Jodi Sta. Maria wants son Thirdy to finish studies first before entering showbiz; not ready to pose for men’s magazines

Jodi Sta. Maria on posing for men’s magazines: “Actually, parang hindi ko pa keri pa. ‘Pa’ e, no? Parang merong [balak]! Okay na ako sa mga Working Mom, Smart Parenting, Preview…”


Last Sunday, July 14, ay ginanap ang opening ng bagong business ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria—ang Happy Barn Milkshake Factory, sa Rustan’s Fresh, Daang Hari, Las Piñas City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jodi at ibinahagi niya kung bakit food business muli ang kanyang naisip buksan.

Kuwento ni Jodi, “Kasi, I think, yung pagkain kasi, hindi siya puwedeng mawala.

“Kumbaga, basic need ’yan ng tao, e. Kailangan talaga natin kumain araw-araw and, I think, you can never go wrong with food.”

Ang buong cast and crew ng kanyang pinagbibidahang teleserye na Be Careful With My Heart ay nakasubok na raw ng kanyang milkshake.

Kuwento ni Jodi, “Nung nagpa-birthday ako sa location namin, dinala namin si Happy Barn and everyone got to try the Happy Barn Milkshake Factory.

“So, happy naman sila and nagustuhan nila, kahit yung mga crew na-try nila. So, happy naman ako doon.”

Hindi naman nakatikim ng milkshake ang "ka-loveteam" ni Jodi na si Richard Yap—o mas kilala bilang Ser Chief—dahil wala raw ito nung araw na iyon.

Ngunit kung bibigyan muli ng pagkakataon, ano kayang flavor ang nais ipatikim ni Jodi kanyang kapareha?

Patawang sagot ng aktres, “Bilang sosyal siya, ’no, dun na tayo sa Cookie Butter.”

Bukod sa kanyang co-stars, buo rin daw ang suporta ng boyfriend na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa kanyang business.

Saad ni Jodi, “Like what I’ve said before, na kung ano man yung mga karera na meron kami o yung mga negosyo na pinapasok namin, kung ano man, we support each other.

“Na-try niya kasi nung nag-soft opening kami dito, isa siya sa mga pumunta para suportahan yung opening.

“Alam ko ang kinuha niya nun Oreo Overjoy.”

Natawa naman ang lahat nang biglang sumingit ang anak ni Jodi na si Thirdy at sinabing: “Hindi, popcorn!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BE CAREFUL WITH MY HEART. Laking pasasalamat din ni Jodi sa kanilang mga tagasubaybay dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa Be Careful With My Heart.

Last Wednesday, July 10, ay ipinagdiwang ng buong cast and crew ang kanilang first year anniversary.

Saad ni Jodi, “We’re very happy and siyempre we’re very thankful to the Lord and, of course, to our fans dahil nandiyan talaga sila na sumusuporta sa amin.

“And like what I’ve said na parang nowadays kasi, medyo rare na yung mga shows na tumatagal.

“So, natutuwa kami na... blessing para sa amin na nabigyan kami ng isang buong taon para magpasaya, magpakilig, at mag-inspire sa napakarami nating kababayan.

“Hindi lang dito sa Philippines, pero all over the world.”

Nalalapit na rin ang shooting para sa movie version ng kanilang teleserye na isa sa mga entry sa 39thMetro Manila Film Festival, kaya naman tinanong ng press kung ano magiging kaibahan ng pelikula sa teleserye.

Sagot ng Kapamilya actress, “Alam mo, gusto ko talaga sagutin ’yan, ha, pero kasi baka pag sinagot ko, malagot ako.

“Sabi kasi nila, sabihin [ko] abangan sa presscon o sa storycon.

“Yun na lang muna, pero basta... kumbaga, bago na namang experiment.

“May susubukan na naman tayong kakaiba para sa movie.”

Dagdag pa ni Jodi, “Hindi ko pa rin talaga alam kung ano’ng mangyayari.

"But one thing’s for sure, yung buong cast ng Be Careful With My Heart will be in the film.”

Mayroon pa kaya siyang nais hilingin para sa kanyang career?

Sabi ni Jodi, “Honestly, it would be too much to ask for more kasi I’ve been blessed with my career, and then yung business.

“Siguro na lang, not for myself but for my family, na lagi silang healthy and happy, safe from harm.

“Yun na lang ’yon, ganun na lang kasimple yung wish ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BALANCING ACT. Bukod sa taping, busy rin ngayon si Jodi sa kanyang business ventures.

Ngunit tiniyak ng Kapamilya actress na mayroon pa rin siyang oras para sa kanyang pamilya, lalung-lalo na sa kanyang anak na si Thirdy.

Kuwento ni Jodi, “I work three times a week, regular yun.

"Sometimes we tape almost every day for Be Careful With My Heart.

“And I really don’t accept work on Saturdays and Sunday so I get to spend time with my son.

“As in, buong-buo ako sa kanya.”

Paglilinaw pa ng aktres, “Siyempre, priority pa rin yung pamilya, priority ko pa rin yung anak ko.

“Kumbaga, wala naman talaga question diyan.”

THIRDY’S A CHARM. Sa ngayon, wala munang balak ang Kapamilya actress na isabak ang kanyang anak sa showbiz.

“Ay, no, kasi kahit si Thirdy, napag-usapan namin talaga na ano, e, na commercials lang muna.

“I want him talaga to focus sa studies.

“Kasi mahihirapan, e. I mean, alam naman natin na you cannot serve two masters at the same time.

“May isang magsa-suffer talaga na siyempre, mas importante talaga sa amin yung makapag... maka-finish siya sa pag-aaral.

“It will be hard for him to attend regular school and then do artista job.”

Papayag naman kaya si Jodi kung sakaling gusto ng kanyang anak na gumanap ng isa ngcameo role sa teleseryeng kanyang pinagbibidahan?

“I don’t know, pero siguro puwede. Pero nasa kanya naman yun kung gusto niya, e.

“Okay lang sa akin, kung okay sa kanya.

“Siyempre, nandito lang ako para i-support siya kung ano gusto niyang gawin.”

Ano naman kaya ang reaksiyon ng kanyang anak sa tuwing napapanood nito ang kissing scenes at iba pang kilig moments nina Maya at Ser Chief sa Be Careful With My Heart?

“Ano lang siya, kakapit, kakapit lang siya na ganun.

“Kahit na kunyari wala ako, nung time na hindi pa siya nagsu-swimming, iniiwan ko siya sa house and nanonood siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sasabihin niya talaga, ‘Mommy, I watched your show kanina,’ tapos ikukuwento niya ulit kung ano yung nangyari.

“He’s very supportive. Alam niya kasi na work.”


PHILIPPINES’ FINEST. Samantala, hindi naman inakala ni Jodi na makukuha niya ang ika-58 na puwesto sa FHM 100 Sexiest Women in the World ngayong taon.

Sabi ni Jodi, “Well, I mean, I don’t know... it was the first time ata na nangyari ’yan.

“So, thank you if you find me sexy, hindi ko naman iniisip ’yan!” natatawang sabi ni Jodi.

Kaya niya kayang mag-pose nang sexy para sa FHM o ibang men’s magazine?

Natatawang sagot ni Jodi, “Actually, parang hindi ko pa keri pa!

“‘Pa’ e, no? Parang merong [balak].

“Okay na ako sa mga Working Mom, Smart Parenting, Preview…”

Ano naman kaya ang kanyang ginagawa para ma-maintain ang kanyang sexy figure?

Sagot ng 31-year-old actress, “I watch what I eat, kasi siyempre sa age ko naman, di ba?

“And for everyone naman, medyo nagkaka-edad na, di ba, yung age natin nakaka-affect sa metabolism.

“So, napapansin natin na mas bumabagal, so mas mabilis tayo mag-gain ng weight, mas matagal mag-lose and mas stubborn yung fats.

“Siguro, it’s a matter of watching what you eat and as much as possible, kung puwede, mag-execirse.

“But since walang exercise, watch what you eat na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN