Kim Rodriguez admits "special friendship" with Kiko Estrada; considers getting a pet snake

Despite her liking for Kiko, Kim admits: “Okay lang, pero, mas gusto ko munang mag-trabaho. Kasi, kung magdyo-dyowa ako, ayoko po kasi ng trending. Tapos, kapag meron akong hindi nagawa sa trabaho, sasabihin, walang inintindi ’yan kung hindi mag-dyowa. Ayoko namang masabihan ng ganoon. At saka, kung magdyo-dyowa ako, basta, hindi ko kaya na isabay sa trabaho.”


Napamahal na raw kay Kim Rodriguez ang kanyang ahas sa kanyang afternoon prime serye na Kakambal Ni Eliana sa GMA-7.

Ito ay sa kabila ng katotohanan na noong una raw ay may takot pa siya, lalo na sa paghawak ng ahas.

“Sa una po talaga. Pero, nag-undergo po ako ng workshop kasama po ang ahas. Pero ngayon po, iba-ibang snakes na po ang nakakasama namin, hindi lang ang ahas,” panimula niyang kuwento.

Nawawala rin daw sa mood ang ahas.

Paano kapag ganun?

“Minsan po, may double siya. Kasi po, kapag nai-irritate sila, nagbabalat sila. Kaya kailangan po, soft lang talaga ang hawak.

“E, minsan po, malikot po ang ahas. Nahihirapan po sila Direk na kuhanan kasi, malikot po, umaalis po siya sa akin.

“Minsan, mahirap din po kapag ka-eksena ko ang ahas. Pero, kilala na po niya ’ko. May time nga po na kapag sila ang may hawak, ang likot-likot, pero, kapag ako, nakikinig po siya sa akin.

“Naghahanap din siya ng sarili niyang camera,” pabiro niyang kuwento.

Dati raw, noong bata siya, may alaga silang ahas. Kaya parang kinu-consider daw niyang mag-alaga rin pagkatapos ng serye nila.

“Mami-miss ko po si Naha [pangalan ng ahas], mami-miss ko talaga,” saad niya.

Natawa ito nang sabihin namin na bilhin na lang kaya niya si Naha.

“Si Naha po talaga? Kaso po, ang hirap. Noong isang beses po, yung caretaker, nakalimutan na may taping.

“So, pinakain po si Naha. Busog po, ang taba po niya. Bawal hawakan kasi, baka sumuka. Kapag sumuka raw po kasi, masisira ang bituka ng ahas, puputok.

“Nakapatong lang po siya, hindi siya puwedeng hawakan ng mahigpit dahil mamamatay raw po ang ahas,” patuloy niyang kuwento.

Hindi pa naman nangyari na habang hawak niya ay para siyang akmang kakagatin?

“Ay, hindi pa naman po. At saka, bawal pong mag-lotion kapag kasama mo si Naha. Mai-irritate po kasi siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw niyang maka-amoy. Malalason daw po ang ahas. Di ba po, lumalabas ang dila niya kapag natitikman niya,” dagdag pa ni Kim.

ESTABLISHED ACTRESS? Kinumusta namin si Kim kung may napansin na ba siyang mga pagbabago sa sarili niya simula nang gawin siyang lead sa isang teleserye.

Sabi naman ni Kim, “Nabago po? Siguro po, yung improvement ko sa pag-arte. Kasi po, sa GMA Artists Center, nagwu-workshop pa rin po kami habang nagti-taping.

“At saka, nakakatulong po sa akin yun. Kasi po minsan, kapag huminto ka sa isang show, ang tagal mong tengga, hindi mo nagagawa yung dapat ipagawa.”

Sa fan base niya, naramdaman ba niya kung dumami rin at mas nakilala na siya?

“Opo, like kapag magmu-mall. Lalapit sila. Tapos, itatanong nila, kumusta si Naha? Si Naha po talaga ang hinahanap.”

Dahil nakapag-lead na nga siya, umaasa ba siya na ang mga susunod niyang project, pang-lead role pa rin?

“Sabi po nila, kapag nag-lead ka na, dire-diretso na raw yun. Pero ako, hindi ko iniisip na ganoon.

“Hanggang ngayon nga, parang sinasabi nila, pero, parang ako, hindi pa rin ako ready. Pero sabi nila, nagagawa mo nga.

“Pero ako, parang wala akong tiwala sa sarili ko. Pero, kung ano naman ang ibigay ng GMA, kahit na hindi lead, tatanggapin ko pa rin kasi, blessing po yun,” sabi niya.

BIRTHDAY. Sa isang banda, sa August 14 ay 19th birthday na ni Kim. Tulad daw ng nakaraang dalawang taon, sa Boystown pa rin daw siya magdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ginagawa na raw niya yun, nasa Tween Hearts pa lang siya.

Aniya, “Mahilig po kasi ako sa mga bulinggit [bata]. At saka, naniniwala po kasi ako na kapag nagbibigay ka, maganda rin ang magiging kapalit sa ‘yo.

“Lalo na po ngayon, hindi lamang ang Kakambal ni Eliana, may dalawang indie pa po akong ginagawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, yung personal na selebrasyon niya?

“Siguro po, hiwalay po sa mga friends ko. Pero, simple lang din po. Ayoko naman pong mag-bongga na celebration.”

May birthday wish na ba siya?

“Yung birthday wish ko lang po, sana, makasama ko ang Mama ko. Kasi, hindi pa sila umuuwi.

“Ngayong artista ako, isang beses pa lang po sila umuuwi. Noong kaka-eighteen ko po. Yung kapatid ko po kasi, nag-aaral doon,” panalangin niya.

Ngayong nakapagbida na siya, ipinagmamalaki siya ng ng Mama niya sa Japan?

“Opo,” nakangiti niyang sabi.

“Wala man po silang Pinoy TV ro’n, pero, pinapanood niya sa internet. At saka, sobrang proud sila sa akin ro’n.

“Yung una raw, ayaw maniwalang anak daw niya ’ko. Kasi, sinasabi raw niya sa mga Japanese. Yung mga Japanese raw ang hindi naniniwala. Yung mga Pinoy, kilala po nila ’ko.

“Tapos, pinakita niya raw yung picture ko, tapos yun, naniwala na. Nagpapagawa sa akin ng fan sign. Tapos, sabi niya, anak, batiin mo nga ang Boss ko. Yun po…”

Hindi pa raw siya nakakarating ng Japan.

Ang katuwiran ni Kim, “Kasi po, natatakot ako ro’n dahil hindi naman po ako marunong magsalita ng Japanese. Pero, siguro po, bakasyon.

“Pero, mas gusto ko po na sila ang uuwi rito. Kaya naman po parehas po kaming nag-iipon ng Mama ko. Para kapag parehong meron na kaming pera, dito na lang po sila sa Pilipinas.”

GETTING REACQUAINTED WITH HER DAD. Sa kanyang ama mas napalayo si Kim at hindi nito nakasama. Pero ngayon daw, napapadalas na ang pagkikita nila.

Kuwento nga niya, “Noong isang araw lang po, pumunta po sa bahay. Nangungumusta siya.

“E, ako, okay lang,” saad niya.

Malapit lang din daw sa tinitirhan niya sa Rizal ang bahay ng ama. Pero, madalang lang daw itong magpakita dahil may sarili na ring pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Kim kung nagpapakita na ba ang ama niya sa kanya ngayon dahil na rin sa nagsisimula na nga siyang makilala bilang artista.

Pero sabi niya, “Hindi naman po. Kasi, dati po, nagpapakita rin siya, pero, ayoko siyang makita. Takot ako sa kanya. Nagtatago ako.”

Bakit siya natatakot?

“Kasi po, ang lola ko, lumaki ko sa kanya. Ewan ko po, parang lumaki ako na hindi ko siya kasama. Nasanay na rin po ako na mag-isa, e.”

Pero ngayon, nakikipagkita at hinaharap na niya ang tatay niya, anong naging dahilan?

“Opo,” saad niya.

“Minsan po kasi, naiisip ko, nagbabasa ako ng script. Parang nakaka-relate ako kay Eliana. Minsan, naiisip ko, ang hirap din pala kapag hindi kumpleto ang pamilya mo. Parang hinahanap-hanap mo ang kalinga nila,” pag-amin niya.

Ang Papa niya, ano naman ang sinasabi sa kanya ngayon?

“Proud naman po siya sa akin. Concerned naman po siya. Sinasabi po niya, huwag daw po akong magpapagod.

“Minsan nga, hindi naman po siya palaging nagpupunta, siguro, mga once-a-week lang. Pero, paggising ko, nilulutuan niya ’ko ng breakfast.”

Hindi naman daw sa bahay nila natutulog ang ama, pero, dahil kilala raw nito ang nagbabantay sa kanya kaya minsan, nagpupunta at naipagluluto nga siya.

Puwedeng sabihin na bumabawi ba ang tatay niya sa kanya ngayon?

“Siguro po, bumabawi po kasi, ang tagal ko siyang hindi nakasama. Simula bata pa po ako. Ramdam ko naman po na sincere naman ang Papa ko at totoo siya sa ginagawa niya ngayon,” dagdag pa niya.

Mas masarap daw sa pakiramdam na tinatanggap na nga niya ang ama.

“Mas masarap po talaga. Kasi, dati-rati, hinahanap-hanap ko ‘to, pero ngayon po, heto na, ang Papa ko na ang lumalapit sa akin,” masaya niyang pahayag.

LEADING MEN. Ang dalawang leading man niya sa Kakambal Ni Eliana ay sina Enzo Pineda at Kristoffer Martin. Mas naging malapit na raw siya sa dalawa ngayon kumpara noong mga unang araw ng taping nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dalawa, si Kristoffer ang may girlfriend na, si Joyce Ching.

Si Enzo naman, sa kabila ng balitang nagkabalikan na sila ni Louise delos Reyes, sinasabi nitong hindi raw talaga.

Pero, naintriga rin si Kim bilang “third party.” Naapektuhan ba siya noon?

“Yung una, siguro, kasi, first time kong ma-isyu na ganyan. So, hindi ako sanay noong una.

“Okay lang, kapag nasa labas, hindi ko maiwasang hindi ipakita na apektado ko. Pero, siyempre, hindi ko maiwasang hindi ako maapektuhan kasi, hindi naman ako sanay sa mga isyu-isyu na ganito.

“Sa dulo naman po, hindi ko na lang po pinapansin,” saad ng dalaga.

Hindi naman nagparamdam nga si Enzo sa kanya?

“Hindi po, pero, kapag may problema siya, nagkukuwento siya sa akin. Naging open siya sa akin. Kapag may problema siya, minsan nanghihingi siya nga advice.”

Ano ang kadalasang hinihingi ng payo ni Enzo sa kanya?

“Well, katulad po kanina, tinatanong niya kung ano raw ang gagawin niya kapag hindi nagti-text ang babae?

“Sabi ko naman, kahit gaano naman ka-busy ang isang tao, kapag gusto ka niyang i-text, kung gusto ka niyang kausapin, gagawa ng paraan kung gusto kang makausap.

“Kung anu-ano kasi iniisip niyan,” natatawa niyang sabi.

May mga “love experience” na ba siya?

“Puppy love po siguro,” saad niya.

Paano siya nakakapagbigay ng payo?

“Ewan ko po, napansin ko rin po, may mga tao po siguro na ang galing mag-advice, pero, pagdating sa kanila, basta yun po,” patuloy pa ni Kim.

SUITORS. Tinanong din namin kung may nanliligaw ba sa kanya ngayon.

Sagot naman niya, “Agad-agad?! Wala po, friends-friends lang.”

Pero, may mga nagti-text o nakaka-date niya?

“Friends lang po, nanonood ng sine,” sabi naman niya.

Showbiz ba?

“Opo, pero, hindi siya nanliligaw.”

Itago natin sa pangalang---?

“K,” natatawang sabi naman niya.

“O, ’eto na lang... Estrada.”

Nahulaan naman namin na si Kiko Estrada ang tinutukoy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mabilis din nitong sabi, “Hindi naman po kaming dalawa lang. Magkasama kasi kami sa indie film, yung Kuya.”

Nagti-textan sila ni Kiko?

“Kumustahan lang po,” saad niya.

Kung sakali at matuloy sa ligawan, type niya ba si Kiko?

“Okay lang, pero, mas gusto ko munang mag-trabaho. Kasi, kung magdyo-dyowa ako, ayoko po kasi ng trending.

“Tapos, kapag meron akong hindi nagawa sa trabaho, sasabihin, walang inintindi ’yan kung hindi mag-dyowa.

“Ayoko namang masabihan ng ganoon. At saka, kung magdyo-dyowa ako, basta, hindi ko kaya na isabay sa trabaho,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN