Tippy Dos Santos approves of Jasmine Curtis Smith for Sam Concepcion

Ayon kay Tippy Dos Santos, hindi na umangat sa romantic relationship ang pagkakaibigan nila ni Sam Concepcion. Sabi niya, “Sa sobrang bata namin, lagi kaming magkasama. Naging sobrang close po namin, iba yung direksiyon na pinuntahan po noong closeness namin ni Sam.”


Mabibigat ang mga kalaban ni Tippy Dos Santos sa Philippine Popular Music Festival 2013 o PhilPop Music Fest na ang finals night ay gaganapin bukas, July 20, sa Meralco Theater.

Si Tippy, kasama sina Sam Concepcion at Quest, mag-i-interpret ng kantang “Dati” na composition nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana.

Ano ang expectations niya?

“Lahat sila bigatin, parang iba’t ibang genre.

“Siguro ang masasabi ko lang po talaga, yung sa kanta po namin kasi very current po siya.

“Talagang kahit na like yung mga co-artists ko, sinasabi nila pag naririnig nila, napapaindak talaga sila kasi…

“Ayokong sabihin na sounding foreign siya kasi hindi na dapat sabihin iyon about OPM music, kasi dapat kung ano yung sa atin, iyon yung sa atin.

“Pero it sounds different, parang bagung-bagong kanta talaga siya for the people na Tagalog siya.

“About the ’90s na nangyari sa Philippines, kasi madalas pinag-uusapan, di ba ’90s, na mga Backstreet Boys, Britney Spears?

“Pero ito, pag-uusapan si Princess Sarah, Marvin and Jolina, mga ganoong loveteams po, so lahat ng tao makaka-relate.”

Bukod sa “Dati,” ang iba pang finalists na maglalaban ay sina Joey Ayala (“Papel”/Joey Ayala at Gloc-9 at Denise Barbacena), Jungee Marcelo (“Pansamantagal”/Sitti Navarro at Julianne Tarroja), Marlon Barnuevo (“Araw, Ulap, Langit”/Christian Bautista), Myrus Apacible (“Sana Pinatay Mo Na Lang Ako”/Kimpoy Feliciano), ay Johnoy Danao (“Kung Di Man”/Ney Dimaculangan).

Finalist din sina Raffy Calicdan (“Space”/Banda ni Kleggy at Kean Cipriano ng Callalily), Ganny Brown (“Askal”/Jose and Wally), Adrienne Sarmiento-Buenaventura (“Sometimes That Happens”/Ace Libre ng Never the Strangers), Kennard Faraon (“Time Machine”/Six Part Invention), Lara Maigue (“Sa ’Yo Na Lang Ako”/Karylle), at Paul Armesin (“Segundo”/Yael Yuzon).

May nakalaang one million pesos na premyo para sa magwawagi.



CHILDHOOD FRIENDS. Dahil magkasama sina Tippy at Sam sa PhilPop Music Fest, nausisa tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang relasyon nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bata pa sina Tippy at Sam ay pinagtatambal na sila—na ang pinakahuli ay sa musical movie I Do Bidoo Bidoo (2012)—pero hindi iyon nauwi sa totohanan kundi sa work lamang.

Sabi ni Tippy, “Siguro po kasi talagang noong bata pa lang kami, parehung-pareho po kasi kami ng ugali ni Sam.

“Kumbaga, di ba minsan, sinasabi nila kung sino yung mahal mo, parang iyon ang nagpi-finish ng sentences mo?

“Pero kami, pini-finish namin each other’s sentences, pero para po kaming magkapatid.

“Sobrang... siguro nga ganoon na rin, sa sobrang bata namin, lagi kaming magkasama.

“Naging sobrang close po namin, iba yung direksiyon na pinuntahan po noong closeness namin ni Sam.”

Boto nga raw si Tippy sa nali-link ngayon kay Sam na si Jasmine Curtis Smith.

“Oo naman po!” bulalas niya.

“Napakaganda, napakabait, matalino, so whoever Sam will be happy with, doon po ako.”

Nagkukuwento naman daw si Sam kay Tippy tungkol sa lovelife nito.

“Paminsan-minsan po, tatanungin ko siya, ganun-ganoon.

“Pero ngayon kasi, hindi na kami masyadong nagkikita as much as before.

"Pero dati po, sobrang kuwentuhan talaga. Ganoon.”



ADMIRERS. Si Tippy ay hindi pa nagkakarelasyon, pero may manliligaw naman daw siya.

Namula si Tippy at hindi agad nagsalita sa tanong kung taga-showbiz ba ito, bagkus ay tumawa na lamang siya.

Sa mga artista, sino ang pinaka-close niya bukod kay Sam?

“Marami po, marami po akong ka-close—si Rap Salazar po, very close ko siya.

“Marami po akong close, e, mga taga-LUV U po, mga ka-close ko.”

Si Rap ang kapareha niya sa LUV U.

Bakit tila ayaw niyang sabihin kung sino ang taga-showbiz na nanliligaw sa kanya?

“Hindi, wala po... na-stress po ako sa inyo, hindi ako magaling magsinungaling!” at tumawa si Tippy.

Dagdag niya, “Marami lang po akong ka-close.”

Sino ang pumalit sa puwesto ni Sam bilang pinaka-close niya na lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, wala naman po, kapatid ko po si Sam.”



PERMISSION. Hindi pa raw nagkaka-boyfriend si Tippy kahit kailan.

Turning 19 sa August 16 si Tippy, pinagbabawalan pa ba siya ng kanyang mga magulang na makipagrelasyon?

Sabi niya, “Sa parents ko naman po kasi, siyempre nung mas bata ako, sinasabi huwag magbo-boyfriend.

“Pero ngayon po, feeling ko… ang mommy ko po actually, open siya pag gusto niya siguro yung tao.

“Kumbaga, hindi niya po sasabihin sa akin na, ‘Okay lang, mag-boyfriend ka.’

“Okay lang po kung gusto niya yung tao para sa akin.”

Hindi siya dini-discourage?

“Hindi rin niya po ako dini-discourage, pero nakikita ko po sa kanya na kailangan talaga yung gusto niya po para sa akin.

“Kumbaga, hindi na po nila sinasabi na bawal magganyan.

“Siguro hinihintay lang po din nila na makakita po sila ng magugustuhan nila for me talaga.”



UNDER CONTRACT. Talent ng Star Magic at ABS-CBN si Tippy.

“Every year po kami nagre-renew,” banggit niya.

Masaya ba siya sa status niya sa showbiz?

Sagot ni Tippy, “Yes po. Actually co-managed po ako ng Stages, my manager po is Carlo Orosa.

“This year po, ayun, lalabas po yung movie, yung Raketeros, kasama po ako doon.

“Maglalabas din po ako ng sarili kong album so happy naman po ako.”

Bakit hindi siya nagde-demand na bigyan na siya ng launching project ng Kapamilya Network?

Tugon niya, “Sa showbiz naman po talaga, feeling ko, it’s about timing din po.

“Pag hindi pa time talaga para mabigyan ng break, hindi pa po talaga mangyayari.

“So, parang sa akin, nag-aaral po ako. Hindi naman po ako nagmamadali.”



SHOWBIZ AND STUDIES. Sabay na ginagampanan ni Tippy ang tungkulin niya bilang performer at ang pagiging estudyante niya ng kursong B.S. Family Life and Child Development sa University of the Philippines.

Bakit ganun ang kursong kinuha niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Tippy, “Gusto ko po kasi talaga mapunta sa field ng mga bata?

“Puwede po akong maging pre-school teacher pagka-graduate ko or puwede po siyang pre-med.”

Kinakaya naman niyang balansehin ang showbiz career niya at ang kanyang edukasyon.

“Iyon nga po, kasi sa Stages, natutulungan po talaga nila ako na, ‘A, hindi po puwede si Tippy ng ganyan, may school po siya hanggang 3.’

“Siguro po, iyon din po yung dahilan kung bakit hindi po ako makapag-teleserye talaga, kasi mahirap pong mag-absent lagi. Ayun po.”

Ayaw naman ni Tippy ng home-schooling.

“Hindi ko po yata kaya mag-home study, mababaliw po ako kapag mag-isa po ako!” natawang sabi niya.

Sino ang pipiliin niyang leading man kapag bibigyan na siya ng teleserye na siya ang bida?

Sagot niya, “Si Sam po, kasi comfortable na comfortable na po talaga kami together.

“And feeling ko po, yung closeness namin, lalabas po siya on screen.

“So, hindi na po ikaw mahihiya kung sino ang ka-partner mo, ganoon.”

Sa mga babaeng artista, sino naman ang gusto niyang tularan?

“Sarah Geronimo po, kasi napakataas po ng status niya, pero napaka-down to earth niya.

“Tsaka totoong talent po talaga... as in.

“Kung anuman yung ikinasikat niya, talagang hard work niya po.

“Ang ganda ng boses niya, kaya niyang sabayan habang sumasayaw, marunong din po siyang umarte.

“Lahat-lahat po nasa kanya, pero napakabait pa rin niya po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN