Edu Manzano discourages son Luis from joining politics

Edu explains why he doesn’t want Luis to pursue a political career for now: “Sinabi ko na sa kanya that ako totally against nung kanyang pagtakbo because walang lohika, e. Nandito yung trabaho, nandito yung profession, lolokohin mo lang yung tao kung saka-sakaling mahalal ka na tapos di mo bibigyan ng 100 percent. You know public service is a sacrifice, kung talagang sinsero kang manilbihan now. So sabi ko, kung ikaw ay napagod na kasi medyo naihanda mo na ang iyong ki


Masayang naki-celebrate si Edu Manzano sa surprise birthday treat ng bosses and talents ng TV5 para sa Chairman nilang si Manny V. Pangilinan (MVP) last Tuesday, July 9, sa bagong Reliance Studios ng istasyon sa Central Business District ng Mandaluyong.

Ngayong araw, July 14, ang mismong kaarawan ni MVP pero minabuti ng mga taga-TV5 na bigyan ng mas maagang sorpresa ang tagapamuno ng Kapatid Network dahil sa araw na ito ay magiging abala ito sa isang tree-planting project sa Pampanga na kabilang sa mga kawanggawa niya tuwing kanyang kaarawan.

Mensahe ni Edu para kay MVP, “Well, aside from long life, and good health, also I’d like to thank him for his support sa ating istasyon at sa ating mga programa.”

Sa ngayon, regular na napapanuod si Edu sa Good Morning Club kung saan sinabi niyang magandang disiplina sa kanya ang paggising ng maaga.

Saad niya, “Maganda, actually kasi magandang disiplina nga yung kailangang gumising ka ng alas tres ng medaling araw, napipilitan ka ring matulog ng maaga so in many ways magandang disiplina [sa katawan] dahil sa morning show.”

LUIS AND JENNYLYN. Bukambibig naman kay Edu na boto siya sa relasyon ng anak niyang si Luis kay Jennylyn Mercado.

Nagsabi na kaya ang kanyang panganay na may balak na itong lumagay sa tahimik?

Pahayag nito, “You know pareho silang maganda ang kanilang career no, sometimes yung mga bagay-bagay, you can put it aside in the meantime habang medyo…

“Pigain mo muna yung career opportunities mo kasi alam mo naman dito sa atin, sa ating profession, hindi panghabambuhay ang tagumpay.”

“Ang sabi nga nila pansamantala lang so while it’s there, enjoy the moment and save for your future.”

TOTALLY AGAINST LUCKY’S JOINING POLITICS. Tungkol naman sa mga balitang ginu-groom daw si Luis bilang susunod na mayor ng Lipa, Batangas na pinamunuan ng siyam na taon ng Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos, sinabi niyang tinututulan pa raw niya ito sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Sinabi ko na sa kanya that ako, totally against nung kanyang pagtakbo because walang lohika, e.

“Nandito yung trabaho, nandito yung profession, lolokohin mo lang yung tao kung saka-sakaling mahalal ka na tapos di mo bibigyan ng 100 percent.”

“You know public service is a sacrifice, kung talagang sinsero kang manilbihan now...

“So sabi ko, kung ikaw ay napagod na kasi medyo naihanda mo na ang iyong kinabukasan na yung sakripisyong hinihingi ng serbisyo publiko [ay maibibigay mo na] may karapatan ka nang tumakbo.

“Pero it would be an injustice to the voter kung dito siya titira at magtatrabaho and then yung pabalik-balik lang [from Manila to Lipa].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN