Solenn Heussaff willing to do kissing scene with Carla Abellana

Wala raw problema kay Solenn Heussaff kung magroon man sila ng kissing scene ni Carla Abellana sa isang project. Ani Solenn, “Part ng acting naman ‘yon, di ba? Tapos, maganda si Carla. Super blooming na blooming. Lalo na ngayon, super-ganda siya. Kaya game naman ako! And feeling ko, hindi ko na kailangang paghandaan kapag ganung scene. Mabilis namang mag-kiss, e. Ha-ha-ha! Di ba?"


Panay ang tawa ni Solenn Heussaff nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, July 14, tungkol sa nasabi ni Carla Abellana na kakayanin nitong gawin ang pakikipag-kissing scene sa kapwa-babae basta ba kasing-ganda ni Solenn ang makakaeksena niya.

“Why not?” walang pagdadalawang-isip na sagot naman ni Solenn.

Natatawang sabi pa niya, “Maganda rin naman siya!

“Wala namang problem sa akin if I do a kissing scene with her. Part ng acting naman ‘yon, di ba?

“Tapos, maganda si Carla. Super blooming na blooming.

“Lalo na ngayon, super-ganda siya. Kaya game naman ako!

“And feeling ko, hindi ko na kailangang paghandaan kapag ganung scene.

“Mabilis namang mag-kiss, e. Ha-ha-ha! Di ba?

“Bakit ako kailangang maging maarte pa?”

Dagdag niya, “I think it’s interesting na mag-portray ng role of a lesbian. Kaya okey lang ‘yon sa akin.

“Di ba, kapag actor ka, papayag ka sa kung anu-anong role na ibigay sa ‘yo?

“Lalo kung challenging yung role, na mag-e-evolve din yung acting skills mo.

“So, kahit anong roles ang mapunta sa akin, parang game naman ako. Para may challenge talaga.”



KISSING PHOTO. Malapit na kaibigan ni Solenn si Isabelle Daza, na lately ay naging sentro ng intriga dahil sa lumabas na “kissing photo” nila ng pinsan niyang si Georgina Wilson.

Sabi ni Solenn tungkol dito, “Wala naman akong reaction.

“Smack lang ‘yon, mukhang intense lang sa picture.

“Parang kagaya lang ‘yon na nag-kiss yung parents ko sa front lips ko. O yung kapatid ko halimbawa.

“Wala naman ‘yon. OA naman yung mga tao na nag-react!” sabay tawa ng French-Filipino actress.

Dagdag niya, “Hindi na dapat gawing issue ‘yon. Bakit kasi lahat issue dito sa Pilipinas?”

Natutuwa raw si Solenn na hindi niya nararanasang masangkot sa kung anu-anong intriga.

“Bakit kailangang may intriga?” natatawang tanong pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kadalasan kasing sinasabi na kapag sentro ng intriga o controversial figure ang isang celebrity, sikat ito dahil “hot item” nga, kumbaga.

Reaksiyon dito ni Solenn, “Mas gusto ko na hindi ako naiintriga, yung quiet lang ang life ko.”



QUIET LOVELIFE. Gaya ng relasyon nila ng kanyang Argentinean boyfriend na si Nico Bolzico—tahimik lang at pribado.

Hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal?

“Wala. At kung meron, hindi ko sasabihin sa inyo!” tawa ni Solenn.

“’Yon! Kasi… ayoko magtsismis. Ayokong maging tsismosa!”

Gusto ba niyang biglang isang araw ay magugulat na lang ang lahat na ikakasal na pala siya?

“Hindi, pero personal life ‘yon.

“So, hindi kailangang mag-share ng lahat ng nangyayari o plans.”

Hindi niya gugustuhing magkaroon ng media coverage at ipalabas sa TV kapag ikinasal siya?

“For sure, no. Ayoko talaga kahit pa sabihin na may bayad.”

Smooth-sailing naman daw ang relationship nila ng kanyang boyfriend. Kaya nga raw masaya siya dahil balanse ang magandang takbo ng kanyang career at personal na buhay.

“We’re good. Two years na kami. Happy!”



NEW SOAP. May bagong drama series na gagawin si Solenn sa GMA-7, ang Akin Pa Rin Ang Bukas. Bida rito si Lovi Poe na makaka-love triangle sina Rocco Nacino at Cesar Montano.

Ayon kay Solenn, “Hindi pa ako nag-start mag-taping, pero alam ko na yung role ko.

“Pero wala pa akong script, so hindi ko pa alam yung flow yet.

“But… maganda yung role ko. Doctor ako, tapos girlfriend ako ni Cesar Montano dito.

“So, ‘yon… magaling mag-act si Cesar. Marami akong matututunan sa kanya.”

Ito raw ang pinaghahandaan ni Solenn sa ngayon—ang mga mabibigat at dramatic scenes niya with Cesar and Lovi.

Aniya, “I’m glad I’ll be working with Lovi again.

“Matagal ko siyang hindi nakatrabaho. Dati, lahat ng gawin kong shows at movie, nando’n si Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll be busier pa soon. May mga bagong movies ako to come.

“May gagawin akong first indie film ko. At ito yung first time na nag-audition talaga ako for the role.

“Pero hindi ko pa puwedeng sabihin kung ano yung role na ‘yon. Kahit yung details about the movie, hindi pa puwede.

“Basta mag-start kami ng shooting this week. Romance-comedy siya.

“Pero super-maganda yung istorya. Iba talaga.”

Sinong mga artista ang makakasama niya sa cast nito?

“Hindi ko pa rin puwedeng sabihin talaga, e,” sabi ni Solenn.

“Aside fom this project, ginagawa ko rin yung movie na It’s Complicated with Eugene Domingo.

“It’s a sexy-romance comedy naman. Kasama rin namin dito si Paulo Avelino, Maja Salvador, and Jake Cuenca. It’s directed by Chris Martinez.”

Dalawang romance-comedy tapos isang soap ang sabay-sabay niyang pagkakaabalahan. Hindi ba magiging mahirap na dalawang comedy roles at isang drama ang salitan niyang ipu-portray?

Sabi ni Solenn, “Mas kumportable naman ako sa comedy, pero mas challenging ang drama sa akin.

“So, good naman. Good exercise. Para mag-improve yung acting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN