Roxanne Guinoo impressed with co-star Jillian Ward: “Humuhugot siya.”

Roxanne on Raymart Santiago’s professionalism as an actor: “Wala naman ho kaming ano dun, ’tsaka kahit ho ako wala akong alam na may mga issues sa kanya, ’tsaka ayoko hong makialam. Ano ho siya, professional si Kuya, nakikipagkuwentuhan, ganun, normal, game agad, ready agad, ganun.”


Halos apat na buwan na ang taping ng Home Sweet Home

“Eksakto sa one season po,” bungad ni Roxanne Guinoo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Home Sweet Home kamakailan.

Ito ang pinakaunang regular show ni Roxanne sa Kapuso network.

At ang mga pagbabagong dulot nito kay Roxanne; o ang mga nadiskubre ni Roxanne working with GMA-7 matapos maging isang dating taga-Dos…

“Maano naman po, maalaga rin naman po sila especially sa amin na mga cast nila tapos, very light lang po kasi itong show, pambata...

“Medyo mabigat lang naman kapag may mga eksenang mga ganyan po, pahirapan, pero wala naman ho akong na-encounter na hindi maganda sa show ’tsaka yung sa pag-aalaga ng GMA,” kuwento ni Roxanne.

At ang bilis ng panahon, halos makukumpleto na ang one season nila .

“Ang bilis nga ho,” bulalas ni Roxanne.

Ang mami-miss niya sa Home Sweet Home...

“Ito, si Jillian,” pagtukoy ni Roxanne kay Jillian Ward na kasama namin sa mesa habang nag-uusap.

“Napakakarinyosang bata ’tsaka ano siya e, ang nakakatuwa sa kanya kapag magkaeksena kasi sila nung isang anak ko dito, si Rain [Quite], siya talaga, gusto niya talaga maging artista.

“Yung pag sinabing iiyak, sariling sikap siya.

“Humuhugot siya, gusto niya talaga, hindi gaya ng ibang bata di ba, merong pinipilit pa ng nanay, ‘O, umiyak ka, kailangan umiyak ka.’

“Siya hindi, on her own, oo. Iyon yung mga masarap katrabaho kasi hindi mahirap kasama sa eksena.

“’Tsaka mabait, mabait na bata si Jillian, maganda ang pagpapalaki kay Jillian, sobra.

“Mabait ho yung mga magulang, kausap lagi namin.

“’Tsaka para bang ang sarap ng feeling kasi di ba, may mga anak na rin ako, pag andiyan siya, e kasing kulit niya yung anak ko so nae-enjoy ko,” ang nakangiting sinabi pa ni Roxanne.

WORKING WITH RAYMART. Gumaganap na asawa ni Roxanne sa Home Sweet Home si Raymart Santiago, pero ni minsan daw ay hindi ito nakitaan ni Roxanne ng pagkaapekto sa mga intriga sa buhay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman ho kaming ano dun, ’tsaka kahit ho ako wala akong alam na may mga issues sa kanya, ’tsaka ayoko hong makialam,” at tumawa si Roxanne.

Maayos na maayos raw ang working attitude ni Raymart.

“Ano ho siya, professional si Kuya, nakikipagkuwentuhan, ganun, normal, game agad, ready agad, ganun.

“Sumasalo sa mga kapwa artista. Hindi naman ho, wala hong naging pabigat sa set nitong show namin, wala hong naging sakit ng ulo sa amin, in fairness naman ho.

“Kaya maaga kaming natatapos.”

CONTRACT WITH GMA-7. Si direk Manny Valera ang manager ni Roxanne at per show ang kontrata niya sa GMA.

“As of now per show kasi unang show ko pa lang naman ito dito sa GMA.”

Pagkatapos ng Home Sweet Home...

“Kung saan po ako ilagay ni direk Manny. Pero wala pa pong sinasabi sa akin.”

Kung sabihin ni direk Manny na sa Dos ulit magtatrabaho si Roxanne…

“Wala naman hong problema kasi maayos naman ho akong nagpaalam sa ABS. ’Tsaka wala din naman hong naging problema ang ABS sa akin, so iyon po.

“Kung mabigyan ako ng chance doon, I’m sure wala hong magiging problema,” saad niya.

KIDS. Dalawa ang anak ni Roxanne.

“Yung panganay, magti-three na po sa September, si Reine, yung sumunod si Railey, seven months po siya.”

Papayagan ba niya if ever mag-artista ang mga anak niya?

“Pag ano po, gusto ko sila yung may gusto. Ayoko pong pilitin.”

Hindi rin daw niya pipigilan ang mga ito, kung sakali.

“Hindi naman ho, basta gusto nila tsaka ang gusto ko ho, makatapos muna ng pag-aaral. Kasi di ba ho ang hirap na once na pag nag-artista ka, pag hindi ka nakapagpatuloy ng pag-aaral, ang hirap bumalik.

“Parang ako, hanggang college level lang ako, so minsan pinag-iisipan ko yang gawin ulit, kasi siyempre iba pa rin talaga sa totoo lang yung may natapos ka,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIES. “Wala po kasi sa ngayon po maliit pa ho kasi yung bunso ko, sabi ko kay direk Manny hindi ko ho kayang magsabay ng trabaho muna kasi hands-on mom din ho ako, e.

“Ayoko hong maubusan din ng oras sa magda-daddy ko, kaya at least one project at a time sa ngayon po,” pangwakas niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN