Jason Gainza on impersonating Boy Abunda: “Palagi kong sinasabi na nirerespeto ko si Tito Boy. Hindi ko naman binabalahura.”

Jason (as "Tito Vhoy," inset) on Boy Abunda: “At saka, nagpapasalamat din ako, pinapayagan niya ’ko. Kasi, ang ginagawa ko naman, yung pagpapatawa ko na nakakatuwa. Palagi kong sinasabi na, nirerespeto ko si Tito Boy. Hindi ko naman binabalahura. Sa totoo lang, mahirap gayahin si Tito Boy. Napakatalino. Kailangan fluent sa English. Ako, nagiging fluent, pero, mali rin naman ang grammar kung minsan. Buti na lang, comedy ang ginagawa ko kaya nakakatawa naman.


Biniro kaagad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya star na si Jason Gainza nang makausap namin siya sa backstage ng Sky Dome noong July 6 para sa naging Bida Kapamilya Caravan Day nila noong araw na iyon.

Mayaman na raw kasi si Jason ngayon dahil siya yata ang isa sa mga artista ng Kapamilya network na hindi nababakante. Bukod sa Banana Split tuwing Sabado ng gabi, meron pa siyang Banana Nite gabi-gabi at nakakapag-teleserye pa siya.

Birong sagot naman ni Jason, “Hindi naman. Di kasi, mababa lang ako [low talent fee]. Parang Chinese ba. Mas mababa, mas marami.”

Pero sabi rin niya, “Hindi, kasi, ginawa namin, malaki nga, pero, bihira ka naman mabigyan ng project.

“Sa Star Magic naman, hindi naman kami pinababayaan. Sila Ma’am Julie Ann [Benitez], si Sir Deo [Endrinal], doon ako palagi sa kanila.

“Ngayon naman, may Wansapanataym ako na for one month long.”

Sino nga ba ang mag-aakala na mula sa pagiging housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother noon, makikilala siya sa pagiging komedyante at kahit dramatic actor sa mga teleserye niya tulad nang huli niyang Ina, Kapatid, Anak.

Kapag nakikita niya ang sarili niya ngayon, ano ang naiisip niya?

“Nagpapasalamat,” saad niya.

“Hindi ko ine-expect na—yun nga, alam niya na ilan ang pinag-aaral ko. Apat sila.”

Yung legal ha?

“Oo, apat pa lang, wala pa,” sabay tawa niya at sabi ng biro lang.

“Hindi ko idol si Ramon Revilla Sr.” natatawang biro pa rin niya.

Pero, totoo yun, wala siyang mga “sideline?”

“Wala, wala,” sabi niya.

HAPPILY MARRIED. Seryoso naman namin siyang muling tinanong kung simula nga ba noong nag-artista siya, wala pang nabago sa pagsasama nila bilang mag-asawa?

“Wala naman, wala naman. ’Yan nga ang palaging tanong sa akin, kayo pa ba ng asawa mo?

“Sabi ko, bakit ba, parang ang tingin mo naman sa mga artista, parang immoral. Sabi ko naman, depende sa tao ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta nasa sentro niyo lang ang Panginoon, bakit maliligaw ka, bakit mate-tempt ka?” diin niya.

Sa palagay niya, paano niya nga napapanatili ang pagiging “faithful” niya sa mundo ng showbiz?

“E, kasi, matagal na kaming mag-asawa, matagal na kaming magkasama. Matagal na naming kilala ang isa’t isa. Thirteen years na rin kami.

“At saka, mahal ko ang asawa ko. At saka, respeto, e. Dapat pagsasamahin mo ang pagmamahal at saka respeto,” pagmamalaki niyang saad.

TEMPTATIONS. Ni minsan, hindi siya natukso lalo na sa magaganda at nagseseksihang babae sa showbiz?

“Minsan, tumitingin ako, kasi hindi naman masamang humanga. Minsan, nag-attempt din, pero, nahuli ako.

“Tapos, may pagkakataon na, kung gagawa rin ako, magsisisi rin naman ako. Na kasama ko ang ibang babae, iisipin ko rin ang asawa ko.

“Parang niloloko ko lang ang sarili ko, nakukunsensiya rin. So, mas mabuting huwag na lang gumawa kung ganun din lang,” pag-amin niya.

Sa isang banda, natutuwa naman si Jason na kahit siya raw mismo, nakakatanggap ng magagandang komento sa kung ano ang ipinapakita niya pagdating sa trabaho niya.

Sinabi nga namin sa kanya na siya yung nagsimula sa wala naman pagdating sa pag-arte, pag-i-impersonate, pero ngayon, ang laki na ng in-improve niya.

Sabi naman ni Jason, “Nakakatuwa kasi, siyempre, sa rami ng mga veteran actors, pinag-aaralan ko kung ano ang character.

“Sabi ko, kapag may time, workshop. At saka, yung pagdating sa taping, hindi puwedeng ibabato mo lang ang linya.

“Kasi, unfair rin naman sa kapwa mo artista na ginagawa ang lahat para mapaganda lamang ang programa.”

JASON AS KUYA VHOY. Sa Banana Nite segment niya na “Ihaw Na!” kailan lang ay si Kris Aquino ang na-interview niya.

Ang “Ihaw Na!” ay spoof ng Banana Nite sa “Ikaw Na!” celebrity interview segment ni Boy Abunda sa late night news program na Bandila ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Epektibo na siya bilang si Kuya Vhoy.

Biniro tuloy siya na baka ma-insecure na sa kanya si Boy Abunda na ine-empersonate niya.

“Napapansin ko, parang sabi ko nga, baka lumipat na raw siya ng ibang channel, sabi ko, sige, ititigil ko na,” biro pa rin niya.

Dugtong din niya, “Siyempre, hindi totoo, biro lang. At saka, nag-guest na rin ako sa kanya sa Bandila.

“Maraming salamat kasi, naging viral na sa YouTube ang video. At saka, nakakatuwa, sumasakay rin si Tito Boy.

“At saka, nagpapasalamat din ako, pinapayagan niya ’ko. Kasi, ang ginagawa ko naman, yung pagpapatawa ko na nakakatuwa. Palagi kong sinasabi na nirerespeto ko si Tito Boy. Hindi ko naman binabalahura.

“Sa totoo lang, mahirap gayahin si Tito Boy. Napakatalino. Kailangan fluent sa English.

“Ako, nagiging fluent, pero, mali rin naman ang grammar kung minsan. Buti na lang, comedy ang ginagawa ko kaya nakakatawa naman.”

Nagpaalam ba siya kay Kuya Boy?

“Hindi, kasi, baka hindi pumayag,” saka ito tumawa.

“Pero, okay naman. Nakakatawa nga, kasi, nagpa-picture pa sa akin.”

Kailan naman niya ige-guest si Kuya Boy sa “Ihaw Na?”

“Abangan nila yan, malapit na,”

MEMORABLE INTERVIEWS. Kung magiging guest niya si Kuya Boy, ano naman ang naiisip niyang itanong dito?

Mabilis na sagot naman ni Jason, “Kung naniniwala ba siya sa same-sex marriage at saka, kung naniniwala rin ba siya sa same-face marriage. Puwede na ba kaming magpakasal?” biro pa rin niya.

Sa segment niya sa Banana Nite, ano ang masasabi niyang mga “memorable” niyang interbyu?

“Yung kay Kris Aquino, Venus Raj, Mahal, Madam Auring, Mystica, halos lahat naman.”

May pagkakataon ba na kinakabahan siya?

“Palagi akong kinakabahan,” pag-amin niya.

“’Yan ang problema ko, palagi akong kinakabahan. Tapos, yung kaba ko, ginagawa ko, sa una pa lang, kinakabahan na ’ko. Pagpasok ko sa camera, kinakabahan na ’ko.”

Noong si Kris ang iinterbyuhin niya, kinabahan siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas—seven times yata ang kaba ko no’n! Seventy-seven times,” pag-amin niya.

DREAM INTERVIEWEES. Meron pa rin daw siyang mga pinapangarap na maging guest niya sa segment nga niya sa Banana Nite.

Kabilang na raw dito sina Senator Nancy Binay at Senator Miriam Defensor-Santiago.

Ano naman ang gusto niyang itanong dito?

“Ano ang mga batas na puwede niyang gawin sa mga kababaihan?”

Kay Senator Miriam?

“Ano ang kanyang blood pressure? Ano ang numero ng kanyang blood pressure?”

Sa showbiz naman daw, si Hayden Kho ang gusto niyang ma-interview.

Ang itatanong niya raw, “May camera ka pa ba, bukod sa mga camera namin?”

MRT RIDE. Sa isang banda, naikuwento ni Jason na noong oras na yun ng aming interview sa kanya, para lang daw siya makaabot sa Bida Kapamilya Caravan ay nag-MRT daw siya sa halip na sumakay sa sasakyan niya.

Pero, para raw siyang biniro naman ng situwasyon.

Kuwento niya ng natatawa, “Nauna pa ang driver ko!”

Kumusta naman ang pag-i-MRT niya, nakikilala naman siya ng ibang pasahero?

“Oo, kasi, may pinaupo akong babae, matanda na. Nakaharap ako sa kanya. Parang poker face lang. Sinisino lang ako. May mga nakakakilala pero, tumitingin lang naman.

“Pangalawang pag-MRT ko pa lang, kapag sobrang traffic. Kaso, ngayon naman, na-wow mali naman ako. Maluwag naman pala! Nauna pa ang driver ko,” tawang-tawa niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN