Janella Salvador puts singing career on hold to focus on acting

Janella Salvador on her "suplada image" in Be Careful With My Heart: “Noong una, inaaway ako ng fans, parang gusto akong ibato sa pader, parang ganoon. Pero ngayon, natutuwa na sila.”


Life-changing experience para kay Janella Salvador ang one-year stint niya sa toprating ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella last Saturday night, July 13, sa dressing room ng Zirkoh Bar bago mag-umpisa ang show ni Richard Yap, ang Heart And Songs With Sir Chief.

Masayang-masaya si Janella sa naging tagumpay ng show nila.

“Yeah, super happy!” bulalas niya.

“Actually, a year ago, hindi ko talaga in-expect na magtse-change yung buhay ko nang ganito.

“Talagang different, it’s different!

“And pag nasa labas ako, ‘Nikki! Oh, my gee!’ mga ganoon, so, sobrang happy!”

Nikki ang pangalan ng karakter ni Janella sa show.

Dahil sa kaabalahan niya sa show, hindi na nakuhang mag-aral sa isang regular school ni Janella.

“Yes, actually, yung sked ko, medyo punung-puno na siya.

“Nagho-home school ako, I study on the side. I’m in high school now—second year.”



ARJO ATAYDE AND JEROME PONCE. Nasa Zirkoh Bar din nang gabi iyon si Arjo Atayde, ang actor-son ni Sylvia Sanchez.

Si Arjo ay na nasa major cast ngayon ng afternoon action-drama series na Dugong Buhay, at pareho sila ni Janella na talent ng Star Magic.

“Ah, yes naman,” banggit ni Janella tungkol kay Arjo.

Pero hindi pa sila nagkaroon ng pagkakataon na magkasama sa isang TV series.

Sabat ni Arjo, “Forever Be Careful [With My Heart] kasi siya...”

Gusto ni Arjo at ng kanyang ina na mag-guest ang young actor sa Be Careful With My Heart sa ongoing TV episodes o sa gagawing movie version nito.

Okay lang naman daw kay Janella ang nasabing prospect.

“Oo, puwede,” ngiti pa niya.

Nag-“thank you” naman si Arjo sa pagsang-ayon ng dalagitang aktres.

Tinanong naman ng PEP si Janella tungkol kay Jerome Ponce, ang gumaganap na older brother niya sa serye—si Kuya Luke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang naman, mabait naman siya, makulit lang talaga,” sagot ni Janella.

Puwede rin ba silang maging partner, kung sakali? Pareho naman silang young and attractive, at lovable sa mga fans.

“Ang daming nagsasabi, pero bawal, hindi puwede,” sabi ni Janella, referring to their current roles as siblings.

Ano sa pagkakaalam ni Janella sa status ni Jerome, may girlfriend na ba ang young actor?

“Wala,” kumpirma ni Janella.

May boyfriend ba naman si Janella at present?

“Wala,” nakangiting sagot niya.



REAL MOM AND DAD. Kilalang-kilala ngayon si Janella sa pangalan ng character niya sa serye na Nikki, ang daughter ni “Ser Chief” na si Richard Yap.

Younger sister naman si Janella ni Luke na si Jerome at Ate ni Abby na si Mutya Orquia.

Kumusta katrabaho si Richard at ang ibang cast ng Be Careful With My Heart?

“Super-saya! Kasi, lagi kaming tumatawa sa set,” sabi ni Janella.

“He’s very warm, tapos palabiro din siya,” banggit naman niya tungkol kay Richard.

Nasabi rin ni Janella na hiwalay ang parents niya in real life—singer-actress Jenine Desiderio and former singer Juan Miguel Salvador.

Kuwento ni Janella, “My dad, dati siyang singer din. Ngayon, hindi na sila magkasama for eleven years na.”

Ano ang common kina "Ser Chief" at sa real dad niya?

Pagtatapat ni Janella, “Actually, hindi ko alam, hindi ko talaga alam, kasi hindi ko close yung dad ko.

“In real life, I’m an only daughter.... may kapatid ako, a two-year-old boy.” banggit pa ng teener.

“She’s okay, super mom naman siya,” pagmamalaki niya sa ina.

Bilang Salvador, distant relative ng angkan nila ang pinanggalingang angkan ni Maja Salvador.

Paglilinaw naman niya, “Iba yung branch ng family nila, iba yung branch namin.

“Pero related din, na-meet ko na si Maja.”



DOING THEATER. Dating nag-Kim sa musical na Miss Saigon si Jenine. Nag-audition din ba si Janella para sa role nang magkaroon ng audition sa Manila early this year?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako masyado sa theater, more on TV and movies ako,” sabi niya.

But Janella took after her mom’s interest in singing.

“Been singing since I was eight years old,” sabi pa niya.



MINOR PROBLEMS. Sa loob ng isang taon ng Be Careful With My Heart, ano ang naging mga problema ni Janella at ng mga kasama niya sa cast?

Sagot niya, “Wala naman, mga minor lang.

“Siguro yung ano lang… siyempre yung time ng taping, yung mga cut-off.”

As in, hindi nasusunod kung minsan?

“Oo... lagi!” at tumawa si Janella.

Two in the morning daw ang cut-off niya, pero hindi nasusunod iyon kaya puyat siyang madalas.

Nararamdaman ba ni Janella na nahahadlangan din ang kanyang professional growth dahil na-stuck siya sa iisang role o character?

“Wala namang ganoon, basta super-saya lang,” paniniyak niya.

She also speaks fondly of her director, Jeffrey Jeturian.

“He’s so kind, hindi siya masungit—ang bait nga niya, e.”



SUPLADA IMAGE. Dahil sa Be Careful With My Heart, agad namang nagkaroon ng “suplada” image si Janella as Nikki.

“Oo nga,” pagsang-ayon niya.

Disadvantage daw yun, to some extent.

Kuwento niya, “Noong una, inaaway ako ng fans, parang gusto akong ibato sa pader, parang ganoon.

“Pero ngayon, natutuwa na sila.”

In real life, may moods man ay hindi rin daw siya masungit, o totoong kontrabida, just like her role as Nikki.

“Noong una, masungit siya with expressions like, ‘G-r-r!... O-M-G!’”

Dagdag pa niya, hindi nga nito in-accept agad as Facebook friend si Maya, Jodi Sta. Maria’s lead character.

“Yes!” natawang sambit ni Janella.

And nitong humantong na sa “In A Relationship” status, supposedly, sina Maya at Sir Chief...

“Nahirapan si Ate Maya noong una!” natatawang pagre-recall ni Janella sa naging twist dahil sa ugali ng character niya.



ACTING FIRST. Ano pa ang gustong gawin ni Janella sa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wanna do different roles, wanna try ibang genre,” sabi niya.

Pero may choice ba siya at this point?

“Kasi, extended nang extended [ang show], pero okay lang ’yon, bongga naman!” sabi niya.

Hanggang September tatagal ang ongoing series sa telebisyon.

Pagkatapos, magsu-shooting naman ang buong cast ng movie version ng teleserye para sa Metro Manila Film Festival sa December 2013.

“Yes!” masayang pagkumpirma rin ni Janella.

For now, her other priorities may take the backseat in favor of her immediate preoccupation.

“Actually, I’ve been singing since I was a kid talaga.

“Pero hindi ko ini-expect na magkakaroon ako ng acting career, so yun na muna,” pagtatapos ni Janella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN