Kristoffer Martin on his flourishing reputation as an award-winning actor: “Hindi ako nagbabago, bakit ako magbabago?”

Kristoffer on the much-anticipated ending of their teleserye Kakambal ni Eliana: “Sa akin naman kasi, walang malaki o maliit na role. Kung sinuman ang makatuluyan niya, yun ang ikagaganda ng soap o ng story mismo. Hindi naman dahil sa artista ’yan. Hindi dahil bida ka o ano. Basta kung saan babagsak na maganda ang story, doon ako.”


Para kay Kristoffer Martin, ang challenge raw sa afternoon series nila na Kakambal ni Eliana ay ang pagbabago raw ng karakter niya ngayon.

Kung noon ay matapang siya, ngayon daw ay nagiging “soft” na siya at iyakin.

Ayon kay Kristoffer, “Doon ako natatakot, e. From snatcher na matapang-tapang, ngayon, parang wala na, puro soft side na ang ipinapakita ni Gabo.

“Ang layo ng shifting, e. From matapang, biglang magiging soft na dahil nahihirapan si Eliana, walang magawa. So, doon, nahihirapan ako.

“Pero, kahit paano naman, nakakapag-adjust naman ako.”

MAY THE BEST MAN WIN. Sino nga ba sa kanila ni Enzo Pineda ang makakatuluyan ni Kim Rodriguez sa afternoon series nila?

“Hindi ko nga alam, e,” natawang sabi niya.

“Kasi, yung script, yung week 14, ginagawa pa. Hindi ko lang alam kung sino ang makakatuluyan ni Eliana.

“Promise, parang Anna KareNina lang ’yan, hindi mo pa malalaman hangga’t hindi natatapos.”

Kung sakali at si Enzo Pineda nga ang makatuluyan ni Kim, okay lang kaya sa kanya?

“Okay lang,” saad naman niya.

“Sa akin naman kasi, walang malaki o maliit na role. Kung sinuman ang makatuluyan niya, yun ang ikagaganda ng soap o ng story mismo.

“Hindi naman dahil sa artista ’yan. Hindi dahil bida ka o ano. Basta kung saan babagsak na maganda ang story, doon ako.”

ANNA KARENINA. Naitanong naman namin kay Kristoffer kung hindi ba niya wini-wish na sana, siya na lang ang ginawang leading man ng girlfriend na si Joyce Ching sa Anna KareNina dahil madalas, nakakapag-bonding at nakakalabas ang mga ito.

Sabi naman ni Kristoffer, “Natutuwa ako sa bonding nila ro’n. Nakikita ko ang bond nila like nang mag-guest sila sa Sunday All Stars, nakikita ko ang bonding nilang anim.

“So, nagbibiruan sila. Hindi ako maka-relate. Nakadikit lang ako kay Joyce kapag nag-uusap sila.

“Pero, natutuwa ako. Hindi ako naiinggit. Pero sana talaga, hindi naman sa Anna KareNina kasi, kay Hiro [Peralta] na yun. Pero sana in time, magkasama rin kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PUTTING HIRO AT EASE. Kinausap o sinabihan ba niya si Hiro?

Kay Joyce na rin kasi nanggaling na madalas daw, napapansin nito na naiilang si Hiro sa kanya. Kahit daw noong pictorial na kailangan nilang maging sweet.

“Sinabi nga niya sa akin,” natatawang sabi ni Kristoffer.

“Pero, sabi ko nga kay Hiro, ’ano ka ba?’”

Pinagsabihan nga niya ito?

“Hindi, hindi, wala akong sinabi. Wala siyang maririnig sa akin. Kasi, ganito ‘yan...

“Pictorial nila. Sabi ni Joyce, parang naiilang nga raw si Hiro dahil sa akin.

“Sabi ko kay Joyce, ikaw na mismo ang mag-initiate kay Hiro kasi, trabaho. Kailangan, umaangat ang loveteam niyo kasi, bago kayo riyan.

“Tapos, noong nag-usap kami ni Hiro, ’sabi ni Joyce, naiilang ka raw sa akin.’

“Sabi ko sa kanya, ’huwag kang naiilang diyan. Shampalin kaya kita.’

“Sabi ko, ’shampalin.’

“’Bago kayo riyan, kung kailangan ng kissing scene, gawin mo.’”

Paano kung torrid kissing scene?

“Trabaho, e,” saad niya.

“Alam naman nila ang limitasyon.”

SUPPORTIVE BF. Sa mga sinasabi niya, puwedeng isipin na siya ang tipo ng boyfriend na hindi seloso.

Pero ayon kay Kristoffer, “Supportive lang. Kung saan gaganda ang story, basta, for the sake of the show.”

Kung pagiging cover girl na ng men’s magazine ang gagawin ni Joyce, papayag pa rin ba siya?

“Choice niya yun, Okay lang sa akin, pero, choice niya yun. Siyempre, may conservative side rin ako. Siguro ngayon, hindi pa.

“Bata pa, e. Pero, siguro 22, 23, puwede na. At saka, kung kaya niya,” sabi niya.

Siya rin naman, may planong mag-Cosmo Bash, di ba?

“Oo, pero, next year,” pag-amin naman niya.

“At saka, alam niyo naman ang pagkakaiba ng babae sa lalaki. Kasi, kapag babae, siyempre, yung mga lalaki, iba ang iniisip.

“Nagpakita lang ng bra, nagpakita lang ng panty. Mas ibang mag-isip ang mga lalaki.”

INTERNATIONAL AWARD. Binibiro si Kristoffer kung may nagbago na raw ba rito, kung lumaki na ang ulo dahil sunud-sunod na itong nabibigyan ng rekognisyon sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagkapanalo niya ng Best Actor in a Supporting Role sa 10th Golden Screen Awards, nabigyan rin siya ng Honorable Mention for Best Supporting Actor sa 16th Long Island International Film Expo para rin sa pelikulang Oros.

“Hindi ako nagbabago, bakit ako magbabago?” natatawang sabi niya.

Pero, ano nga ang pakiramdam na isa na siyang award-winning actor ngayon.

“Hindi ko kasi sini-sink-in sa akin yun. Isa siyang inspirasyon sa akin. Hindi ko siya sini-sink-in kasi, ang tendency, baka maging conscious ako sa trabaho ko.

“Baka bawat atake ko sa trabaho ko, mag-iba, so, yun ang iniiwasan ko.

“Baka mamaya, maging OA, may masabi na naman ang iba. So, yun ang iniiwasan ko. Ang sa akin lang, it serves as my inspiration. Yun lang.”

Bilang award-winning actor na, meron na ba siya yung, dapat, leading man na lang ang role ko? O, tipong pang-primetime na?

“Hindi naman,” saad niya.

“Ang sa akin kasi, basta may trabaho, may trabaho. Huwag lang yung maseselang role na kailangan may mga ganito tulad ng bed scene.”

NOT COMFY WITH DARING SCENES. Nagawa na raw kasi niya noon sa Pahiram ng Sandali ang bed scene. At hindi raw siya kampante na gumawa ng mga ganoong eksena pa.

Kuwento ni Kristoffer, “Kasi, di ba, nagawa ko kay Diva Montelaba sa Pahiram, siguro, okay na muna yun. Parang hindi pa ko at-ease.”

Na-shock ba siya noong ginawa niya yun kay Diva?

“Nagulat kasi ako, second day pa lang namin, yun na agad. So, si Direk Rado naman, may tiwala naman ako.

“Pero, after the scene, parang, ’bakit ko ginawa? Ginawa ko ba talaga?’

“Parang, puwede namang dayain, ganyan-ganyan. Pero, ginawa ko talaga.

“Tapos, hindi ako prepared sa atake ng mga fans. Na, ’bakit mo ginawa?’

“Parang doon ako naapektuhan. Pero siyempre, ako rin naman ang may right kung ano ang gagawin ko sa sarili ko. Hindi naman siya bastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-artistic naman na lumabas. Ang sa akin lang siguro, hindi pa ready ang mga fans.”

CONSCIOUS ABOUT FANS’ REACTIONS. Lumalabas, ang mga fans na talaga ang nagdidikta sa mga artista?

“Hindi naman po, pero, sila yung puhunan mo kasi. Dapat, mag-a-adjust ka rin.

“Siguro, noong time lang na yun, sobrang naapektuhan ako dahil hindi ko inakalang ganun sila maapektuhan. Ang inisip ko lang non, career-wise lang.

“Yung time na ginawa ko ang scene na yun, trabaho lang. Pero, siguro ngayon, inuunti-unti lang.

“Tulad ng dati, hindi sila sanay na hindi kami nakikita ni Joyce na magkasama sa soap. Ngayon, sanay na sila. Siguro, nasa process lang din. Mahirap lang din na biglaan,” pagtatapos ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN