Jillian Ward says Aljur Abrenica is no longer her crush

Boses ni Jillian Ward si Maya na sidekick ni Senator Bong Revilla sa Kap’s Amazing Stories. Kuwento niya, “Normal ko pong boses iyon. Minsan po kasi, ma-energetic pong masyado ang boses ko, ganoon. Kaya siguro po medyo naiiba kapag niririnig ninyo.”


Malapit na ang pagtatapos ng GMA-7 early primetime series na Home Sweet Home, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian Ward kung sino ang mami-miss niya sa taping ng kanilang programa.

“Marami po, lahat po sila,” sagot ng Kapuso child star.

Ang mga kasama ni Jillian sa Home Sweet Home ay sina Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, Jake Vargas, Gladys Reyes, Bea Binene, Teejay Marquez, Rain Quite, at Celia Rodriguez.

Mami-miss din daw ni Jillian ang direktor nilang si Gil Tejada Jr.

Kumusta naman ang “mommy” niya sa show na si Roxanne Guinoo?

Kuwento ni Jillian, “Mabait po siya, tsaka iyon po, para ko na rin po siyang mommy minsan, kasi po dito po sa character role.

“Mommy ko po siya sa tototong buhay, parang mommy ko po talaga siya.”

May pangakong regalo sa kanya si Roxanne, ano iyon?

“Ano po yata, mirror tsaka curl lash po yata.”

Ayon kay Roxanne, mahilig manghiram sa kanya ng mirror at curl lash si Jillian kahit may sariling gamit ito.

“Nagka-curl lash po ako minsan,” pag-amin ni Jillian.

“Wala lang po, gusto ko lang po minsan na gamitin yung sa kanya na mirror at curl lash.”

Mahilig sa Hello Kitty products si Jillian, kaya sana raw ay ganoong brand ang iregalo sa kanya ng Tita Roxanne niya.

“Kaya lang po, wala po yatang ganoon, di ba?"


Pagpapatuloy pa ni Jillian tungkol sa iba pa niyang kasamahan, “Kay Tito Raymart po, yung pagiging medyo pag-e-entertain niya po, ganoon.

“Kasi po, si Tito Raymart, mabait po kasi siya, mahilig magpatawa.”



PROJECTS. Kahit malapit nang magwakas ang Home Sweet Home, patuloy na mapapanood si Jillian sa One Day Isang Araw ng GMA-7 pa rin.

Si Jillian din ang voice talent ng ibong cartoon na si Marikit sa Kap’s Amazing Stories, ang show ni Senator Bong Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo naiiba ang boses ni Jillian sa naturang show, pero ang natural na boses niya ang ginagamit sa dubbing.

Sabi niya, “Normal ko pong boses iyon.

“Minsan po kasi, ma-energetic pong masyado ang boses ko, ganoon.

“Kaya siguro po medyo naiiba kapag niririnig ninyo.”



SCHOOLING. Kahit abala sa kanyang showbiz career, sa isang regular school pa rin nag-aaral si Jillian.

“Pag wala po akong shooting o taping, nag-i-school po ako doon sa school namin, nag-e-exam po ako,” sabi niya.

Isinasabay rin ng child star ang home schooling niya.

“Home rin study po ako, pero pag wala pong shooting, nag-e-exam po ako sa school.”

Grade 2 na si Jillian ngayon.

Kung dati ay crush ni Jillian si Aljur Abrenica, ngayon daw ay wala siyang crush.

“Wala na po akong crush.”

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ng One Day Isang Araw co-star niyang si Joshua Uy na crush siya nito?

“Hindi ko po iyon iniintindi,” ang mabilis na sagot ni Jillian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN