Teejay Marquez admits crush on Rita de Guzman

Hindi raw naghahanap nang labis si Teejay Marquez pagdating sa kanyang showbiz career. Aniya, “Sabi ko nga sa sarili ko na dapat maging thankful pa rin ako, kasi maraming magagandang projects na dumadating sa akin at hindi ako nababakante.


Isa sa nalungkot nang husto sa nalalapit na pagtatapos ng GMA-7 early primetime series na Home Sweet Home ay ang tween star na si Teejay Marquez.

Sobrang mami-miss daw nito ang kanyang mga kasamahan sa nasabing show.

Nagkuwento si Teejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya noong July 14 sa kanyang “Meet and Greet” sa SM Dasmariñas.

Saad niya, “Nakakalungkot po na malapit ng magtapos yung show namin.

“Parang hindi namin namamalayan na patapos na pala, kasi masyado kaming nag-e-enjoy sa show.

“Sobrang bonded na kasi kaming lahat sa show, na every time na nasa set kami, masarap magtrabaho kasi parang isang malaking pamilya kami.

“Alam ko rin naman na hindi lang ako ang nalulungkot, alam kong pati na rin yung ibang mga artistang nasa show…

“Nasanay na kami na every MWF [Monday, Wednesday, Friday] ay magkakasama kami dahil taping days yun.”

Sino yung pinaka mami-miss niya?

Sabi ni Teejay, “Lahat halos mami-miss ko mula sa mga kasamahan kong artista hanggang sa mga staff and crew ng show, kasi inalagaan nila kami at naging close kami sa kanila.”



MOVIES AND ENDORSEMENTS. Pagkatapos ng Home Sweet Home, ano ang next project ni Teejay?

“Bale sa ngayon, wala pa namang nasasabi sa akin kung anong next TV project ko, bale guesting-guesting lang muna sa mga shows ng GMA-7.

“Tapos, shoot lang mga bagong commercials ko at pictorial for my new endorsements dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Tsaka ang alam ko po, may re-shoot daw ako ng ilang eksena sa pelikula ng GMA Films ang Basement, at may gagawin akong pelikula with Kiko Estrada.

“Bale launching movie niya yun at ako ang gaganap na kapatid niya.”

Ano ang title ng movie?

“Sa ngayon kasi, hindi pa sinasabi sa amin yung exact na title ng film, pero ang tentative title nito ay Chasing Boulevards, directed by Alessandra Damas under Princess Pictures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale parang reunion naming mga tweens ito, kasi naging part din ng Tween Hearts si Kiko.

"At makakasama din namin dito si Kim Rodriguez… bale tatlo kaming galing sa Tween Hearts sa movie.”



GMAAC CONTRACT. Nakapirma na ba siya ng contract with GMA Artist Center, ang talent arm ng Kapuso network?

Ayon kay Teejay, “Hindi pa, pero by this week, ang alam ko, magsa-sign up na rin ako with them.

“Bale nag-usap na yung manager ko at GMA Artist Center tungkol sa contracts at kung anong mga plano sa akin ng network.

“Ang alam ko, sabay kami ni Hiro Peralta na magsa-sign sa kanila, kasi hindi pa rin siya nakakontrata sa GMAAC.

“Hindi ko lang po alam, pero ang alam ko within the week, magsa-sign na kami ni Hiro.”



LATEST CRUSH. Totoo ba na si Rita de Guzman ang latest crush niya?

Sabi ni Teejay, “Bukod kay Jennylyn Mercado—na paulit-ulit kong sasabihin na crush ko—hinahangaan ko din si Rita.

"Kasi ang galing niya kumanta at umarte.

“Noong una ko siyang napanood, nagalingan at nagandahan na ako sa kanya, kaya nga gusto ko siya ma-meet in person para mas makilala ko siya .

“Gusto ko rin siya makatrabaho sa mga next projects ko sa GMA.

“Alam ko naman na hindi malabong mangyari kasi pareho kaming under GMA-7.

“Hopefully, sana pagbigyan ako ng GMA na makatrabaho ko rin siya.

“Pero gusto ko ring makatrabaho si Jennylyn, yun kasi yung matagal ko nang pangarap—ang makaeksena siya sa isang soap.

“Kahit guest lang ako, okay lang basta siya nagka-eksena ko, okay na sa akin yun.”



SATISFIED. Hindi ba siya naiinggit sa mga kapwa niya tweens na nagbibida na sa mga soap ng GMA-7?

Ani Teejay, “Hindi naman po, kasi hindi ko pinapasok sa isip ko yung inggit.

“Hindi kasi healthy yun pag nainggit ka, ikaw din naman yung mai-stress at masasaktan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas magandang maging masaya ka kung anong meron ka.

“Ako kasi, happy ako sa career ko kasi binibigyan ako ng GMA ng trabaho.

“Bukod pa sa mga commercials at pelikula na ginagawa ko, blessed na ako noon.

“Iyon yung pinagpapasalamat ko sa Diyos, dahil binibigyan Niya ako ng maraming blessings.

“Sabi ko nga sa sarili ko na dapat maging thankful pa rin ako, kasi maraming magagandang projects na dumadating sa akin at hindi ako nababakante.

“Tsaka nagbida na rin naman ako sa pelikula, yung Pagari. Kasama ko si Arkin del Rosario ng XLR8, kaya na-experience ko na ring mag-bida.

“Ang mahalaga naman sa akin, may trabaho po ako.

“Alam ko naman na darating din yung time na mabibigyan ako ng role na bida ako, hindi naman ako nagmamadali at willing akong maghintay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN