Ama Quiambao on working with Nora Aunor and local cinema’s greats: “You do it for love...”

The late Ama Quiambao on Nora Aunor, whom she first worked with in the epic film, Himala (1982): “Nora, as I see her, is very intuitive. Pag pagmamasdan mo siya, before a take, wala lang, parang ganyan lang, wala siyang expression. But once the director shouts ’action,’ she transforms into the character. She acts through her instinct; on intuition... And you don’t study it. Not everybody has that. It’s a gift from God...&


Memorable ang ilang huling araw na nakasama at nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang veteran actress na si Ama Quiambao, bago siya payapang sumakabilang-buhay noong Biyernes ng gabi, July 5, 2013, sa Capitol Medical Center.

A few months back, nakasama ng PEP si Tita Ama sa isang mahabang biyahe patungong Aritao, Nueva Vizcaya.

Kasama noon ang Superstar na si Nora Aunor.

Una, noong March 20 at 21, unang shooting ni Nora ng ilan niyang eksena sa Ang Kwento Ni Mabuti ni Direk Mes De Guzman.

Sa biyahe ay nagkasabay sina Ama at Nora, pero hindi sa eksenang kinunan. Naudlot ang simulang ’yon (ng shoot) dahil sa iniindang cellulitis (sa kanang paa) ni Nora.

Fast forward. Tapos na ang shooting ng Ang Kwento Ni Mabuti. May playdate na ang pelikula, bilang entry sa unang CineFilipino Film Festival, na gaganapin sa September, 2013.

Muling nagkatrabaho, sa isang maikling eksena ng bagong indie film, sina Nora at Ama.

Mas mahaba pa ang biyahe papuntang location kaysa preparasyon at actual take ng eksenang ginawa nila.

Pero kapwa naging masaya sina Ama at Nora sa muling pagkikita at panibagong pagkakataon ng pagta-trabaho; o kung posibleng may renewal of friendly ties.

Sa obserbasyon ng PEP, may ganoong posibilidad sana, simula sa masayang pagbabalik-tanaw nina Nora at Ama sa mga naging karanasan nila noon, sa shooting ng Himala (1982).

"Yun ang una kong pelikula... at doon na rin ako naligawan, hanggang nakapag-asawa," natutuwang sambit ni Ama, habang inaalala ang namayapa niyang asawang si Gamaliel “Gamy” Viray,

Sumakabilang-buhay si Gamy, kilalang mang-aawit (baritone), noong 2010.

Ama and Gamy had a son, si Ishmael Viray, 29 years old.

Sa wake ni Ama, kamakailan, nai-share ni Ishmael sa PEP ang naging impression daw ng kanyang Mama (Ama) about Ate Guy, sa simula pa lang.

"Ate Guy is very down-to-earth... para daw hindi si Ate Guy," sabi raw ni Ama kay Ishmael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"DO IT FOR LOVE.” Habang patungong Aritao, nakakuwentuhan din ng PEP si Ama tungkol sa gagawin niyang pagsali sa produksiyon ng Ang Kwento Ni Mabuti.

"Nag-apply ako kay Mes [De Guzman]," malugod na sabi ni Tita Ama sa PEP.

"Masaya kasi sa production. At utang na loob ko kay Mes ang pagkapanalo ko ng award!" sambit pa niya.

Nanalong Best Actress si Ama, sa 2012 Cinemalaya Filmfest (New Breed), para sa Diablo, na isinulat at idinirek ni Mes De Guzman, who also won several awards for his entry.

Maaaring may ilang naengganyo rin sa pagpasok at pagtulong ni Ama sa produksiyon ng CineLarga- Sampay Bakod Productions, indie outfit nina Mes (and wife, Rhea de Guzman), pero ang payo niya sa mga nakakausap ay: "You do it for love..."

Ito rin ang simulain niya, bilang artistang may matapat na pagpapahalaga sa kanyang calling; sa kanyang passion for the arts: "Do it for love..."

For their part, nag-aalala naman ang mag-asawang Rhea at Mes De Guzman dahil hindi madali ang trabaho sa production.

Sa edad ni Ama, who just turned 66 years old early this year (January 19, 1947 ang petsa ng kapanganakan niya), hindi siya maaaring ma-stress at sobrang mapuyat.

Pero sa ilang araw na sunud-sunod na shooting ng pelikula, simula noong Abril 14, kapansin-pansing malakas at masigla si Ama. Walang narinig na reklamo sa kanya.

Maayos at masaya niyang ginagawa ang mumunting tasks—yun man ay sa harap ng kamera, kung saan mayroon siyang cameo role, bilang si Apung Ising, ang butihing kapitbahay nina Nora Aunor, sa title role as Mabuti, at ng mga batang aktor na tubong-Nueva Vizcaya;

O kaya’y pam-behind-the-scene, bilang acting coach ng mga bata (Safron Ventura, Angela Ordinario, Kathleen Luares, at Trinity Aragon)at ng local veteran, Josephine Estabillo, na gumanap na Apong Guyang (Nora’s mother in the story).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHILD-LIKE. Maraming pagkakataon, nasa set din si Ama, hawak ang kanyang digital camera at kumukuha ng litrato ni Nora at ng iba pang ka-eksena.

Parang bata si Tita Ama, kung minsan. Mapapahagikgik, pagkatapos ng eksena ni Ate Guy, na nagustuhan niya. "O, ang ganda ng kuha natin, ano?" sasabihin niya sa amin, at mahinang tatawa.

Mula pa noong ginawa nila ang Himala, 30 taon na ang nakakalipas, ang paghanga daw ni Ama kay Nora Aunor bilang aktres ay hindi nagbabago.

That 1st day shoot of Ang Kwento Ni Mabuti was particularly memorable for both Nora and Ama.

Ito bale ang totoong "reunion" nila, matapos ang tatlong dekada.

Dito isinalang ni Direk Mes ang beteranang aktres, sa eksenang masaya at very light.

Ito yung pagtatagpo ng matandang kapitbahay na si Apung Ansing (Ama) at ni Mabuti (Nora) kasama ang tatlo niyang batang apo, sa daang nasa tabi ng taniman ng gulay ng matanda.

Sa eksena, nagbubungkal ng lupa at nagtatanim ng gulay si Apung Ansing. Nang mapadaan sina Mabuti at mga apo, kinumusta ni Apung Ansing si Mabuti, at nag-usap sila, sa salitang Ilocano.

At bago umalis ang maglu-lola, pinabaunan ni Apung Ansing ang mga bata ng ilang tali ng bagong aning gulay.

Walang eksenang magkasama sina Ama at Nora noong dakong hapon.

Pero nasa set pa rin ang beteranang aktres, nag-o-observe at kumukuha ng litrato.

INTUITIVE ACTRESS. Sa isang punto ay kausap ng PEP si Ama, sa labas ng tahanan ng isa sa mga lider ng baranggay Darapidap.

Kasalukuyan noong kinukunan ang isang importanteng eksena ni Nora at ng baranggay leader.

Dito nabanggit ni Ama ang labis niyang paghanga sa kahusayan ni Ate Guy, bilang aktres.

"Nora, as I see her, is very intuitive.

“Pag pagmamasdan mo siya, before a take, wala lang, parang ganyan lang, wala siyang expression.

"But once the director shouts ’action,’ she transforms into the character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She acts through her instinct; on intuition...

"And you don’t study it. Not everybody has that," sabi ni Ama, "It’s a gift from God..."

Hindi man direktang naghambing, nabanggit ni Ama ang tungkol sa dalawang personalidad—both world-renowned actresses—na kabilang sa mga itinuturo niya sa pamantasan, sa araling World Literature.

"Kasi, nu’ng 18th century, merong dalawang aktres na tinitingala ng lahat sa akting—sina Eleonora Duce at Sarah Bernhardt.

"They were so famous, in Europe, nang mga panahong yon... "

Ang iba pang detalye, tungkol kina Duse at Sarah, ay hindi na natapos i-lecture sa amin ni "Ma’am" Ama; natapos na kasi ang eksenang kinukunan at lumapit na sa kinaroroonan namin ni Ate Guy.

ELEONORA DUSE AND SARAH BERNHARDT. Sa ilang tala (online website), nakalap ng PEP ang mga sumusunod na impormasyon:

Si Eleonora Duse ay isang Italian actress, na kadalasan noong tinatawag na Duse. Eleonora Giulia Amalia Duse ang buo niyang pangalan; isinilang noong Oktubre 3, 1858, sa Vigevano, Italy.

Si Sarah Bernhardt naman ay isang Pranses, o French stage and early film actress. Isinilang siya noong Oktubre 22, 1844, sa Paris, France.

Higit ang naging pagkilala kay Sarah Bernhardt, bilang "the most famous actress the world has ever known," na gumanap sa mga pagtatanghal sa entablado, sa France; kinalaunan, sa iba pang bansa sa Europe at Americas. Bilang serious dramatic actress, tinagurian din siyang "The Divine Sarah."

Halos sabay nagmarka ang pagiging tanyag na aktres, sa buong mundo, nina Eleonora Duse at Sarah Bernhardt. Masasabing rivals din sila, in popularity and greatness, pero hindi lang sa iisang bansa.

Ang pagyao nila ay halos magkasunod din. Pumanaw si Sarah, noong March 26, 1923, sa edad 78; sa Paris, France. Naging aktibo siya sa pagganap, mula 1862 hanggang 1922, o sa loob ng 60 taon.

Si Duse, namatay noong April 21, 1924, sa edad 65, sa Pittsburgh, Pennsylvania. Hindi nabanggit kung ilang taon siyang naging aktibo, pero kinilala rin siyang aktres sa buong mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ACTING GIFTS. Flattered si Ate Guy sa naging pagbanggit na ’yon ni Ama, na wari’y inihahambing ang pagiging aktres niya sa mga nakilalang dakila sa larangan, ilang siglo na ang nakakaraan.

"Naku, hindi naman po," nahihiyang sabi ni Ate Guy kay Ama.

"Lagi kong sinasabi, ang pag-arte, basta isa-puso mo lang; kailangan maramdaman mo lang dito," sambit ni Nora, sabay turo sa kanyang dibdib.

"Kasi hindi naman pinag-aaralan kung anong role. Kadalasan, pagdating na lang sa set, inaalam ko lang kung ano yung dialogue.

"Pagka isina-puso naman, at naintindihan mo yung pangyayari, lalabas nang kusa.

"Ewan ko po kung tama ako," nahihiya uling nagpahayag si Ate Guy, na hiningi ang pagsang-ayon ng beteranang aktres.

Tumango naman si Ama, bilang pagsang-ayon.

Patuloy ni Nora, "Tingnan mo, pag hindi ko rin makuha-kuha... may mga eksenang nahihirapan ako."

Sa Ang Kwento Ni Mabuti, aminado si Nora Aunor na bago sa kanya at may kahirapan ang pagsasalita ng ibang dialect, kundi man lengguwaheng tulad ng Ilocano.

"Mahirap talaga," sambit ni Ate Guy.

Pero ang bagong karanasang ito ay mahalaga para sa kanya, bilang aktor. Kaya masaya si Ate Guy.

"Oo naman...masaya! Diyos ko, hindi ako makikipag-bonding nang ganito [sa set], kung hindi," matapat na sambit pa ni Ate Guy.

WORKING WITH THE MASTERS. Pareho sina Nora Aunor at Ama Quiambao na naging bihasa sa pakikipag-trabaho sa mga itinuturing na master filmmakers, kundi man National Artists for Film.

Nauna si Nora, in her early 20’s, nang maka-trabaho sa pelikula ang mga batikang direktor na parehong National Artists, tulad nina Lamberto Avellana at Gerry de Leon, sa trilogy na Fe, Esperanza, Caridad (1974); at si De Leon uli, sa Banaue (1975).

In later years, Nora worked with the likes of Ishmael Bernal in Bakit May Pag-Ibig Pa? (1979) and Himala (1982); and Lino Brocka, in Ina Ka Ng Anak Mo (1979) and Bona (1980).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapwa nailuklok na Pambansang Alagad ng Sining Para sa Pelikula sina Brocka at Bernal noong late 1990s.

Pero hindi makakalimutan ni Ate Guy ang direktor na unang humubog sa kanya bilang isang totoong aktres—si Mario O’Hara, sa Tatlong Taong Walang Diyos (1976), kung saan una siyang nanalong Best Actress, sa Gawad Urian at FAMAS, in 1977.

Sa panahon ng indie-digital filmmaking, si Nora ay naging aktor ni Brillante Mendoza, sa multi-awarded, locally and internationally, na Thy Womb (2012).

Si Ama Quiambao, sa una niyang pelikula ay naka-trabaho agad ang National Artist na si Ishmael Bernal, sa Himala ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP).

Bilang Sepa, ang matapat na tagasunod ni Elsa (Nora’s visionary character), major support ni Nora si Ama, who won an Urian nomination (Best Supporting actress) para sa Himala, in 1983.

Nang mga sumunod na taon, napanood si Ama sa ilan pang maituturing na klasikong pelikula, kabilang ang Misteryo Sa Tuwa (1983) ni Abbo dela Cruz, at Virgin Forest (1985) ni Peque Gallaga.

In recent years, o sa panahon ng makabagong teknolohiyang digital, sa indie cinema, ay gumawa ng pelikula si Ama sa patnubay ng mga bagong filmmakers, tulad nina Auraeus Solito, sa Tuli (2005) at Mes De Guzman, sa Diablo (2012).

Sa Diablo nanalong Best Actress, sa 8th Cinemalaya Filmfest (New Breed), si Ama Quiambao. Sa sobrang katuwaan, napayakap daw si Ama kay Ricky Lee (screenwriter ng Himala; at jury head ng Cinemalaya 2012), at naibulalas ang mga katagang, "May himala!"

ANECDOTES. Bihirang magkuwento si Ate Guy tungkol sa kanyang mga karanasan bilang aktres.

Kaya nang magkuwento siya tungkol sa naging pakikipag-trabaho niya kina Brocka at Bernal, ay seryosong nakinig sa kanya si Ama.

Una’y nagbahagi si Ate Guy ng kanyang pananaw hinggil sa pagbabasa at pagmeme-morya ng script.

"Yun lang, minsan, hindi ako nagbabasa ng script," pagtatapat niya.

"Kasi, kadalasan, pag nagbabasa ako ng script, kadalasan noon, binabago rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kung pag-aaralan mo, mababago rin yung gagawin mo, bakit ka pa mag-aaral?"

Paano nasusolusyunan ang problemang nabanggit ni Ate Guy hinggil sa nire-revise na script?

"Ang ginagawa ko, pag hindi ko talaga maintindihan, nagtatanong ako sa direktor.

"’Direk, anong gagawin ko, puwede mong ipakita sa akin?’" tanong daw ni Nora.

"Tapos, ipapakita naman [ng direktor]. Ang madalas gumawa niyan, si Mario O’Hara at si Lino Brocka.

"Si Ishma [Bernal], hindi pa. Pero [si Brocka], katulad dun sa Ina Ka Ng Anak Mo, yung ’Hayop... hayuuup! [eksenang nag-breakdown ang character ni Nora]... hindi ako in-ensayo noon ni Lino.

"Siya ang umarte! ’Tingnan mo ako, ito ang gagawin mo, eksakto!’" pagtuturo daw ni Brocka kay Guy.

"So, siya ang umarte talaga. Pati tulo ng luha ko, kung saan [tutulo]..." nabigyan daw si Ate Guy ng instruction.

Nararamdaman din daw ni Nora ang eksena, hindi lang basta ginagaya ang direktor niya.

"Ang gusto ni Lino, kung ano yung ginawa niya, yun ang gagawin ko.

"Pag ako na [ang umaarte], madali nang maglabas ng emotion," sabi rin ni Nora.

"Tapos, minsan naman, tinatanong ko, ’Saan ho nanggaling ito [eksenang kinunan]; ano’ng pinanggalingan?’ At ano’ng kasunod ng eksenang ito?’ Inaalam ko lang."

"TEACHER" NORA. Perfect daw na maging guro, o teacher, si Nora Aunor, sa subjects on acting, kung gugustuhin niyang magturo sa eskuwelahan.

Ganundin si Ms. Ama Viray, ang tawag kay Ama Quiambao-Viray ng mga naging estudyante niya noon, sa St. Paul’s College; at sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Mahal si Ama ng kanyang mga naging estudyante sa nasabing unibersidad, bago siya pumanaw.

"Hindi ako marunong magturo," mapagpakumbabang saad ni Ate Guy.

"Ako ang tanungin mo, hindi ako marunong magturo," pag-ulit niya.

"Sasabihin ko lang kung ano yung [mga naging] eksperiyensiya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN