Glaiza de Castro happy about nomination of Temptation of Wife in Seoul International Drama Awards

Glaiza de Castro on her lovelife: “Ayoko talagang madaliin yung mga ganyang bagay. Kasi, meron pa akong mga inaasikaso, e, di ba? Kapag tapos na lahat, darating din ‘yan—sa tamang time."


Pasok ang GMA-7 primetime series na Temptation of Wife bilang finalist sa Seoul International Drama Awards.

Ang Temptation of Wife ang isa sa anim na nakasama sa Programmer’s Choice of Final Entries.

Ang limang iba pa ay ang mga sumusunod: Real Humans ng Sweden, Wings of Hope ng Japan, Windeck ng Angola, Breaking Bad (Season 1) ng USA, at Clan ng Belgium.

Ang Temptation of Wife ay Pinoy remake ng hit Koreanovela na may ganun ding pamagat.

Si Glaiza de Castro—na isa sa lead stars ng soap kasama sina Marian Rivera, Dennis Trillo, at Rafael Rosel—ay labis na natuwa nang malaman ang tungkol dito.

“Oo, may mga nag-text nga sa akin na active sa social media sites about it.

“Happy ako kasi nare-recognize yung show na ginawa namin globally. Na nari-represent nito ang TV industry natin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo, July 14.

TALENT AGENCY. Masaya ring nagkuwento si Glaiza tungkol sa bagong tayong talent agency ng kanilang pamilya, ang Galura Multi Arts Center.

Ayon sa Kapuso actress, “Well, idea ito talaga ng parents ko.

"Kasi before, nung hindi pa ako talaga nag-aartista, nagdi-develop na sila ng mga talents.

“Tapos nung nag-iisip kami ng business, ang dami naming naiisip gaya ng spa, gym... mga ganyan.

“Then, parang sumagi sa isip namin na since nandito na ako sa trabaho na ‘to, why don’t I utilize it?

“Parang… why don’t I maximize it? Na hindi na rin kami mahihirapan in a way.

“Tapos, makakatulong na rin kami sa iba at madi-develop din yung mga talents namin.

“Kasi ako, mahilig akong mag-workshop. Mahilig akong mag-aral and try different things.

“And siyempre, hindi naman puwede tayong… kahit na kunyari nakilala ka na bilang artista, o singer, o dancer ka, kailangan mo pa rin ng practice talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yung talent center na ‘yon, venue rin siya for me para mas mag-excel pa.

“At saka yung mga natutunan ko rito... siyempre hindi na rin naman tayo baguhan sa showbiz, di ba?

“Kahit papa’no, may mga experiences din naman ako na puwede kong i-share dun sa mga aspiring actors or mga dancers, katulad ng mga tinulungan namin na magpipinsan bilang dance trio.

“Kasi na-feel namin ng nanay ko yung struggles nila at saka yung willingness nila para tumulong sa pamilya nila.

“Tapos, in a way, naka-relate din ako sa kung ano yung gusto nila at kung ano yung kailangan.

“Na… kailangan nilang magtinda para may pantustos sila sa pang-araw-araw na pangangailangan. Kailangan nilang lumabas at kahit papa’no ay kumita.

"At the same time, gusto rin nila na mag-aral.

“Tapos, gusto nilang mag-artista, gusto nilang sumayaw. Kasi may talent sila.

“So ayun, parang naging venue yung talent agency namin for them para ma-develop sila.

"And at the same time, matupad yung pangarap nila.”

Kung may libre rin siyang oras, tumutulong daw si Glaiza sa kanyang mga magulang sa pagpa-facilitate ng workshops.

“Pero sa ngayon kasi, hindi ko pa matutukan dahil sobrang busy ako.

"Bukod sa tatay at nanay ko, may iba pa kaming trainors.

“Yung kapatid kong si Alchris [Galura], one time din, nagturo siya.

“April namin inumpisahan yung talent center namin and, so far, maganda naman ang takbo nito.”

SERIOUS ROLE. Regular na napapanood si Glaiza sa musical-variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars (SAS) at sa sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Pag-amin ng aktres, nami-miss na niya ang pagpu-portray ulit ng serious roles.

“Pero masaya rin na nabigyan ako ng opportunity para… kumbaga, ano rin ito, e… learning experience,” pagtukoy niya sa kanyang papel sa Vampire Ang Daddy Ko, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at anak nitong si Oyo Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka sina Bossing nga ang mga kasama mo, di ba? Parang kahit na mag-observe ka lang, marami kang matututunan, lalung-lalo na pagdating sa timing sa comedy. Gano’n.

“And meron kaming pinagmi-meeting-an ngayon na indie film.

"Hindi pa confirmed. Pero once na maayos na, ma-settle na lahat, babalitaan ko kayo.”

May mga role na siyang nagampanan na sexy, gaya nung sa sa remake ng Korean drama na Temptation of Wife. Game kaya siya na mas maging daring pa onscreen?

Sagot ni Glaiza, “Yung sobrang daring na higit sa mga nagawa ko na? Hindi na."

STILL ZERO. Nangiti lang muna si Glaiza nang makumusta ang estado ng kanyang lovelife sa ngayon.

Saka niya sinabing, “Zero pa rin!

“Ang dami ko pang mga inaasikaso, e.

“Parang ano… pass muna tayo diyan!”

Dagdag niya, “Ayoko talagang madaliin yung mga ganyang bagay.

"Kasi, meron pa akong mga inaasikaso, e, di ba?

“Kapag tapos na lahat, darating din ‘yan—sa tamang time.

“Makikita n’yo rin... talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN