Megan Young amazed by sister Lauren’s acting in Mundo Mo’y Akin

Nilahad ni Megan Young ang atake na ginagawa niya bilang kontrabida sa Misibis Bay. Aniya: “My character is written in such a way na I get to intimidate the bida with the way I look and with the way I talk. Yung tipong titig ko pa lang at sa pag-ingles ko, matutunaw ka na!”


Proud at manghang-mangha si Megan Young sa kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young nang makita niya ang husay nito bilang bida-kontrabida sa nangungunang primetime series ng GMA-7 na Mundo Mo’y Akin.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Megan via Twitter, sinabi niyang sa YouTube lang niya napapanood ang ilang mga eksena ni Lauren.

Saad niya, “Siyempre, as her elder sister, happy ako because she’s doing very well and a lot of people are praising her performance.

“I only get to see a few episodes on YouTube and ako na nagsasabi na nagugulat ako sa ipinapakitang acting ni Lauren.

“Hindi ko inakala that she can act that way pala.

“I mean, to act like her character in the series, parang ang hirap and only an experienced actress can do that.

“But when I watched Lauren, nagulat talaga ako, she can handle pala doing such roles—she can really pull it off!

“Kaya when I finish an episode, I will text her to congratulate her on her performance.

“Lauren appreciates naman that I took time to watch her show kahit sa Internet na lang.”

MOST VOCAL. Inamin ni Megan na sa kanilang magkakapatid, si Lauren ang pinaka-vocal.

Ito raw ang mas open sa kanyang mga nararamdaman kapag masaya o malungkot ito.

Kahit nga raw sa pakikipagtalo sa ilang bagay, si Lauren ang pinaka-competitive sa kanilang pamilya.

Ayon kay Megan, “Kung titingnan mo kasi, parang pareho kami ni Lauren—yung quiet lang.

“But no, Lauren is very vocal. If she wants something, she makes sure na she will get it.

“And if she wants something done kaagad, she will do it herself.

"So, magkaiba kami ng personality.

“Ako kasi, I will take my time on anything.

"Hindi naman sa tamad ako, but I want to concentrate on one thing muna bago I go to another.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Lauren, she’s a multi-tasker. She can do like five things at a time, kaya she gets a lot of things done kaagad.

“Ako kasi, it will take like a few days bago ko matapos ang mga dapat kong gawin.

“And when it comes to debating over certain things, I can never win over Lauren.

“Kahit ako ang ate niya, Lauren would take her stand talaga.

“Kaya siguro nga, she’s good in her role sa TV series niya kasi part of her competitive personality ay nilalagay niya doon.

“Which is good, kasi mas nakatulong in building up her role.”



CATCHING UP. Pareho silang magkapatid na gumaganap bilang kontrabida sa TV ngayon. Kontrabida rin ang role ni Megan sa Misibis Bay ng TV5.

Napagkukuwentuhan ba nila ang pagganap nila bilang mga kontrabida kapag nagkakasama sila?

Sabi ni Megan, “Hindi kasi kami madalas na magkita ni Lauren.

“Kapag wala siyang taping, ako naman ang meron, or sometimes I have school.

“Very seldom na pareho kaming walang work and we get to talk. But we don’t usually talk about work.

“Kapag nasa house kami, we talk about other things.

“Huwag muna ang showbiz, kasi parang the whole week ka na nga nagwu-work tapos yun pa ang topic ninyo.

“We go out na lang to shop, eat out or catch a movie. At siyempre, girl talk on the side.

“We try to catch up on one another since hindi nga kami madalas magkitang magkapatid.”



KONTRABIDA ROLES. Magkaiba naman daw ang pagiging kontrabida nila sa TV.

Kung si Lauren daw ay masyadong agresibo sa Mundo Mo’y Akin, si Megan naman daw ay scheming sa Misibis Bay.

Ani Megan, “Nagkataon nga na pareho kaming kontrabida ni Lauren but very different naman sa pag-portray namin.

“Ako kasi sa Misibis Bay, socialite siya and she wants her wicked plans na magawa nang malinis—yung hindi mahalata na siya ang nagplano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Plus I get to use my body for my devious plans.

“Since it’s set in a resort, I’m wearing sexy swimwear to seduce the men na nagkakagusto kay Ritz.

“Enjoy naman ako doing such role kasi hindi siya yung typical na kontrabida na sumisigaw, nanabunot at nanampal basta-basta.

“My character is written in such a way na I get to intimidate the bida with the way I look and with the way I talk.

“Yung tipong titig ko pa lang at sa pag-Ingles ko, matutunaw ka na!”



SEXY PICTORIAL? Ang mga kasabayan ni Megan sa Season 2 ng StarStruck na sina Ryza Cenon at LJ Reyes ay naging cover girls na ng FHM.

Dahil sa kaseksihan ni Megan sa Misibis Bay, papayag na ba siyang maging cover girl din ng FHM?

Sagot niya, “I’ve been offered many times in the past, but I always say na hindi pa ako ready.

“Feeling ko naman kasi, hindi ako bagay na maging cover girl ng isang men’s magazine.

“Iba kasi when you’re on the cover of a fashion or a lifestyle magazine—nandoon ang confidence ko kasi you’re all dressed up and all that.

“Pero kapag men’s magazine na kasi, kailangan talaga sexy—from the pose and what they want you to wear.

“For me, I will feel very awkward, kasi nga, I really don’t see myself na ganoon ka-sexy.

“Bagay sa ibang girls, kasi kita mo naman ang confidence nila to really pose and be out there.

“Ako, hindi ko talaga kaya at baka pagtawanan lang nila ako kapag naging cover girl ako ng FHM.

“Mahahalata na uncomfortable ako kaya huwag na lang, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN