Yeng Constantino to boyfriend Victor Asuncion: "Sobrang grateful ako kay God na ikaw ang man na ibinigay Niya sa akin."

Ang love messages ng magnobyong Yeng Constantino at Victor Asuncion sa isa’t isa:

Victor: “I want to tell you na sobrang seryoso ako with you and I know, ang vision ko talaga is to go for it. Hanggang habang nabubuhay ako, mamahalin talaga kita.”

Yeng: “More than kilig, yung peace and joy ko na ikaw ang nasa buhay ko, sobrang sukdulan hanggang langit. Thank you for inspiring me, at yun din, panghabambuhay.&a


Magmula nang manalo si Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy noong 2006, sinubaybayan na ng publiko kung kailan siya mai-in love o magkakaroon ng boyfriend.

Inamin kasi ng singer na mula pagkabata ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

Kaya noon lamang June 18, maraming ginulat ang pop-rock artist nang ianunsiyo niyang mayroon na siyang boyfriend.

Ang first boyfriend ni Yeng ay si Victor Asuncion, dating miyembro ng bandang Indios at lead worship vocalist ng kanilang Victory Christian Fellowship.

Noong Linggo, July 14, live na nag-guest si Yeng sa The Buzz para sa isang masinsinang panayam tungkol sa kanyang lovelife at career.

SINGING CAREER. Una munang pinag-usapan ang tungkol sa singing career ni Yeng.

Inamin ni Yeng na may pagkakataon na nawalan siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili.

Lahad niya, “Noong 2008 po, may time po na parang nahirapan akong sumulat ng kanta.

“Napaka-big hit nga po ng ’Abot-Kamay,’ so I thought, baka one-hit wonder lang ako. Baka hindi na ako makagawa ng mga hit songs.

“Ang dami rin sa Internet na nababasa ko na, ‘Wala, hanggang ganyan lang ‘yan. Yung mga kantang ginagawa niya, pare-pareho lang.’

“So, parang na-discourage ako.

"For eight months, or I think nine months, hindi po ako nagsusulat ng kanta.

“And then, finally, na-inspire ako ulit.

“Sabi ko, ‘No, this is what I want, ito ang pangarap ko simula noong bata ako.

"’Hindi ako sumusulat ng kanta para sa mga taong ayaw sa akin. Sumusulat ako ng kanta para sa mga kabataan dahil gusto ko silang i-inspire, gusto kong magpasaya ng mga tao.’

“So, yun, na-inspire ako ulit.”



NEW LOOK, NEW SONGS. Pagbalik ni Yeng noong 2009, nakitang iba na ang kanyang hitsura at maging ang compositions niya.

Saad niya, “Maraming nagulat, maraming nagalit.

“Nagpa-super short hair ako, maraming mga tao, parang, ‘What?!’

“Tapos, nagpa-bangs ako, may mga kulay ang buhok ko. Parang ang daming tao na tumaas ang kilay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, I think, part po yun ng pag-grow ko as a person and as an artist.

“I went through that, and yun ang real sa akin, yun lang naman ang gusto kong ipakita sa mga tao."

Ngayon nga, dalawa ang hit songs niya—“Chinito” at “Ba Bye.”

Sabi ni Yeng, “Nakaka-pitong taon ako and mahal ninyo naman ako, I’m really happy kaya maraming salamat.”



DREAM CONCERT. Sa isang buwan, Agosto, matutupad ang isa pang pangarap ni Yeng—ang magkaroon ng concert sa Araneta Coliseum kasama ang kanyang idolo na si Bamboo.

Gaano nga ba siya kasaya ngayon?

Sagot ng singer, “Una, sobrang ninenerbiyos dahil lahat naman po talaga ng mga mang-aawit na katulad ko…

“Pangarap po namin na maka-perform sa Araneta Coliseum—lahat po ng mga artists, na gusto namin diyan po makapag-perform.

“Kinakabahan po ako, pero at the same time, sobrang na-e-excite po ako na gawin ito—sobrang natsa-challenge.

“Kasi po, yung pagmamahal ko po sa mga sumusuporta sa amin, sobrang nati-triple, naku-quadruple, gusto ko lang talagang mag-excel.

“So, yun, excited na ako.”

Saan siya mas thankful?

“Sobrang grateful lang po ako, masasabi ko po, lahat ng bagay sa buhay ko.

“Hindi lang po ‘yan na meron akong talent, pero sobrang grateful ko po kay God.

“Sa Panginoon na, ‘Grabe Lord, sobrang faithful mo sa akin! Nilalagay mo ang mga right people around me, mga tao na nagtitiwala sa akin para makarating ako doon sa gusto Mong ilagay sa akin.’

“So, these are all because of God.”



FINALLY, A BOYFRIEND. At ang isa pa sa magandang nangyayari ngayon kay Yeng, bukod sa magandang career niya, ay ang pagkakaroon na niya ng boyfriend.

Hindi na siya NBSB o “No Boyfriend Since Birth.”

Ano nga ba ang pakiramdam ngayong may boyfriend na siya?

“Gusto ko lang pong sabihin na, ang sarap ng legal!” natatawa niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kailangan ko pong aminin.

“Dati po kasi, noong medyo teenager ako, nag-e-M.U.-M.U. [mutual understanding] ako, textmate-textmate.

"Tapos itinatago ko sa tatay ko, hindi ko sasabihin.

“Kapag may ka-text ako, kapag pumasok siya sa room, itatago ko ang cell phone.”

Wala nga raw official, puro M.U. lang.

Katuwiran ni Yeng, “Takot po ako sa commitment.”

Bakit ang tagal niyang naghintay?

Paliwanag niya, “Kasi po, siguro noong lumalaki ako, nakita ko ang mga kapatid ko, mga pinsan ko, medyo sawi sa pag-ibig.

“So, parang takot akong mag-commit.

"Hindi pala ganoon kadali yun kapag nagbigay ka ng oo.

“Kapag nag-break pala kayo, masakit pala yun.

“Nakikita ko ang mga kapatid ko, mga pinsan ko, umiiyak.

"So, sabi ko, ayoko muna, pero nagpapaligaw ako.

“Titingnan ko kung maghihintay. Kung hindi, e, sige, ‘wag na, ba-bye na lang.

“Pero hurt din ako, hurt din ako.

“Tapos, yun nga, noong dumating na itong si Yan, si Victor, sa buhay ko, tinanong ng tatay ko kung ano ang nagustuhan ko sa kanya.

“Sabi ko, ‘Alam mo, ngayon ko lang naramdaman na hindi ako natakot, hindi ako natakot umibig.

“’Hindi ako natakot mag-commit, hindi ako natatakot na feeling mo, pag-aari ka ng isang tao.’

“Sobrang willing ako and para siyang sweet surrender."

Natatawang sabi pa niya, “May ganoon pala—ngayon ko lang na-realize yun!”



LOVE AT FIRST SIGHT. Sa puntong yun, tinawag na ng The Buzz host na si Charlene Gonzalez-Muhlach ang boyfriend ni Yeng na si Victor Asuncion.

“Love” ang tawagan ng dalawa sa isa’t isa.

Sa isang inspirational concert noong isang taon daw sila unang nagkita.

Love at first sight ba ang naramdaman ni Victor para kay Yeng?

Sagot ng musikero, “At first, noong nakita ko siya, parang nagandahan ako sa kanya.

“Pero more than that, sobrang in-admire ko ang passion niya on what she does, what she sings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya sabi ko, ‘Iba ito, iba itong girl na ito talaga.’

“So, yun ang nag-strike sa akin—natulala ako.”

Hindi ba siya natakot na from showbiz, sikat… hindi ba siya na-intimidate kay Yeng?

Sabi ni Victor, “I know that she’s really famous, pero nakita ko ang side niya na nasa common friend’s house lang kami, nakita ko siya beyond the light.

“Parang doon ko nakita na friendly naman siya, I got to know her as a friend.”

Ayon naman kay Yeng, kung siya ay naging friendly sa boyfriend, ang boyfriend naman daw niya ang hindi sa kanya.

“Lahat ng tao sa church papansinin ako, pero siya, dededmahin ako.”

Sabi naman ni Victor, crush na raw niya si Yeng umpisa pa lang.

“Oo, crush ko na talaga siya umpisa pa lang. Nahihiya ako kaya hindi ko siya pinapansin.”



EARLY COURTSHIP. May kuwento naman si Charlene na nagbigay ng bulaklak si Victor kay Yeng, pero ibinalik ng huli.

Sabi ni Yeng, “Yes, last year yun, last year… nanligaw na siya sa akin.

“Parang nag-decide ako na, ’Isipin mo muna kung talagang gusto mo ako.’

“So, ibinalik ko sa kanya ang bulaklak niya, ang letter niya, tapos may ibinigay pa siya sa aking isang stuff.

“Tapos yun, ibinalik ko sa kanya.

“Noong binasted ko siya noon, umiyak din ako.”

Binasted na pala niya si Victor?

“Hindi naman, parang gusto ko lang mag-isip siya kung ako na talaga.

“So, yun, nagbunga naman, nag-isip naman siyang talaga.”

Kuwento naman ni Victor, noong ibinalik sa kanya ni Yeng ang bulaklak, inisip niyang wala na at sobrang lungkot niya.

“Pag-uwi ko, may dala akong flowers.

“May nakasalubong pa akong foreigner na ang sabi, ‘Hey, you’re going out on a date?’

“Parang mas lalo akong nalungkot, nabasted na nga ako, akala pa nila… Tapos, naluha ako noon, umiyak ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa rin ako willing to let go of her, kineep [kept] ko yung flower, tinitingnan ko, nalulungkot ako, natuyo na siya.

“Tapos, ang ginawa ko, ki-nut [cut] ko siya, yung 12 roses, then inilagay ko sa jar, doon siya natuyo.

“Every time na tinitingnan ko siya, nagda-drive ako, nakikita ko, parang, hay…”

Noong unang araw raw na sila na at nag-date sila, napansin daw ni Yeng ang bulaklak sa kotse ng boyfriend.

Natatawang kuwento ni Yeng, “Sabi ko, ‘O, mahilig ka pala sa mga ganyan, yung bulaklak, dina-dry, nilalagay sa bote.’

“Wala akong kaalam-alam, clueless talaga.

“Tapos sabi niya, ‘Hulaan mo kung ano ‘yan.’ So, wala, sobrang kinilig lang ako.

“Sa faithfulness niya, na lahat ng time na parang iniwanan ko siya sa ere, he was there.

“Tiniis niya ang pain na parang may nagre-remind sa akin.

“Tinanong ko siya, ‘Bakit ganoon? Bakit hindi mo na lang itinapon?’

Si Victor ang sumagot na, “Kasi, naniniwala ako na hindi pa rin tapos.

“I was… iniisip ko, ’God is faithful, God is faithful.’

“And, sabi ko kay God, ‘Gusto ko na talaga itong girl na ito.’

“So, I had this na kahit walang communication, God will do something.”



ADVANCE “YES”. Sa edad na 29, naghintay rin si Victor ng 29 years para sa tamang babae sa kanya at si Yeng nga raw yun.

June 18 ang kanilang anibersaryo. Paano sinagot ni Yeng si Victor?

Sabi ng singer, “Well, nauna kong sinabi sa magulang ko, hindi pa nila alam na boyfriend ko siya.

“June 18, umuwi ako sa bahay namin, sinabi ko sa Mama at Papa ko na, ‘Ma, Pa, may boyfriend na ako.’

“Tapos, the next day, the whole day, nag-date kami.

“Tapos, 20thng madaling-araw, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo na ba ang balita?’

“Sabi niya, ‘Anong balita? Na boyfriend na kita!’” at saka tumawa si Yeng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksiyon ni Victor?

Kuwento pa rin ni Yeng, “Sobrang gulat ang mukha niya.

“Pero more than that, nakita ko pa rin yung faith niya na, I knew it… I know this day would come.”

Paanong naging sila ng June 18 na hindi pa alam ni Victor?

“In my heart, sinagot ko siya!” natatawang sabi ni Yeng.



LOVE MESSAGES. Sa July 18 ay first monthsary na nila, ano naman ang mensahe nila sa isa’t isa?

Si Victor ang naunang magsalita at nagbiro pa ito kay Yeng na, “Huwag kang kikiligin.”

Sabi niya, “First of all, sobrang blessed ako na nakilala kita and we have this relationship.

“I want to tell you na sobrang seryoso ako with you and I know, ang vision ko talaga is to go for it.

“Hanggang habang nabubuhay ako, mamahalin talaga kita.”

Reaksiyon naman ni Yeng sa sinabi ng boyfriend, “Feeling ko po, abot-Buendia na po ang hair ko!"

At ang mensahe naman ni Yeng, “Love, sobra, sobrang thank you na naging faithful ka.

“And gusto ko lang malaman mo na, gusto ko lang sabihin sa iyo na sobrang grateful ako kay God na ikaw ang man na ibinigay Niya sa akin and I’m really challenged na ikaw ang ibinigay Niya sa buhay ko.

“Mas lalo akong nagiging mas inspired na better na person. Thank you, thank you.

“More than kilig, yung peace and joy ko na ikaw ang nasa buhay ko, sobrang sukdulan hanggang langit.

“Thank you for inspiring me, at yun din, panghabambuhay.”

Sa huli, hinilingan ni Charlene na mag-duet sina Yeng at Victor—“Endless Love” ang inawit nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN