ang ginamit pero hindi lahat ng gusto natin ay nangyayari,” paliwanag niya.

INDECENT PROPOSALS. May napabalitang may isang rich gay na nag-offer kay Ronnie ng isang indecent proposal recently; totoo ba iyon?

Kung hindi, dati ba ay nakatanggap na siya ng indecent proposal mula sa isang bading na gusto siya?

Paano niya iyon na-handle?

“Regarding po sa rich gay na nag-o-offer ng indecent proposal, hindi po totoo yun. Mabuti pa nga po kayo alam ninyo yun,” sabay tawa ni Ronnie.

“Kung may nag-offer na ba? Wala po. May mga kaibigan at kakilala po akong gays and hindi po nila ginagawa iyon sa akin.

“Ang sa akin po kasi, trabaho lang,” giit niya.

Handa ba si Ronnie kung sakaling kunin siyang endorser ng isang underwear brand at may fashion show at pictorial na naka-underwear lang siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sa akin po kung ano ang gusto ng management or ng manager ko regarding sa work, gagawin ko,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN