Ryan Cayabyab on Karylle and Yael Yuzon’s "friendly competition" in PhilPop 2013: “Nakakatuwa sila.”

Kabilang sa highlights ng Philpop 2013 ay:

Isang special duet mula kina Regine Velasquez at Martin Nievera, na mismong si Mr. C ang nag-arrange, ang magiging opening ng show.

Isa pang musical highlight ang pagsasama nina Ogie Alcasid, Charice Pempengco, Ryan Cayabyab Singers, Company, 5AZ1, Baihana, Opera, at beat box artist na si Mike Solomon para sa isang highly entertaining acapella medley ng popular songs na in-arrange rin ni Mr. C.


Naaaliw si Maestro Ryan Cayabyab sa “friendly competition” na nagaganap sa pagitan ng hindi pa umaaming showbiz couple na sina Karylle at Yael Yuzon ng bandang Spongecola.

Interpreters kasi ang dalawa ng magkalabang mga kanta sa Philippine Popular Music Festival o PhilPop 2013.

Sabi nga raw ni Karylle, “I will beat you, Yael!” Hindi naman daw uurungan ni Yael ang hamon na ito.

“Nakakatuwa sila. Wala silang ginawa kundi magsundutan, but you know them. I’m happy that there are people in the industry like that because you can see these people are smart, these people are intelligent.

“They can appear like they are bickering to each other and yet, wala, I mean yung level nila, ang layo ng level,” sabi ni Ryan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. C, palayaw ni Ryan, sa presscon para sa finals night ng PhilPop 2013 noong Hulyo 11 sa Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Nakikita naman daw ni Mr. C kung gaano ka-sweet sa isa’t isa sina Karylle at Yael. Kaya hindi raw niya naisip na maaapektuhan ang relasyon ng dalawa dahil sa pagiging competitive nila.

Ano naman ang masasabi niya sa birong pahayag nina Karylle at Yael na first and second lang daw ang paglalabanan nila?

Natawa muna nang malakas si Mr. C bago nakasagot, “Ang galing! I love it! Gusto ko yung ganun kasi may spunk at saka intelehente yun.”

PHILPOP 2013 FINALS NIGHT. Excited na nga si Mr. C dahil sa July 20 na sa Meralco Theater magaganap ang finals night ng PhilPop 2013, kung saan siya ang punong-abala bilang Executive Director ng PhilPop MusicFest Foundation Inc., ang nagtataguyod ng naturang songwriting contest.

Same date naman ay mapapanood ng 9pm ang finals night sa TV5.

Sabi ni Mr. C, “Ako excited kasi sa tingin ko first time na merong contest na walang nagsasabi sa akin na eto ang winner o ito ang dapat manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong naririnig na parating iisa lang ang boto. Iba-iba ang favorite ng mga nakakausap ko. Excited na ako kung sino ang mananalo.”

Isa pang ikina-excite ni Mr. C ay ang pagpayag ng mga kaibigan niya sa industriya para mag-perform sa finals night.

Isang special duet mula kina Regine Velasquez at Martin Nievera, na mismong si Mr. C ang nag-arrange, ang magiging opening ng show.

Isa pang musical highlight ang pagsasama nina Ogie Alcasid, Charice Pempengco, Ryan Cayabyab Singers, Company, 5AZ1, Baihana, Opera, at beat box artist na si Mike Solomon para sa isang highly entertaining acapella medley ng popular songs na in-arrange rin ni Mr. C.

Si Ogie rin ang magsisilbing host kasama ang Kapatid Princess na si Jasmine Curtis-Smith.

Isa si Ogie sa board of directors ng PhilPop MusicFest Foundation Inc., na pinamumunuan ng business tycoon at TV5 big boss na si Manuel V. Pangilinan bilang chairman.

THE TOP 12. Ayon kay Mr. C, sadya raw magaganda ang mga kanta at mahuhusay ang pinagsamang mga baguhan at beteranong composers na pumasok sa Top 12. Tapos ay sinamahan pa ng sikat at magagaling na artists bilang interpreters.

Ang 12 finalists na maglalaban para sa premyong isang milyong piso ay sina Joey Ayala (para sa kantang “Papel” na i-interpret din ni Joey kasama sina Gloc-9 at Denise Barbacena), Jungee Marcelo (“Pansamantagal” with Sitti Navarro and Julianne Tarroja as interpreters), Marlon Barnuevo (“Araw, Ulap, Langit” with Christian Bautista), Myrus Apacible (“Sana Pinatay Mo Na Lang Ako” with Kimpoy Feliciano), Johnoy Danao (“Kung Di Man” with Ney Dimaculangan), Raffy Calicdan (“Space” with Banda ni Kleggy and Kean Cipriano of Callalily), Ganny Brown (“Askal” with Jose and Wally), Adrienne Sarmiento-Buenaventura (“Sometimes That Happens” with Ace Libre of Never the Strangers), Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana (“Dati” with Sam Concepcion, Tippy Dos Santos and Quest), Kennard Faraon (“Time Machine” with Six Part Invention), Lara Maigue (“Sa ’Yo Na Lang Ako” with Karylle), at Paul Armesin (“Segundo” with Yael Yuzon).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking tulong daw para mas makilala at mai-promote ang mga kantang kabilang ngayon sa Top 12 dahil sa mga interpreter ng mga ito.

“Definitely. Siguro ngayon na-realize din yun ng mga composer. Kasi noong una gusto nila na kung pwedeng sila ang kumanta, some of them. Ako naiintindihan ko iyon.

“Pero ngayon nakikita natin na iba ang dating pagka yung interpreter kilala, may following sa genre na iyon. For example, kung si Yael ang kinuha dahil iyon sa style niya, so parang mas bumongga yung kanta.

“Let’s say yung Askal, parang match na match yun kina Wally and Jose. Kumbaga ang hirap makahanap ng interpreter for that particular song.

“So, now you’re right na the interpreters, sila ngayon yung nagdadala sa kanta ngayong nai-record na yung mga kanta,” paliwanag ng batikang composer at musical arranger.

NO PROBLEM IN GETTING INTERPRETERS. Kapansin-pansin naman na ilan sa interpreters ay may kontrata sa ABS-CBN at GMA bilang mga talent. Gaya na lang ni Karylle sa ABS-CBN at ni Christian sa GMA. Hindi ba nahirapan ang PhilPop na kunin ang mga ito lalo na’t sa TV5 ipalalabas ang finals night nito?

“Hindi naman. Kasi ang appeal ko sa kanila is huwag n’yong isipin na event ito ng TV5. The PhilPop Foundation talagang ang gusto namin ay mai-promote ang Philippine music.

“Ang appeal ko sa kanila is huwag masyadong i-limit. But I also understand na business din yun, naiintindihan ko,” pag-amin ni Mr. C.

Humingi naman daw sila ng permiso sa ABS-CBN at GMA para makuha ang artists na ito.

“Sumulat kami sa kanila. Humingi kami ng permiso e, so sumusulat kami sa kanila. Hindi naman pwedeng pasulot-sulot lang. Everything is done sa tamang proseso.

“At saka sa sulat nakalagay doon na foundation kami at hindi n’yo kami kalaban. Alam din naman nila na lalabas ito sa TV5 kaya nga kami humingi ng permiso,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIGGER PHILPOP 2014. Masaya ring ibinalita ni Mr. C na mas maganda ang naging exposure at promotion ng mga kantang kabilang sa Top 12 ngayong taon kumpara noong isang taon.

Noong i-launch kasi nila ang PhilPop 2013 album under Universal Records ay naging goal nila na mailabas sa radyo at music channels ang mga naturang kanta at matagumpay naman nila itong nagawa.

“Nagawa namin this year. Yun ang learnings namin, last year hindi namin masyadong nagawa iyon. So, this year natapos lahat ng MTV. Nagpatulong kami sa Universal Records para maipakot-ikot sa radyo.

“Kasi kung hindi, wala e. Walang mangyayari sa kumpetisyon kung hindi naririnig ng mga tao, hindi nai-promote, at hindi nalaman. Yun ang most important difference,” diin din niya.

Maaasahan pa ba ang pagpapatuloy ng PhilPop sa 2014?

“Yes. But you know what, next year merong bago ulit mangyayari kasi we’re now in partnership with… wala pang detalye pero now we’re in talks with Smart Music.

“Something new will again happen. Ito yung gusto namin na mas maraming Filipino compositions, mas maraming bagong kantang lalabas at sisikat.

“Kasi hindi ba, lumabas naman ito, alam mo yun na may nagsulat na OPM is dead. Tapos lahat nagku-complain na puro covers, nagku-complain na puro revivals.

“Wala bang bago? So, ang PhilPop is only one, maraming grupo kasi ngayon na pinu-push ang Original Pilipino Music,” pagtatapos na pahayag ni Mr. C.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN