Charice launches new album, Chapter 10

Charice on the concept behind her new album: “Chapter 10 kasi parang yung idea nung album na ’to, gusto ko sana siya parang maging libro ng buhay ko. Kumbaga yung mga songs na maririnig nila sa album, yun yung mga songs na talagang close sa akin, close sa puso ko.”


Kahit daw noon ay hindi raw makuhang magalit ni Charice sa kanyang mga haters at nagpapasalamat pa nga raw siya sa mga ito dahil mula raw noong inamin niya ang kanyang sekswalidad ay sila na mismo ang humingi ng tawad sa kanya.

Kuwento niya sa Showbiz Inside Report (SIR) na nailathala sa abs-cbnnews.com kahapon, July 13, “Thankful ako, siyempre sa fans ko, pero thankful din ako sa mga haters ko na nag-apologize sila sa akin.”

Dagdag pa niya, “Sinasabi nila [haters] na nire-regret daw nila yung mga sinabi nila sa akin. Ngayon, ang lagi nilang sinasabi sa akin, ’Now I understand.’”

Bago pa man lumantad si Charice, sari-saring pambabatikos ang kumakalat sa social media lalo na ang kanyang pabagu-bagong gupit at kulay ng buhok at ang pagpapa-tattoo sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

NEW ALBUM. Ang lahat daw ng ito ay muling sasariwain ni Charice sa pamamagitan ng mga kanta na mapapaloob sa kanyang bagong album na pinamagatan niyang Chapter 10.

Ano nga ba ang significance ng number ‘10’ sa kanyang buhay?

Saad niya, “It’s my birthday, birthday ni mommy, our anniversary [with girlfriend Alyssa Quijano]. Maraming pangyayari sa 10 na ’yan.”

May 10 ang kaarawan ni Charice.

Dagdag pa niya, “Chapter 10 kasi parang yung idea nung album na ’to, gusto ko sana siya parang maging libro ng buhay ko.

“Kumbaga yung mga songs na maririnig nila sa album, yun yung mga songs na talagang close sa akin, close sa puso ko.”

HOPEFUL FOR RECONCILIATION WITH MOM. Ipinagdadasal daw palagi ni Charice na in due time ay magkakaayos na sila ng inang si Raquel Pempengco.

Aniya, “Hindi pa kami nagkakausap. Pero siyempre still the same, pero hoping na, alam mo yun, pag nakita niya ’to, yung mga trabahong ginagawa ko, e sana ma-proud siya.”

“I’m just praying always na maging maayos lahat, and I know for sure na magiging maayos ang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN