Manny Pacquiao tops list of richest Filipino celebrities under 40

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang Top 5 richest celebrities sa Pilipinas na hindi pa lagpas 40 years old ay sina: (L-R) Manny Pacquiao, Piolo Pascual, Kim Chiu, Ryan Agoncillo, at John Lloyd Cruz.


Isang special segment ang inilabas sa Rated K ng ABS-CBN kagabi, July 14, kung saan inilista nila ang Top 5 richest celebrities sa Pilipinas na hindi pa umaabot sa edad na kuwarenta.

Ito ay ayon na rin sa buwis na ibinayad nila sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Tatlo dito ay mula sa Kapamilya network, tig-isa naman ang mula sa Kapuso at Kapatid stations.

Nasa ika-limang puwesto si John Lloyd Cruz, 30, na nagbayad ng buwis na halagang P5.4 million.

Lumalabas dito na kumita ang Kapamilya actor ng halos P16 million noong 2011 lamang. Ilan sa mga naipundar na raw ni Lloydie ay ang kanilang magarang bahay at mga paupahan sa Cainta at Pasig.

Si Ryan Agoncillo naman ang nasa ika-apat na puwesto.

Mula sa pagiging commercial model, pinasok ni Ryan, 34, ang pagiging artista at ngayon nga ay isang matagumpay na TV host.

Naging hobby rin ng mister ni Judy Ann Santos ang drifting, pero ayon sa report ng Rated K, ilang gulong man daw ang sunugin ni Ryan, barya lamang daw ito sa halos P17 million na kinita nito last 2011.

Ang Primetime Princess naman ng ABS-CBN na si Kim Chiu ang nasa ikatlong puwesto.

Kahit pitong pa lamang si Kim, 23, sa showbiz ay halos naabot na raw ng young actress ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay.

Halos P20 million daw ang kinita ni Kim mula sa kanyang mga palabas sa telebisyon, movies, at endorsements.

Nasa ikalawang puwesto naman ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual, 36.

Bukod sa pagiging aktor, pinasok na rin ni Piolo ang pagpoprodyus ng pelikula nitong mga nakaraang taon.

Nagbayad siya sa BIR ng halos P7 million na buwis, na ang ibig sabihin daw nito ay umabot sa halos P21 million ang taxable income niya.

Nasa top spot naman ang Pambansang Kamao at Saranggani congressman na si Manny Pacquiao, 34.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga assets ni Manny ay ang daan-daang milyong halaga raw ng mansion, kabilang na ang halos P600 million na bahay nito sa Forbes Park at iba pa raw mga ari-arian.

Sa ngayon daw ay may halos isang bilyong piso na yaman ang mambabatas kaya tinagurian siyang "pinakamayamang celebrity sa Pilipinas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN