Lorna Tolentino first time in Paris with sons Ralph and Renz; excited about roles in Genesis and Burgos

Lorna Tolentino (left) with sons Ralph (middle) and Renz outside The Louvre, the world’s most visted museum.


Sa Paris, France nag-bonding ang mag-iinang Lorna Tolentino, Ralph at Renz Fernandez, kasama ang manager ng aktres na si Lolit Solis.

Umalis ang grupo, kasama ang writer na ito at isa pang contributor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na Gorgy Rula, noong July 3, at bumalik noong July 12.

Nabanggit sa PEP ni Manay Lolit na medyo malungkot si Lorna dahil hindi nito na-experience noon ang mag-Paris kasama ang namayapang mister na si Rudy Fernandez.

First time ni LT (kilalang tawag kay Lorna) na pumunta sa City of Lights.

Noong nagkaroon ng exhibition screening sa Cannes Film Festival ang pelikula ni Daboy na Victor Corpuz, dapat sana ay sasama ang aktres, na hindi nakaalis ng bansa dahil may trabaho siya nung panahon na ‘yon.

At kahit hilig din daw ni Rudy ang pagbibiyahe, never silang nakapag-Europe together.

Sa Amerika at Hong Kong lang sila madalas magpunta noon.

Pakli ni LT, “Dumaan naman ako sa kanya [sa Heritage Park], bago umalis, e. Sabi ko sa kanya, ‘Be with us,’ kaya kasama rin siya in spirit."

Medyo napatawa rin ang biyuda ni Daboy dahil pawang may "Rue de" ganyan o "Rue de" ganito ang simula ng mga kalye sa Paris.

(Ang "rue" ay French word ng "street.")

Hanggang doon daw ay may "Rudy" factor pa rin.

Umaga ng July 4 kami dumating sa kabisera ng France, kaya nakapag-ikut-ikot agad kami on our first day.

Naging backdrop namin sa picture-taking ang Champs-Elysées, Arc de Triomphe, Eiffel Tower, at Notre Dame Cathedral na madali naming narating sa pamamagitan ng Hop On-Hop Off tour bus.



UPCOMING PROJECT. Nagpaalam daw si LT sa GMA-7 para sa nasabing bakasyon. Nagsimula na kasi siyang mag-taping para sa upcoming primetime series ni Dingdong Dantes na Genesis.

Excited si Lorna sa role niya rito dahil first time niyang gaganap bilang Presidente ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang simpleng Pangulo na mabait at tuwid ang landas ni Sandra Sebastian-Trinidad.

Si Dingdong ay gaganap bilang trusted man sa PSG (Presidential Securiy Group) ng ama ng karakter ni LT na dating vice-president ng bansa pero namatay dahil sa isang meteor strike.

May pagka-sci-fi ang tema ng Genesis dahil merong mga meteorites na babagsak sa ating planeta.

May mga mahahalagang Pilipino na kailangang isalba sa trahedya, at kasama rito si Sandra.

Sina Mark Reyes at Bb. Joyce Bernal ang direktor ng Genesis. Pumirma kamakailan ng two-year exclusive contract si LT sa Kapuso network.

Samantala, bago kami umalis ng Paris ay natanggap ni LT ang magandang balita na umani ng papuri ang kanyang performance sa first indie film niyang Burgos na nagkaroon ng press preview kamakailan.

Nakausap niya sa telepono si Ricky Lo, na labis-labis ang papuri nito sa makatotohanan at makabagbag-damdaming pagganap niya bilang Edith Burgos sa pelikula.

Personal na kakilala ng kolumnista si Ginang Burgos kaya sobra itong bumilib na plakado ni LT ang nasabing karakter.

Lalong na-inspire ang aktres sa mga nakuha niyang positive feedback kaya wala siyang pagsisisi na tinanggap ang proyekto.

Excited nang dumalo si LT sa premiere screening ng Burgos, na magiging closing film ng 2013 Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa August 3, 9 p.m.

Sa Agosto 28 ang tentative na simula ng commercial run ng Burgos sa mga sinehan.

VIEW photos of Lorna Tolentino’s trip to France

READ travel tales of Lona Tolentino and her group


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN