Julia Montes gets to experience three modes of public transport in just one day

Upang makarating sa kanyang event sa tamang oras ngayong araw, naranasan ng Kapamilya young actress na si Julia Montes na sumakay ng LRT, jeep, at trolley.


Hindi na bago ang pagsakay ng celebrities sa mga pampublikong sasakyan, katulad ng MRT, para hindi mahuli sa kanilang mga natanguang event.

Matatandaang si Anne Curtis at kapatid niyang si Jasmine Curtis Smith ay sumakay na noon sa MRT para makaabot sa kanilang pupuntahan.

Ngayong araw, July 15, kakaibang experience naman ang pinagdaanan ng Kapamilya young actress na si Julia Montes para lang makarating sa isang event.

Dahil daw sa traffic, mas pinili ni Julia na sumakay sa MRT, sa jeep, at sa trolley sa riles ng tren.

Sa kanyang account sa photo-sharing website na Instagram, nag-post si Julia ng dalawang videos—o mas kilala sa tawag na "instavideo"— pagkababa niya ng LRT at pagsakay niya sa jeep.

Aniya, “Hi guys, dahil traffic, andito kami (nasa ilalim kami ng LRT) naghihintay ng pwedeng masakyan, dahil sobrang trapik nag-LRT na kami, so ayun, hi."

May halos tatlong libong likes na ito at puro papuri naman sa young actress ang comments dito.

Kasunod na video ay yung aktong pumara ng taxi si Julia kasama ang isang assistant, pero naunahan sila ng iba pang commuter kaya nag-decide silang mag-jeep na lang.

Caption ni Julia sa naturang video: “Nakakainis ung mga ndi marunong mag respeto sa matanda at nauna sa pagpara ng taxi…Tsk!!!! Bad! Dahil diyan nag jeep na kami.”

Sabi pa niya, “Dahil inunahan ang lola mo sa taxi andito kami ngayon sa jeep (nasa jeep na kami so balak naming sumakay sa trolley) ang saya-saya.”

Nasa 3586 na ang likes sa video na ito.

Sa kanya namang Twitter account, masayang ibinalita ni Julia na, “Success !! Here na sa event ... Im not late !!! Wohoooo!!! LRT /JEEP/TROLLEY is the best time saver !!!

Naka-link ang apat na videos sa telly.com, isang video sharing application sa Twitter, na nagpakita ng kanilang biyahe sakay sa trolley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa unang video ay sinabi ni Julia na: "Andito kami ngayon sa trolley ang saya-saya.”

At sa pangalawang video ay sinabi ni Julia na nag-trolley sila dahil sa traffic.

Sa pangatlo at pang-apat na video ay ipinakita naman ni Julia ang biyahe nila kung saan may nakasalubong silang tren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN