Arjo Atayde not ready for a relationship: “Natatakot ako na baka hindi pa ako marunong mag-handle ng relationship habang naka-focus ako sa career ko.”

Arjo Atayde on acting: "Kung malamon man ako sa eksena, I don’t wanna use na baguhan ako as an excuse. The only point is, trabaho ko na gawin ang mas magandang produkto para sa mga tao, para hindi makain ng ibang aktor."


Tila walang kapaguran ang baguhang young actor na si Arjo Atayde kapag trabaho ang pinag-uusapan.

Naisisingit pa niya ang iba pang commitments kasabay ng taping niya sa afternoon series ng ABS-CBN na Dugong Buhay, na kadalasan ay sa Tanay, Rizal, pa ang location.

“I get my energy from my love for my job.

“Masaya nga ako dahil na-extend pa ang Dugong Buhay,” pagtukoy niya sa seryeng pinagbibidahan nila ni Ejay Falcon.

“Dapat first week of July na ito mag-i-end, na-extend siya until September.

“So far, so good yung rating ng show gets higher.

“Sobrang blessed naman, mahirap makapagtaas ng ratings, e, dahil 3:30 ng hapon ito umeere.

“At yung magandang takbo ng trabaho ko, yun ang nag-inspire sa akin to do better, para mag-improve.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas, Morato, Quezon City, last Saturday night, July 13.



GOOD LOOKS. Kasama ni Arjo sa serye si Ejay Falcon, na nagpaganda pa ng katawan para sa kanyang role.

Kumpara ni Arjo, “Si Ejay nga, nagpalaki ng katawan, ako naman nagpapayat.

“Kasi sinabi ko, ‘Itong Ejay Falcon na ito, wala itong panga, ako ang taba ng mukha ko.’

“So, sabi ko po na kailangan kong makisabay dito. Kung hindi, katawan pa lang, talo na ako!”

Kung ganda ng katawan ang lamang ni Ejay sa kanya, pagdating naman sa acting ay siya naman ang nakakaangat.

“A, hindi naman po! Hindi naman sa ganoon!” natawang reaksiyon ni Arjo.

“Pero, of course naman, hindi ko naman sasabihin I got prepared for Ejay.

“Kasi every scene na ginagawa ko, kahit sino pang makakesena ko, I’m sure that I’m prepared. I do my best.

"Kung malamon man ako sa eksena, I don’t wanna use na baguhan ako as an excuse.

“The only point is, trabaho ko na gawin ang mas magandang produkto para sa mga tao, para hindi makain ng ibang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko naman iniisip masyado iyon, kasi I know, once I step on the scene, ready ako, alam ko ang ginagawa ko.”



LOVE INTEREST. Si Yam Concepcion ang parehong love interest nina Arjo at Ejay sa Dugong Buhay.

Kadalasan, ang nagiging magkapareha sa isang project ay nagkakaigihan sa tagal ng pagsasama sa shooting. Kung minsan ay nauuwi pa nga sa espesyal na pagtitinginan yung nag- umpisa sa pagkakaibigan lang.

Posible bang mangyari din ito sa kanila ni Yam?

Tugon ni Arjo, “For me, I keep professionalism in line.

“Of course, hindi naman po malayo na naa-attract ako, lalo at maganda naman po si Yam, mabait.

“Sobrang mabait na babae, kuwela siyang babae.

“Pero my point is, baguhan pa lang po ako sa industriya.

"Natatakot po ako na baka hindi pa ako marunong mag-handle ng relationship habang naka-focus ako sa career ko.”

Nagkaroon na rin ng girlfriend si Arjo noong mga panahong hindi pa siya nag-aartista. During that time, non-showbiz ang mga babaeng nauugnay sa kanya.

Ngayong showbiz na siya, mahirap kayang karelasyon ang non-showbiz na baka hindi nito maintindihan ang kanyang trabaho?

Sabi ni Arjo, “Hindi ko naman po iniisip yun.

“Kung showbiz o non-showbiz, it doesn’t matter.

“Basta ang importante sa akin is maging inspirasyon ko siya.”



SHOWBIZ CRUSH. May mga crush naman daw na artista si Arjo, at ang ina-admire nga raw niya nang husto ay si Kim Chiu.

Kung magkaroon ng chance na magkatrabaho sila, baka hindi na nga niya mapigilan ang sariling manligaw sa young actress, hindi kaya?

“Sa ngayon, acquaintance naman kami, friends.

“Pero wala naman po sa plano o sa isip ko na manligaw sa kanya.

“As of now po, eyes on the goal! Eyes on the goal, not on the girls, di ba?

“Eyes on the goal first,” pahabol ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN