New Kapuso child actor David Remo on entering showbiz: “Kasi po magandang mag-artista.”

Ipakikilala ng GMA-7 ang bagong child actor na si David Remo bilang batang henyo sa upcoming early primetime series na Binoy Henyo.


Six years old lamang ang baguhang child star ng GMA-7 na si David Remo.

Unang show pa lang niya ang Binoy Henyo pero siya na agad ang bida rito.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si David last week ay napansin namin na mabilis siyang sumagot sa mga tanong.

Bakit gusto niyang mag-artista?

“Kasi po magandang mag-artista,” agad niyang sagot.



MULTI-TALENTED. Bilang Binoy, isa siyang napakatalinong bata kaya Binoy Henyo ang titulo ng show na pagbibidahan niya.

Makikitang hindi mahiyain si David at handa raw siyang umarte sa harap ng kamera.

Talent ni David ang pagkanta at pagsayaw bukod sa pag-arte.

“Okay lang po, gusto ko po iyon,” aniya.

Kaya rin ba niyang umiyak sa mga eksena?

“Opo,” mabilis pa rin niyang sambit.

Ang pagkakakilala ni David kay Gwen Zamora ay asawa ito ng paborito niyang si Enteng Kabisote.

“Secret lang po yung power ng asawa ni Vic Sotto, secret lang,” tukoy ni David kay Gwen.

“Sabi po niya, secret lang yun, secret lang yung power niya.”

Kasama rin sa cast ng Binoy Henyo si Gwen.

Close na rin si David kay Sheena Halili, na gumaganap na nanay niya sa show.



CHILD AMBITION. Ano ang gusto niyang maging paglaki niya, bukod sa pagiging artista?

“Maging hero, pati doctor... para po pag may bad guy, tatalunin ko po.”

Sabi niya sa pagiging doktor, “Para po magamot yung mga may sakit na tao.”

Idolo rin ni David si Wolverine kaya kapag may malaki na siyang ipon mula sa talent fee niya sa pag-aartista, gusto niyang makabili ng gadget nito.

Sabi niya, “Panusok po ni Wolverine, kasi may costume po akong Wolverine.”

Sa ngayon ay may savings naman na si David mula sa nagawa niyang mga commercials.

“Nasa alkansiya po, iniipon ko po yun.”

Sa tunay na buhay, si David ay grade one student sa La Salle sa Greenhills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang sabi ng mga kaklase niya sa paglabas-labas niya sa TV?

“Masaya po sila na artista ako,” sabi ng child actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN