Alden Richards on bonding easily with Lauren Young: “Madali po kasing kausap. At saka, one of the guys din. Kaya madaling pakibagayan ng lahat.”

Alden on not getting as much exposure in Mundo Mo’y Akin: “Masaya naman po. Although, kung minsan, I noticed na walang exposure. Napupuna ko po yun personally, kapag nakakapanood ako ng episode. Pero, hindi naman po siguro para ako mag-reklamo. Kasi po, I’m sure, yung writer naman po ang nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat sa character ni Jerome. Kasi, I give it to them. Sila talaga ang bida, Louise and Lauren. Mundo Mo


“Happy po,” ang mabilis na sagot ni Alden Richards sa tanong kung masaya ba siya sa karakter niya sa kanilang primetime series na Mundo Mo’y Akin bilang si Jerome.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa taping ng Mundo Mo’y Akin noong July 10 sa Scout Area sa Quezon City.

LESSER EXPOSURE? Kaya naman naitanong ng PEP kay Alden kung masaya ba ito bilang si Jerome, marami kasi ang lumalabas, lalo na ang komento ng mga taga-suporta niya sa internet na diumano’y nawala na ang focus sa karakter niya at sa dalawang babae na napunta ang takbo ng kuwento—kina Darlene at Marilyn na ginagampanan naman nina Lauren Young at Louise delos Reyes.

Kaya muli namin siyang tinanong kung totoo nga bang masaya siya.

Ayon kay Alden, “Masaya naman po. Although, kung minsan, I noticed na walang exposure. Napupuna ko po yun personally, kapag nakakapanood ako ng episode.

“Pero, hindi naman po siguro para ako mag-reklamo.

“Kasi po, I’m sure, yung writer naman po ang nakakaalam kung ano ang dapat at hindi dapat sa character ni Jerome. Kasi, I give it to them.

“Sila talaga ang bida, Louise and Lauren. Mundo Mo’y Akin is Darlene and Marilyn story po.

“Pero, wala naman pong tampo. At least, nakakapag-taping pa rin po ako kahit sundut-sundot na eksena.

“Pero, siguro po, yun lang, on the acting side, medyo, hindi po masyadong malalim ang character ni Jerome. It’s up to me po para lumalim ang character ni Jerome,” sabi na lang niya.

Kung ang mga manonood na ang nagtatanong sa takbo ng karakter niya, tinanong namin si Alden kung sa palagay niya, ang hinahanap ng manonood sa kanya ay tulad ng napanood sa kanya noon bilang si Tisoy sa One True Love.

Sabi naman ni Alden, “Hindi naman po siguro Tisoy. Pero, sana po, sana lang po, may mga mas heavy na scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas important scene po sana akong naibibigay sa soap. But as I read the script, medyo konti lang. Pero, siyempre po, kasi nga po, hindi naman sa akin tumatakbo ang story.

“I get it naman po. Siyempre, trabaho ng writer is to write the script and give the story a flavor. Ang pangit din naman po kung bibigyan nila ko ng story na hindi naman kasama talaga.

“At naiintindihan ko po talaga, importante, mataas po ang rating namin.”

Sa mga primetime series nga ng Kapuso network, ang Mundo Mo’y Akin daw ang nagre-rehistro ng pinakamataas na rating sa lahat.

BONDING WITH LAUREN. Sina Alden at Lauren Young ang nakausap ng PEP at iba pang entertainment press na dumalaw sa taping.

At kung titingnan ang dalawa, halatang naging malapit na sila sa isa’t isa. Panay ang batuhan nila ng biro at hirit sa isa’t isa.

Mas close na ba niya si Lauren kesa sa matagal na niyang ka-loveteam na si Louise?

“Madali po kasing kausap. At saka, one of the guys din. Kaya madaling pakibagayan ng lahat. Sa set po, kami yung nagkaka-bonding.”

Pero sabi rin ni Alden, “Close pa rin po ako kay Louise. Pero since si Lauren po, first time kong naka-trabaho, mas nakilala ko po siya.

“Hindi naman po naging mas close, but I got to spend more time with Lauren. Hindi ko po kasi masyadong nakaka-eksena si Louise.

“Mas si Lauren po ang mga ka-eksena ko ngayon.”

CAUSE OF DELAY? Naitanong din kay Alden ang isyu kung totoo nga raw ba na sa kanilang lahat sa soap, nagiging cause of delay draw ng taping si Louise dahil nali-late ito.

Ayon naman kay Alden, “Hindi ko po alam kasi, ako po, bihira ko po siyang maka-eksena, so, hindi ko po masasabi yun. At saka, ako po mismo, nali-late po ako ng madalas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po tama na nali-late ako. Malayo po kasi ang bahay ko but still, it’s not an excuse. Aaminin ko po, medyo unprofessional on my part.

“Pero, babaguhin ko na po yun. Yun po ang bottomline ng lahat. Don’t be late sa call time mo.”

NEXT PROJECT. Malapit nang nagwakas ang Mundo Mo’y Akin at umaasa si Alden na meron na nga raw siyang kasunod na serye o kapalit agad.

Yung huli raw kasi niya, umabot halos ng anim na buwan bago siya nabigyan ng panibagong serye.

Sabi ni Alden nang nakangiti, “Hindi pa po official na may kapalit na nga, pero, may niluluto na raw po sa creative. Pero, sana nga po, hindi na siya ganoon katagal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN