BB Gandanghari overwhelmed by brother Robin Padilla’s "total acceptance"; denies AIDS rumors

Walang katumbas na kaligayahan ang nararamdaman ngayon ni BB Gandanghari dahil sa pagkakaayos nila ng kanyang kapatid na si Robin Padilla. Matapos ang kanyang pagkaka-ospital ay nagkaroon ng dinner si BB sa bagong bahay nina Robin at Mariel Rodriguez kahapon, July 14, kasama ang ina nila na si Eva Cariño-Padilla at isang kapatid nilang babae.


Sobrang kasiyahan ang nararamdaman ngayon ni BB Gandanghari dahil nagkabati na sila ng nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

Nabunutan na raw siya ng isang malaking tinik sa kanyang dibdib at ngayon ay magaan na niyang dinadala ang kanyang buhay, hindi raw tulad noon na parang mayroong nakadagan sa kanyang balikat.

Hindi man daw maganda ang paraan ng pagkakabati nila, dahil kinailangan pa niyang magkasakit, pero nagpapasalamat pa rin si BB sa Diyos dahil dininig Nito ang kanyang panalangin.



SECOND LIFE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB sa dressing room ng ABS CBN kahapon, July 14, bago pa man siya sumalang sa live interview ni Boy Abunda sa The Buzz.

Kinumusta muna namin ang kanyang so-called “second life.”

Bago pa man siya sumagot ay biniro namin siya na pang-“third life” na pala niya ito.

Una, yung buhay niya na siya ay si Rustom Padilla.

Pangalawa, nang maging si BB Gandanghari siya.

Pangatlo, heto nga at nabuhay siya mula sa halos ikamatay na niyang severe dehydration at Urinary Tract Infection (UTI).

Pabiro ring sagot ni BB, “Ay, oo nga, third life!

“Hindi, para sa akin, parang ngayon pa lang nag-uumpisa ang buhay ko.

“Parang ito na yung buhay…alam mo, before ako naosipital, dinaan ako ng sobrang depression dahil sa family… kay Robin. Hindi kami nagkikita-kita.

“Siyempre, single ang lola [BB], di ba?

“Sila kasi yung family ko, e. Buti kung may asawa ka, may anak ka, puwede mong deadmahin, e.

“Di ba, dati parang, ‘Naku, kung hindi nila tanggap, di okay. Kaya kong mag-isa.’

“Pero, ‘Day, nalulungkot na ang lola!

“So, three weeks before ako magkasakit ay nangungulit na ako sa Mama [Mrs. Eva Cariño-Padilla] na, ‘O, kumusta si Robin?’

“Sagot niya, ‘Okay naman.’

“’Baka puwede kaming mag-usap?’

“Ang laging sagot, ‘Tsaka na. Tsaka daw.’

“Pero si Mama din, kapag nagsasabi na, ‘Ay, laging busy…’ Alam ko na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw niyang sabihin nang diretso na... kasi ayaw niya akong masaktan.”



BIG LESSON. Sa mga oras nga raw na parang nagde-deliryo na si BB, ang panalangin daw ang naging sandata niya para ipaglaban ang kanyang buhay.

At malaking leksiyon din daw ang kanyang natutunan.

Kuwento ni BB, “Pray lang ako nang pray.

“At saka, wala akong binabanggit kundi... ‘Mama’ ako nang ‘Mama.’

“Para akong batang may sakit na, ‘Mama, Mama, Mama...’

“Na-realize ko talaga na malaking bagay ang faith sa Diyos at yung social relationship mo sa pamilya.

“Nang dumating na sila lahat sa hospital at si Robin, alam mo yun, parang literal na merong malaking tinik na nabunot.

“Tapos yun, I guess hindi mo pala talaga puwedeng sabihin na, ‘Kaya mo na walang pamilya.’

“Honestly, before that, ang feeling ko nun ay kaya ko na walang pamilya.

“Yung trust sa pamilya, nawala.

“Yung dramang, ‘One day I can really be alone. Wala talaga akong aasahan.’

“Yun yung feeling ko nun… before ng hospitalization.”



RECONCILIATION WITH BB. Sa ngayon, ang higit na ikinatutuwa ni BB ay ang bukas na muli ang komunikasyon nila ng kanyang kapatid na si Robin.

Nakangiting saad ni BB,” Ang nakakatuwa nga nun… Di ba, nagsimula na siya [si Robin] magti-tweet, mag-text, at mag-Instagram?

“Yung sinabi niyang ‘sister-sister, kasi ano pa nga ba ang magagawa ko?’

“Tapos ang pinaka-touching nun ay yung nao-overheard ko siya na sinasabi niya kay Ali [anak ni Robin], ‘You call her Auntie BB.’

“Gusto ko na talagang mag-crayola [umiyak] kasi para ituro dun sa anak, di ba?

“Yun yung total acceptance, di ba?

“Heto na talaga, heto na talaga ang ipinagdadasal-dasal ko na acceptance.

“Dumating siya sa panahong hindi ko pinaplano. Hindi ko alam at unexpected.”

Dagdag pa niya, “Dati kasi, kapag nagti-text ‘yan, si Robin, kay Mama, ‘Pakisabi kay Kuya Rustom…’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, ‘Ano ba, ba’t Kuya Rustom naman? Dati ay hindi naman ako nito kinu-Kuya.’

“Pangalawa, e… alam mo na, push na push, e.

“Kaya nang dumating siya sa hospital, nakita kong nagdalawang-isip…

“Alam mo na, very sensitive na hindi niya magawa sa harapan ko.

“At the end of the day, siya na rin ang nagsasabi sa anak niya na, ‘Call her Auntie BB, ha.’”



ACCEPTANCE. Ngayon maayos na ang lahat sa kanyang pamilya at tanggap na kung ano siya, ano pa ang plano ni BB sa kanyang pamilya?

Natutuwang sabi niya, “Dati kasi noon, kapag may okasyon sa pamilya namin, lagi-lagi ‘yan, lahat kami ay magkakasama… nagkikita-kita.

“Yun yung nawala.

“So, ngayong nagkaroon kami ng instant na reunion sa hospital, nag-usap-usap kami, ‘Oy, mag-reunion uli tayo, ha? Gawin uli natin yung dati.’

“In fact, mamaya [July 14] ay pupunta ako kay Robin. Magpapa-dinner siya doon sa bagong bahay nila ni Mariel [Rodriguez].

“Kami naman ni Mariel, ngayon lang kami magkikita kasi nasa America siya nung magkasakit ako.”

(Read: A first after a long time: Robin Padilla and BB Gandanghari in one photo)

Higit sa anupaman ay ang pasasalamat ni BB kay Robin sa buong-pusong pagtanggap na nito sa kanya.

Sabi ni BB, “Alam n’yo, mabait talaga si Robin… super!

“Two years din kaming hindi nagkikita o nagbabatian.

“Tapos, kapag nagkikita pa, hindi talaga puwedeng walang away.

“Tapos, nung nagkaroon ng problema, hindi talaga siya nagdalawang-isip na pumunta.

“Puwede naman kasi siyang magpapunta ng ibang tao o magpatanong, pero pumunta talaga siya [sa hospital].

“At siya pa ang nagsabi na, ‘Life is too short.’

“Naiintindihan ko naman yung bakit ang tagal niya akong natanggap.

“Kasi, isa ‘yan sa mga tinatawag nating ‘limited acceptance’ sa gay.

“Kung ako nga, ang tagal ko na hindi natanggap ang sarili ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, sa ibang tao, kapag sinabi mo na, ‘Uy, si ganito ay gay,’ ang sasot nila ay ‘Okay.’

“Pero kung tanungin mo na paano kung kapatid mo ay gay, ang sagot niyan, ‘Naku, huwag naman,’ di ba?

“Puro ganyan. So, si Robin, hindi exempted dun.

“At saka, mahirap yun para sa kanya kasi matagal na nagsama si Robin at si Rustom—kuya niya yun, e.”



WILD RUMOR. Hindi rin daw kaila kay BB ang kumalat na tsismis na baka mayroon siyang AIDS o afflicted ng HIV kaya nagkaroon siya ng malalang infection.

Pinabulaanan niya ito sa pagsasabing i-check ang record niya sa public hospital na pinagdalhan sa kanya.

Pero kung sakaling kunin siya ng Department of Health para mangampanya tungkol sa AIDS awareness, papayag ba siya?

Sagot ni BB, “Kung tungkol sa awareness, oo, papayag ako.

“Kumbaga, para maiwasan din. I’m open to that… sige, oo.

“Magandang advocacy ‘yan para sa mga kapatid natin.

“Kasi, di ba, usually, lagi nilang ina-associate sa gays ang AIDS?

“Para sa akin, ang AIDS ay dapat associated sa promiscuity ng tao—bakla man siya, tomboy, lalaki, o babae.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN