Kara David replaces Mel Tiangco as new host of Powerhouse

Kara on her new glamorous image: “It’s a big change for me. Sabi ko nga na jologs ako, baka hindi ako bagay sa imahe ng show. Hindi ako sanay na nagdadamit ng bongga. Yung may mga suot kang mga bling-blings. Hindi ako sanay na may stylist at yung mag-make-up ng todo-todo. Tulad nga ngayon, ang hirap pala ng may pilik-mata! Ang bigat sa mga eyelids! This is all new to me—yung magkaroon ng image na glamorous. But it is something that I am willing to undergo d


Overwhelming para sa award-winning broadcast journalist na si Kara David ang pag-takeover niya bilang bagong host ng programang Powerhouse sa GMA News TV na dating hinu-host ni Mel Tiangco.

Dahil nga nagdesisyon si Mel na bibitawan na nito ang show dahil sa sunud-sunod nitong mga work commitments para sa news program na 24 Oras, drama anthology na Magpakailanman at GMA Kapuso Foundation kunsaan hawak nito ang posisyon bilang Executive Vice President and Chief Operating Officer, minabuti na niyang ipasa na ang paghu-host ng Powerhouse kay Kara David.

Inamin ni Kara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference para sa bagong season ng Powerhouse last July 11 sa 17th floor ng GMA Network Center na malaking responsibilidad ang binigay sa kanya ng matagal na niyang iniidolo sa larangan ng broadcast journalism.

“Being such a big admirer of Tita Mel and the work that she has done for so many years, feeling ko na hindi ako karapat-dapat na maging kapalit niya sa Powerhouse.

“Kumbaga, may tatak Mel Tiangco na ang Powerhouse na alam kong mahirap nang pantayan.

“When they offered this to me, siyempre, hesistant ako na tanggapin. Tinanong ko pa nga kung bakit ako? Sinagot naman nila ako na ng ‘Bakit naman hindi ikaw?’

“So, all the more na kinabahan ako na tanggapin ang show because may malaking expectations na sila.

“But I don’t make any promises. I just do my job to the best that I can and I can only hope that I make them happy sa gagawin ko for Powerhouse,” saad pa ni Kara

FROM JOLOGS TO GLAM. Isa nga sa dahilan ni Kara kung bakit alinlangan siyang tanggapin ang Powerhouse ay dahil sa certain image na meron na ang show.

Hindi naman itinatago ni Kara na isa siyang “jologs” at malayo nga ang image niya as a broadcast journalist sa ibibigay sa kanyang image sa pag-host ng Powerhouse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a big change for me. Sabi ko nga na jologs ako, baka hindi ako bagay sa imahe ng show.

“Hindi ako sanay na nagdadamit ng bongga. Yung may mga suot kang mga bling-blings. Hindi ako sanay na may stylist at yung mag-make-up ng todo-todo.

“Tulad nga ngayon, ang hirap pala ng may pilik-mata! Ang bigat sa mga eyelids!” sabay tawa niya.

“This is all new to me—yung magkaroon ng image na glamorous.

“But it is something that I am willing to undergo dahil pinagkatiwala nila sa akin itong show,” diin niya.

Nakilala nga kasi si Kara bilang isang investigative broadcast journalist dahil nga sa programa niyang I-Witness kunsaan nakakapunta siya sa mga liblib na lugar ng Pilipinas para sa kanyang mga isusulat na istorya.

“Kilala n’yo naman ako, sanay akong umakyat ng bundok, tumawid sa putikan, sumasakay ng bangka at mga taong nakatira sa mga kubo na walang kuryente ang mga nakakausap ko.

“Ilang years kong ginawa ’yan at naging comfort zone ko na nga iyon as far as being a broadcast journalist is concerned,” kuwento pa niya.

Hindi nga naman kakuwestiyon-kuwestiyon ang kredibilidad ni Kara kung bakit siya ang pinili para maging bagong host ng Powerhouse.

IMPRESSIVE CREDENTIALS. Bago marating ni Kara ang kanyang estado ngayon, nagsimula siya bilang production assistant, researcher and writer bago siya maging isang reporter, documentarist, at ngayon ay host and anchor of GMA News and Public Affairs.

Kara earned her Broadcast Communications degree from the University of the Philippines-Diliman. Naging household name nga si Kara nang mapasama siya sa flagship documentary program ng GMA-7 na I-Witness, kunsaan nanalo siya ng ilang mga parangal mula sa local and international award-giving institutions kasama na rito ang prestigious George Foster Peabody Award.

Nakatanggap din si Kara ng recognitions mula sa Asian Television Awards, US International Film and Video Festival, and New York Festivals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan ding co-anchor si Kara sa weekday morning news program na News To Go with Howie Severino sa GMA News TV.

“Kaya malaking change itong Powerhouse for me dahil nakakalula ang magiging paligid ko ngayon. Bagong mundo ito para sa akin.

“These are the rich and the famous people who will talk about their lifestyle—hindi pa ako sanay sa kanila but I will be doing my best to fit in sa requirements ng show,” diin ni Kara.

Natatawa ngang sinabi pa ni Kara na baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na kuwentahin ang halaga ng mga mamahaling muebles ng mga makakapanayam niya sa programa.

“Kasi nga, I have this foundation called Project Malasakit. Meron akong mga scholars and we do our share of helping poor communities by donating food, medicines at ilan pang basic needs.

“Kaya ako, bago ako gumastos para sa sarili ko, iniisip ko muna yung mga taong puwedeng matulungan sa gagastusin kong pera.

“Tulad nga dati, may gusto akong bilhin and it cost like P2,000. Inisip ko na pang-allowance na iyon ng ilang scholars namin. Or makakabili na iyon ng pagkain or tubig sa ilang bata.

“Most of what I’m earning kasi, I give it to the foundation kaya bihira akong bumili for myself kasi lagi kong iniisip ay ang mga pangangailangan ng scholars namin.

“Kaya nga kapag makita ko ang isang luxury car, iniisip ko na ‘Uy, ang worth nito, makapagpapaaral na ng singkuwentang bata ito’ or ‘Ilang bahay na ang mapapailaw nito.’

“Gano’n ako parati. Nakasanayan ko na kasi iyon for such a long time,” detalye pa niyang kuwento.

STARSTRUCK WITH ATE VI. Sa new season ng Powerhouse sa July 16, ang unang makakapanayam ni Kara ay si Batangas Governor and Star for all Seasons Vilma Santos-Recto.

Hindi nga nahiyang ikuwento ni Kara na sobra siyang na-starstruck noong makaharap na niya si Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang namangha ako kasi it isn’t everyday na nakakapanyam natin ng malapitan ang isang celebrity tulad ni Ms. Vilma Santos.

“’Tsaka, she’s Vilma Santos. Kahit sino naman talaga ay masa-starstruck.

“I know that may paniniwala ang marami na kaming mga broadcast journalist should have this sort of distance—yung hindi dapat kami magpakita ng anumang emosyon when we are doing our job.

“Pero alalahanin nila na bago ako napunta sa trabahong ito, una muna akong naging simpleng tao na humahanga sa mga celebrities na tulad nga ni Ms. Vilma Santos.

“Hindi naman siguro kasalanan na matuwa ka or magpa-picture ka with somebody like her. Normal lang na reaction iyon ng kahit sino,” ngiti pa ni Kara.

DREAM INTERVIEWEES. Sa tanong kung sino ang gusto niyang makapanayam pa sa Powerhouse, dalawa ang kanyang nabigay na pangalan: sina incumbent Philippine President Noynoy Aquino at ang former President Gloria Macapagal-Arroyo.

“I chose President PNoy because we only see him na parang simple lang at very calm and cool kapag nagsasalita siya on television.

“I want to really see him in his environment. Ano ba si President PNoy kapag nasa comfort siya ng kanyang bahay?

“Ano ang mga ginagawa niya to relax? Pero nakakapag-relax nga ba siya lalo na kung sunud-sunod ang mga nagiging problema ng bansa natin?

“On the former president Gloria Macapagal-Arroyo naman, it would serve as a big challenge for me because everyone knows the history between the former president and my father, Randy David.

“It’s common knowledge that they don’t see eye to eye and some are saying that it has all become personal.

“Nonetheless, I still want to take my chances.

“Kasi nga nagkaroon na rin ako ng encounter with the former president noon. Medyo natarayan niya ako but it was not intentional.

“I did not take that against her because she was answering my questions at that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman parangal sa akin ng dad ko na hindi ako dapat mag-judge ng kahit na sinong tao and I should always show respect dahil ako ang nangangailangan ng oras nila.

“Kung papayag ba si former president Arroyo sa pag-anyaya ng Powerhouse, then that would serve as my biggest test as the host of this show.

“Paghahandaan ko yan talaga and I do hope that what happened in the past would not affect my interacting with her dahil ginagawa lang natin ang trabaho natin,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN