Sarah Lahbati files criminal case against Atty. Annette Gozon-Abrogar

“Marami pong nangyaring sabay-sabay, parang magulo. I was really stressed out. I just needed a breather,” explains Sarah Lahbati why it took a while for her to file a case against Atty. Annette Gozon-Abrogar.


Nagsampa ng kasong grave coercion si Sarah Lahbati laban kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar sa Quezon City Regional Trial Court kaninang umaga, July 15.

Bukod kay Annette, sinampahan din ng kaso ni Sarah ang ICONS talent management executives na sina Albert “Bebong” Muñoz, Shiela Buendia, at Andrew Dee; dating head of Talent Development and Management Department ng GMA-7 na si Arsenio “Arsi” Baltazar III; at ang dating handler ni Sarah na si Michael Uycoco.

Ang kaso ay inihain ni Sarah kay Assistant City Prosecutor Ramoncito Ocampo ng Office of the City Prosecutor.

Kasama ni Sarah sa paghain ng demanda ang kanyang legal counsel na si Atty. Marie Glen Abraham at ang kanyang ina na si Estrella Lahbati, na humarap bilang witness ng young actress.

Ang kaso ay kaugnay ng naunang pahayag ni Sarah tungkol sa diumano’y paghihikayat sa kanya ni Annette na pumirma ng co-management contract sa ICONS celebrity marketing.

Ang diumano’y “under-the-table” deals sa pagitan ng GMA Artist Center at ICONs ay isiniwalat ni Sarah sa kanyang personal Twitter account noong January 2.

(Read: Sarah Lahbati reveals falling out with GMA Artist Center on Twitter; signs co-management contract with Annabelle Rama)

Matatandaan na dahil sa kanyang mga naging pahayag ay sinampahan si Sarah ng kasong libelo ni Annette noong January 10.

(Read: Annette Gozon-Abrogar sues Sarah Lahbati for libel)

Hindi naman nakaapekto ang kasong libelo sa pag-alis ni Sarah noong January 13 patungong Switzerland.

May 20 nang ilabas ang warrant of arrest laban sa 19-year-old actress.

July 11, o halos anim buwan ang nakalipas, bumalik sa bansa si Sarah para harapin ang kasong isinampa sa kanya.

July 12, nag-post ng bail si Sarah para sa kasong libelo laban sa kanya.

Ayon sa GMA Artist Center, labag sa kontrata ni Sarah sa kanila ang biglaang pag-alis nito sa bansa.

Ang kontrata ni Sarah sa GMA Network ay epektibo pa hanggang January 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



“TIME TO CLEAR MY NAME.” Ayon kay Atty. Abraham, bago pa man magtungo ng Switzerland si Sarah ay kumukonsulta na ang young actress sa ilang abugado tungkol sa tamang hakbang na dapat niyang gawin tungkol sa isyu.

“Kaya lang, when she left, there’s already a warrant of arrest against here, so hindi na niya nagawa ang mga dapat niyang gawin before.

“That’s why when she returned, ngayon lang nagawa yung pagsasampa ng kaso,” sabi ni Atty. Abraham sa maikling panayam sa kanila ni Sarah ng PEP.ph (Philippine Entertainemnt Portal) at iba pang miyembro ng media kanina.

Sinegundahan naman ito mismo ni Sarah, na nagsabing, “Marami pong nangyaring sabay-sabay, parang magulo.

“I was really stressed out. I just needed a breather.”

Nabanggit din ni Sarah na mismong ang mga magulang niya ay hindi nagustuhan ang mga pangyayari.

Kuwento niya, “During that time, may news, my parents, hindi sila agree na ganun na lang yung pagtrato sa akin.

“Sa lahat ng ginawa kong hardwork, parang ganun yung nakuha ko.

“So, parang unfair nga po. Ngayon ko lang nagawa yung dapat gawin.”

Sabi pa ni Sarah, sa tingin niya ay ngayon ang tamang panahon “to fix things.”

Aniya, “‘Yon nga po, nagsalita ako before, ang nangyari, sinampahan ako ng kaso.

“Dahil lang hindi ako pumirma sa ICONS, ang daming nangyaring di kanais-nais.

“I think it’s unfair. This is the right thing to do—to defend myself and clear my name.”

Dagdag pa ng girlfriend ni Richard Gutierrez, “I was living a peaceful life in Geneva.

“Para sa akin at sa mga magulang ko, parang it’s time na defend my side and to clear my name after all ng mga nangyari.

“Lahat ng mga lumabas na news sa Internet at sa TV, parang sabi ko, I have to clear my name and defend myself.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO COMMENT ON PREGNANCY ISSUE. Samantala, naging mailap naman si Sarah tungkol sa bali-balitang buntis daw siya kaya siya biglang nagpunta sa Switzerland.

“I’d rather not answer or comment on questions na hindi kaugnay ng case. May tamang panahon para diyan,” nakangiting sagot ni Sarah nang unang usisain siya tungkol dito.

Nang muling subukang linawin ng media ang isyu, nag-iba na ang tono ng boses ng StarStruck alumna.

Sabi niya, “As I said, I’d rather not comment on things that are not related sa case.

“Let’s not get distracted sa issues na walang kinalaman sa case.

“Hindi ko alam kung bakit nililihis, bakit dini-distract ang mga tao. Laging ‘yon nang ‘yon ang question.

“Bahala po kayong mag-isip kung ano ang gusto n’yo.

“Basta ako, I’m here to fix what I have to fix and finish things.”

Samantala, pinag-iisipan pa raw ni Sarah kung magbabalik siya sa showbiz.

Gusto raw niyang pagtuunan muna ng pansin ang paglilinaw ng isyu sa pagitan niya at ng talent management groups na GMA Artist Center at ICONS.

“Now, I’m focusing on this case, on fixing things. Step two na ‘to,” pag-uulit ni Sarah.


Ngayon hapon, nakatakda namang magsampa ng kasong perjury si Sarah laban pa rin kay Atty. Annette Gozon-Abrogar sa Makati City Regional Trial Court.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN