Glee star Cory Monteith found dead

Natagpuang patay ang Glee star na si Cory Monteith sa kanyang hotel room sa Canada nitong Sabado, July 13 (Vancouver time). Siya ay 31 years old.


Sumakabilang-buhay na ang Hollywood actor na si Cory Monteith.

Natagpuang patay ang Glee star sa kanyang hotel room sa Canada nitong Sabado, July 13 (Vancouver time), ayon sa Vancouver police.

Si Cory ay 31 years old.

Ayon sa report ng CNN, hindi pa masabi ng Vancouver police kung ano ang ikinamatay ni Cory, ngunit wala raw foul play.

Magsasagawa ng autopsy ang medical examiners sa Lunes, July 15.

Si Cory, na gumanap bilang Finn Hudson sa Glee, ay natagpuan noong Sabado ng hapon ng staff members ng Fairmont Pacific Rim Hotel pagkatapos nitong ma-miss ang kanyang checkout time.

Nag-check-in siya sa kanyang hotel room noong July 6.

Ayon sa pulis, may ilang katao na pumasok sa kanyang kuwarto noong Biyernes ng gabi, July 12.

Pero nakita pa raw sa hotel surveillance video na mag-isang bumalik si Cory sa kanyang kuwarto ng madaling-araw.

Ang co-star ni Cory sa Glee na si Mark Salling ay nag-tweet lamang ng "no" nang magsagawa ng press conference ang Vancouver police.

Sabi naman ng publicist ni Cory na si Melissa Kates, sa isang e-mail message, "We are in shock and mourning this tragic loss."

Nagpahatid na rin ng pakikiramay ang executive producers at producers ng Glee sa pamamagitan ng isang statement:"We are deeply saddened by this tragic news. Cory was an exceptional talent and an even more exceptional person. He was a true joy to work with and we will all miss him tremendously. Our thoughts and prayers are with his family and loved ones."

Sa ngayon ay wala pang pahayag mula sa co-star at girlfriend ni Cory na si Lea Michele.

Noong April ay nag-check-in si Cory sa isang rehab facilty para gamutin ang kanyang drug addiction.

Hindi itinago ng aktor ang kanyang pakikipaglaban sa substance abuse.

Inamin pa nga siya sa Parade magazine noong 2011 na nagsimula siyang gumamit ng droga noong 13 years old lamang siya, at pumasok sa rehab noong 19 siya dahil na rin sa panghihimasok ng kanyang ina at mga kabigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang si Cory sa original cast ng Glee na nagsimula noong 2009.

Nitong huling season ng musical comedy show ay hindi na siya isinama sa finale dahil sa kanyang pagpasok sa rehab facility.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN