Former Congressman Benjo Benaldo claims shooting incident was "pure accident"

Isa raw "pure accident" ang pagkakabaril ni dating Cagayan de Oro Representative Benjo Benaldo sa kanyang sarili noong June 27 sa mismong tanggapan niya sa Kongreso.


Aksidente raw ang pagkakabaril sa sarili ni former Cagayan de Oro Representative Jose Benjamin "Benjo" Benaldo sa loob ng kanyang tanggapan sa Batasang Pambansa noong June 27.

Ito ang sinabi ni Benaldo matapos siyang makalabas sa ospital ngayong araw, July 15.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nagpasalamat din si Benaldo sa mga doktor na naging maagap sa pagligtas sa kanyang buhay.

Sabi niya, “Let me state for the record that what happened in my office in the House of Representatives in the evening of June 27, 2013, which very nearly took my life, was a pure accident.

"I thank my staff for their quick action and my doctors for doing everything to save my life.”

Dagdag pa ng mister ni Daiana Menezes, “But I know that I owe my life today to no one but God alone.

"In my darkest moments, when I lay dying, I prayed to Him to let me live and He responded by giving me the strength and the will to survive.”

Pinabulaanan din ni Benaldo na ang insidente ay may kaugnayan sa "marital problems" nila ni Daiana.

Matatandaang ilang araw bago nangyari ang insidente ay nalaman ng publiko na dumaan sa pagsubok ang pagsasama nilang mag-asawa. Ito ay matapos mag-post ng mga nakakabahalang mensahe at litrato si Daiana sa Instagram.

Samantala, sinabi rin ni Benaldo na nadaya diumano siya sa nakaraang eleksyon kaya siya natalo.

Sa huli, nagpasalamat ang dating kongresista sa kanyang pamilya, asawa, at supporters sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN