Angelica Panganiban to bashers: “Sana magkaroon sila ng happiness.”

Angelica Panganiba about her constant bashers: “Feeling ko naman kasi, kung kaya nilang mang-asar, ganun lang din ang gagawin ko sa kanila. Kung naaasar sila sa mukha ko, e di ilalagay ko nang ilalagay ang mukha ko. Magse-selfie ako nang magse-selfie, di ba? Ganun lang talaga ang life.”


Natutunan na raw ni Angelica Panganiban na huwag pansinin ang mga patuloy na naninira sa kanya, lalo na sa social networking sites.

Matatandaan na noong Huwebes, July 12, ay nag-post ang aktres ng larawan nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Sa caption nito ay isinulat niya ang sumusunod:

“Helloooooo!!! Are you guys happy or feelin’ being a hater? Were used to it!! Hahahaha! We invested sooo much happiness.. So please make sure , we’ll get affected sa haters :)”

Para sa 26-year-old actress, hindi niya kailangang pagtuunan ng pansin ang lahat ng mga negatibong komento ng readers tungkol sa kanya.

Paliwanag niya, “Sa dami naman ng magpi-feedback sa ’yo, magko-comment sa ’yo, hindi naman ‘yon para basahin mo isa-isa.

“Hindi mo rin naman alam kung maganda o pangit yung sasabihin nila.

“So, darating rin naman sa point na matututo ka na lang na huwag na lang silang pansinin.

“Ikaw, ginawa mo lang yung part mo, nag-share ka ng picture mo, kung ano ang gusto mong i-share sa mga tao.

“Sila na ang bahala kung paano nila ‘yon tatanggapin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa press launch ng produktong iniendorso niya na Polaroid, kanina, July 16.



PROFESSIONAL BASHERS. Bagamat madalas nakikitang masaya sina Angelica at John Lloyd sa mga larawan at video na ipinu-post nila, may mangilan-ngilan pa ring pilit na nagbibigay ng hindi magandang komento sa relasyon nila.

(Read: John Lloyd Cruz on relationship with Angelica Panganiban: “Sobra talagang walang problema.”)

Pero natanggap na rin daw ni Angelica na, “Ganun lang talaga ang life.”

Kaya naman sa halip na mainis, sabi ng Kapamilya actress, “Feeling ko naman kasi, kung kaya nilang mang-asar, ganun lang din ang gagawin ko sa kanila.

“Kung naaasar sila sa mukha ko, e, di ilalagay ko nang ilalagay ang mukha ko!

“Magse-selfie ako nang magse-selfie, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasanay na rin daw si Angelica sa mga negatibong komento na natatanggap niya simula pa noon.

Aniya, “Kung ayaw nila akong makita, e, di huwag nila akong i-follow.

“E, pina-follow pa rin naman nila ako at nagko-comment pa rin sila.

“I think isa ‘yon sa mga nakakatuwang bagay sa akin dahil isa ‘yon sa advantage ng personality ko—kaya ko siyang i-treat nang ganun.

“Hindi na ako katulad ng dati.

“I can say na nag-mature na ako pagdating sa pag-handle sa kanila.

“Sanayan lang siguro ‘yon.”

Kaya naman sa tuwing magbabasa siya ngayon ng comments, sabi ni Angelica, “Grabe, tawang-tawa talaga ako.

“Oh, my god, grabe, talagang nakakatawa silang mag-comment!”

Dagdag niya, “Feling ko, profession ‘yon.

“No joke, feeling ko talaga mayroong taong, ‘Ako, itong pagkatao kong ‘to, magde-decide ako na mang-bash ng artista para makuha ko ang atensiyon nila.’

“Kinakarir nila.

“Nakakatuwa naman kasi may paninindigan sila. Maganda ‘yon sa isang tao, mayroon kang paninindigan.”



INFLUENCED BY JOHN LLOYD. Para kay Angelica, naging malaking tulong din si John Lloyd para matutunang huwag maapektuhan ng anumang negatibong komento tungkol sa kanya.

“Feeling ko, I’m very, very matured!” natatawang sabi ng Kapamilya actress.

“Siguro kasi isa siyang mahinahon na tao kaya isang bagay ‘yon na na-adapt ko.

“Kapag minsan naiinis ako sa isang bagay, halimbawa may ikakainit ako ng ulo, siya yung, “O, huwag ka nang ganyan.’

“Natutunan ko naman. Kinaya ko naman siya and mas maganda, ha, gigising ako sa umaga nang pleasant at matutulog ako nang happy.”

Nagbiro pa si Angelica na naiintindihan daw niya kung may mga "naiinggit" sa relasyon nila ni John Lloyd.

“Feeling ko kasi, nakakainggit talaga!” muli siyang natawa.

“Oo, ’no, feeling ko talaga. Kasi kung sa iba siya napunta, parang, ‘Ay, nakakainggit, sirain ko nga ang mood nito.’’’

Bagamat natutunan na niyang huwag pansinin ang basehers, umaasa pa rin si Angelica na, “Sana dumating din sa buhay nila yung happiness na para sa kanila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para magkaroon naman sila ng katahimikan din sa life."

Katuwiran pa niya, “Kasi ako, never ko naman na-experience mang-bash ng ibang tao.

“Parang gaano kaya kalungkot yung buhay na mayroon sila?

“‘Yon na lang din ang iisipin natin, kung bakit nila ‘yon ginagawa, ano yung purpose nila, ano ang nangyayari sa buhay nila.”

Sa huli, mensahe ni Angelica sa kanyang bashers: “Sana magkaroon sila ng happiness and sense para mabuhay nang mas maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN