Sef Cadayona on girlfriend Yassi Pressman: “Ever since naman, may H.D. [hidden desire] na ’ko sa kanya.”

Sef on his relationship with Yassi: “Magaan e. At saka, nagsimula kami sa pagiging magkaibigan. Lahat ng katarantaduhan ko, kalokohan, nakita niya, na-witness niya yun. So, para sa tiwalang binigay niya sa akin na ganoon, susuklian ko.”


Maganda ang attitude ng Kapuso star na si Sef Cadayona.

Nang tanungin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa taping ng Mundo Mo’y Akin noong July 10 tungkol sa kanyang lovelife, hindi ito tumanggi o nag-deny na sila na ng isa pang Kapuso star na si Yassi Pressman.

THE MOVES. Gaano niya katagal niligawan si Yassi?

“Wala pong ganun na nangyari. Kasi, ever since naman, may H.D. [hidden desire] na ’ko sa kanya,” natatawa niyang kuwento.

“Madalas, naiiwan kaming dalawa tulad sa rehearsal. E, siyempre, kapag late, gutom na kami. ’Tara, kain tayo!’

“Pero, paraan ko lang yun. Para-paraan lang yun, may kanya-kanya tayong proseso, e. Siguro, mahigit dalawang buwan din po na ganun. Kaya siguro, parang dalawang buwan din po ang ligawan.”

Tatlong buwan na raw ang relasyon nila ni Yassi ngayon mula nang sagutin siya nito.

Kuwento pa ni Sef, “Yun din po ang time na pinakilala ko siya sa parents ko. Siyempre, kilala na rin naman nila ever since si Yassi.

“Pero, nagulat sila nang dinala ko sa bahay. Sina Mama noon at step-dad ko, alam na nila.”

YASSI’S ENDEARING TRAITS. Sinabi nga niyang dati pa siyang may H.D. sa kapwa niya Kapuso star at kasamahan niya rin sa Sunday All Stars.

Pero, ano ang mga nakita niya na noon pa lang ay may gusto na siya dito?

Pagmamalaki ni Sef, “Ganda, sexy, given na siya, e. Lahat naman ng tao, yun ang unang mapapansin. Pero kasi ako, ang unang napansin ko, responsible lalo na sa mga magulang niya. 18 pa lang si Yassi.”

Si Sef naman, 24-years old na.

Dugtong pa niya, “Siyempre po, para sa age niya, very responsible, nagsi-share siya sa bahay. Tinutulungan niya ang kapatid niya, doon na ’ko.”

Masaya raw ang tatlong buwang relasyon na nila. Bukod sa magka-team pa raw sila sa SAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Sef, “Pumupunta ’ko sa restaurant, ako lang mag-isa. Kunwari, matengga ko, wala akong trabaho ng isang araw, magre-restaurant hopping ako sa Makati.

“After no’n, kapag nakuha ko na ang top 3 ko, doon ko siya dadalhin.

Hindi siya katulad ng ibang artista na nagde-deny.

“Ah, hindi,” nakangiti niyang sabi.

Mahigit tatlong taon na raw ang huling relasyon niya. Ang girlfriend niya noon ay si Janna Dominguez.

Ayon kay Sef, “Ang nangyari kasi ro’n, medyo na-pressure ako. Parang masyadong, siguro, hindi lang ako handa sa responsibility ng boyfriend-girlfriend. Trabaho.”

Ngayon daw, nakikita ni Sef na hindi naman makakasagabal ang pagkakaroon niya ng relasyon sa trabaho niya.

“Magaan e,” saad niya.

“At saka, nagsimula kami sa pagiging magkaibigan. Lahat ng katarantaduhan ko, kalokohan, nakita niya, na-witness niya yun. So, para sa tiwalang binigay niya sa akin na ganoon, susuklian ko.”

FLAIR FOR COMEDY. Si Sef naman ay si Noynoy sa Mundo Mo’y Akin. Wala raw siyang problema sa karakter niya.

Sabi nga niya, “Love ko ang comedy, e. Nasa puso ko yun. Nasa Vampire Ang Daddy Ko ako, nasa Bubble Gang, kaya wala sa aking kaproble-problema.

“Simple lang siya. Bigayan. Lalo na ang bait ng E.P. [Executive Producer] namin, ang bait ng director namin.

“Ang bait ni Lauren [Young], si Lauren yung actually, dito sa grupo, siya ang pinaka-naging close ko.”

May naka-line up na rin daw na bagong proyekto sa kanya ang GMA-7.

At ayon kay Sef, “Yun nga ang nae-excite ako na marinig.”

Magaling siyang magbading-badingan.

Bakit magaling siyang bading?

“Well, yun nga po ang sabi ko sa kanila, after ng soap na ito, magba-bading-badingan na lang ako sa Vampire Ang Daddy Ko.

“Yun, hindi ko pakakawalan yun. Kasi, pinili kami ni Bossing para dun, e. Saka yun, e,” sabi niya.

READY TO BARE. Nararamdaman niya ba na sa susunod niyang teleserye, mas meaty na ang magiging karakter niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m hoping,” pag-amin naman niya.

Lead role na?

“Siyempre, lahat naman kami, ninanais yun. Pero, gusto ko munang mag-start sa hindi man lead, yung parang second lead ganun.

“Ngayon naman, unti-unti na nilang napapansin. Mas lalong napansin nang makuha ko yung Breakthrough Performance Award sa Golden Screen para sa movie na Gayak.

“Kailangan ko na rin naman pong tapatin na, kasi, tatlong taon na ko, isa lang ang role ko.

“Hindi lang din naman po yun ang kaya kong ibigay. Kailangan lang nilang makita. Sabi ko nga, isang opportunity lang, isang bagsak lang talaga,” saad niya.

Kaya ba niyang magpaka-daring?

“Oo!” ang mabilis niyang sagot.

Tumango rin ito nang tanungin kung kakayanin niyang mag-frontal.

At saka sinabing, “I’ve been a fan of indie films din at wala naman po akong nakikitang bastos, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN